Chapter 9: Campus Religious Song Event

31 8 0
                                    

Nung on going na ang registration para sa event ay agad ko itong ibinalita kay Sis Regine patungkol nito at pumayag siya na kung kaya't sabay na kami nagparehistro dun, pero since di man daw pwede ay nagbakasakali rin na pahintulotan na mag duo kahit ako ay Pentecostal at ang pares ko ay Baptist.

At sa kabutihang palad ay naiba ang mechanics na pwede maging duo kahit anong sect and denominations as long as same religion which is Christian, may mga Muslim din na nagjoin pero yun ang di pwedeng ma duo ang Christian at ang Muslim according sa bago nilang mechanics.

Agad din naming pinag-isipan ni Sis Regine kung ano ang song na aming awitin sa tanghalan. Napagpasyahan namin na mamili ng song na aming e practice. Sa limang kantang nilagay namin sa list para pagpilian.

1. Be the one
2. I speak Jesus
3. DIYOS Ka sa amin
4. Standing in the promises of God
5. In this place

Kaya hinayaan ko muna si Sis Regine kung anong gusto mas preferable sa campus presentation.

Regine: Bro Gio, pipiliin lang natin ha yung mafeel nila yung presence ni God, siguro itong "DIYOS Ka sa amin" ang dapat nating awitin, Kasi we are not serve through sect and denominations but we serve God in spirit and truth, therefore we will sing na para sa kanya lamang at yung maintindihan ng mga nakikinig.

Gio: Sige Sis Regine, sang-ayon ako sa song na pinili mo.

At dun pagkatapos ng klase namin ay tumungo kami sa church ng UPC na na-abutan namin yung ilan sa mga musicians na nag practice din para sa Sunday service, mas lalo pa naming pinagbutihan ang pa papractice, salamat sa Diyos na nandun rin sila Pastor Rolly na gumagabay sa mga nasa Music Ministry.

Pastor Rolly: Hali kayo Gio at Regine, samahan mo kami sa pag practice.

Gio: Pastor, may upcoming Campus Religious Song Event kami sa dating na Biyernes at ang song na aming kantahin dun ay "DIYOS Ka sa amin".

Pastor Rolly: Magaling Eho! Yan din ang pinagpractisan namin dito.

Regine: Mabuti nalang Bro Gio na ito pinili natin.

*At dumating rin ang oras na kami nag practice.*

Regine(in high voice): 🎵🎶sa lahat ng panahon DIYOS Ka sa amin, sa lahat ng oras nariyan para sa amin, Panginoong Hesus purihin Ka dakilain Ka sa buhay ko, aming Ama.🎶🎵

At ang lahat ay nagsipalakpakan sa napaka Angelic voice ni Sis Regine at tuloy-tuloy na ang pag practice kada hapon.

Hanggang si Sis Regine ay nakisama sa lahat ng kasamahan ko maging sa pagkatapos ng practice ay na enjoy nalang siya sa pagtugtug ng music instruments; kabilang na dyan ay yung Drum set na sinubukan niya yun at madali din siyang nakatuto sa mga music instruments na nandun sa Church.

At pagkatapos nun ako na naman ang pinakanta ni Pastor Rolly sa kantang pinili namin ni Sis Regine, agad ko ring ipinakita sa kanya yung boses ko habang kumakanta.

Gio(in medium voice): 🎵🎶O DIYOS, Ikaw ang tunay na dakila sa mundo Ikaw ang Haring nagmahal ng tulad ko, Ginawa mo'ng lahat Pag-ibig Mo ay tapat at wagas🎶🎵
🎵🎶O Diyos, walang papantay sa kabutihan Mo, Ang ngalan mo'y itataas sa buhay ko Sundin ang loob Mo, Iparinig ang nais Mo🎶🎵
🎵🎶Sa lahat ng panahon, Diyos ka sa amin, Sa lahat ng oras, nariyan para samin, Panginoong Hesus, purihin ka! Dakilain Ka sa buhay ko, Aming Ama🎶🎵

Everyone: Praise God! Hallelujah!

Silang lahat pumalakpak at si Sis Regine ay labis na ngiti ang ipinakita niya sa akin.

Pagkatapos nun ay inimbitahan kaming lahat ni Pastor Rolly na kumain sa isang restaurant at dun nakipag-kwentuhan about sa status namin ni Sis Regine, at sinagutan ko nalang na "Bestfriend ko siya" tinukso pa ako ng mga kasamahan Kong musicians at nung sinabi ni Sis Regine na Baptist Siya, akala ko ay mabigla at ma disappoint sila gaya ng kasamahan ni Sis Regine na si Kyla na nagbastos dahil isa akong Pentecostal, bagkus ay tinanggap nila Siya na may pag respeto at pinakisamahan din ng maayos.

I am a Pentecostal and She is a Baptist Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon