Chapter 3: Baptist Youth Camp

31 10 0
                                    

Habang kami patungo sa Church nila Sis Regine ay kinumusta niya ako kung ayos lang ba ako, at sinabi ko na ayos lang ako
Sabay ngiti ni Sis Regine sabay pagpasalamat sa akin.
At sa wakas! Nakarating na kami sa Church nila Sister Regine na medyo may layo at 30 minutes na pagbyahe.

Pag pasok palang sa Gate nila ay maraming sasakyan na nakaparada, agad kaming binati ng mga kasamahan ni Sister Regine. Agad na ipinakilala Niya sa akin ang lahat ng mga kasamahan Niya including Pastors and Family.

(Baptist Members)
• Si Pastor Bryan, Head Pastor sa Local Church nila Sister Regine at Papa niya.
• Si Ma'am Riza, ang Wife ni Pastor Bryan at Mama ni Sister Regine.
• Sister Eunice, ang Pianist sa kanilang Church at kapatid ni Sister Regine.
• Brother Cedric, Youth Pastor at kuya ni Sister Regine
• Brother Vince, Brother John, Brother Kent ay yung mga nakakasama ni Sister Regine sa pag so-soul winning.

Ilan lamang yan sa mga ipinakilala ni Sister Regine sa akin.

Si Brother Cedric rin ay minsan sumasama at tumutulong sa kanilang pag so-soul winning, kung walang ipinagkabalahan.

Malugod nila akong tinanggap at binati sabay tanong ang Pastor nila ng ganito.

Pastor Bryan: Iho, taga san ka pala?

Gio: sa Poblacion po Pastor.

Pastor Bryan: Aba! Medyo malayo layo pala, minsan na napadpad sina Regine dyan upang mag soul winning, Anong Christian Sect mo?

Gio: Pentecostal po ako Pastor at naging kaibigan ko lang si Sister Regine😊

Pastor Bryan: Nawa'y masiyahan ka dito sa Youth Camp Iho.

At ginawan nila ako ng name tag at naka-label na Guest kasabay ang Pangalan ko sa baba.

Kada Local Churches na nagparticipate ay may ibang kulay sa kanilang nickname
Iba din sa amin na guests.
Sa guests ay ako lang pala yung naka formal na suot😅
Which is nakapolo, naka-slacks at black shoes.

Kahit na si Sister Regine ay may designated ma upuan base sa kanilang local church na nabibilang, subalit mas pinili niyang tumabi sa akin.

At pinagpa exchange niya yung katabi ko ng upuan at pina-upo niya sa dun sa kanilang group.

Regine: Bisita kita! Kaya I will take care of you.

At nangyari na mag simula ng opisyal ang Youth Camp sa Oras na 8AM!
At yung nag Emcee ay si Brother Cedric, ang kuya ni Sis Regine.

Gio: Oh! Baka may tungkulin ka dyan sa Program ninyo, balik ka muna dun sa upuan mo.

Pumunta ako sa Youth Camp para makinig at kahit papano ay ma enjoy din ako sapagkat sa DIYOS naman na gawain.
Si Sister Regine ay na-atasan sa pag gather sa mga bata upang turuan din at may pakunting activity na exclusive lamang sa mga Bata.

Sinet ko nalang yung focus ko dun sa programa nila sapagkat bisita lang ako sa kanilang lugar.

At nung dumating ang Preaching session ay si Pastor Bryan ang nag lead
Base sa kanilang Tema na "Be the One" kasabay sa verse ng "Philippians 3:14"

Bitbit ang Bible ko ay agad ko itong hinanap at nag take note rin ako kahit papa-ano; For guide sa maging daily devotionals at napasabi ako sa sarili ko na, "I should be the One who will always stand kahit na nanlalamig na ang iba, I'll be the One to be a blessing!"

Maging sa amin ni Sister Regine, kahit we are friends pero parang mas lalong humanga na ako sa kanyang hanggang sa napa-ibig na rin dahil sa pagka committed niya kay God
Inside and out!

Nablessed rin talaga ako sa message ng DIYOS
At pagkatapos sa preaching mga 11AM at sa announcement na mag Lunch muna kasi may Afternoon Session pa kasabay yung Activity pagkatapos ng isa pang Sermon.
Dagdag pa ni Brother Cedric na mag special song si Sister Regine bago ang Sermon.
At dun ay nag closing prayer para sa Morning Session.

Nung kasasabi lang ng Emcee ng Amen ay parang nag-uunahan ang mga ibang Youth sa Linya para makakuha ng food pero nag linya lang ako ng patas kahit nasa pinaka dulo🤧

Gutom na!!

Pero Salamat sa DIYOS na nakakuha rin ng Pagkain at nung nakita ako ni Sister Regine ay tinawag niya ako magkaharap daw kami kakain sa mesa.

Pero pinag pray ko pa rin yung Pagkain namin ni Sister Regine.

Habang kumakain ay na enjoy kami dalawa ay nagkukwento pa rin kami dala kamustahan sa naging experience ko sa Youth Camp nila.

Regine: Kumusta yong experience mo dito?

Gio: Maayos naman! At na blessed din ako sa message na good to applying it in our life.

Subalit nasulyapan kami ng mga Kapatid niya at Lumapit si Sister Eunice at nakisabay sa amin.

Eunice: Hi Kuya! Nag enjoy ka ba po?

Gio: Yes Sis! Na enjoy ako sa Ate mo!😂
Joke lang!

Eunice: HEHE Hala si Kuya! Pero buti nalang Kuya no na kahit hindi same ng Group pumunta ka pa rin.

Gio: Di naman ako sa Church nag serve, kundi sa DIYOS man!

Regine: Eunice! E ready mo lang yung kakantahin ko mamaya sa Special song. At sabihin mo lang si Papa na to Assist in Guitar, Salamat!

Eunice: Sige po Ate!😊

At umalis na si Eunice pagkatapos kumain.

Di ko lang dinami ang Pagkain
Pero naka 2 serves lang ako

Ayoko kasi ma awkward si Sis Regine sa akin kay may mababasa din naman sa Bible sa (Proverbs 23:2) na "At maglagay ka ng sundang sa iyong lalamunan, kung ikaw ay taong bigay sa pagkain."

Subalit naging blessing din si Sis Regine sa buhay ko😍 at sinabi niya.

Regine: Brother Gio, Ikaw ay panalangin mula sa Itaas, gusto pa kitang makasama muli🥺

Nagtaka ako kung bakit niya nasabi yan🤧
Naging speechless po ako kasi di ko akalain na same pala yung nararamdaman namin sa isa't isa🥺
Ni minsan napatulala ako sa sarili ko nung time na naging close kami, kasi sa lahat ng mga naging Female Friends ko especially Christian ay siya lamang ang nag appreciate sa akin😔

Kahit na hindi kami same ng Pananampalataya subalit hindi naging batayan para sa aming dalawa.

Gio: Maititiwalag ba kayo kung iibig kayo ng ibang Pananampalataya?

Regine: Hindi naman! At isa pa, may karapatan din naman tayong umibig na may pahintulot din.

Gio: Sis Regine, a-aminin ko man na same tayo ng nararamdaman🥺
Subalit gusto ko na mahalin mo muna natin ang DIYOS.
Bahala na dito muna tayo at kilalanin ang isa't isa ng lubusan.

At nung may nag announce na magsisimula na ulit ang Service ay pumunta na kami sa Church at dun ay magsisisumala pa lang na may Opening remarks ng Emcee at Opening Prayer ni Pastor Bryan.

Ay sinundan ng Special Song ni Sister Regine na pinamagatang "Be the One".
Duyog ng pag Guitar ni Pastor Bryan at pag Piano ni Sister Eunice.

Nahango sa Tema mismo sa Youth Camp
At nung nagsimula na siyang umawit ay randam ko rin yung sincerity niya sa pag kanta at sumusulyap sa akin pagka Chorus.

Regine: 🎵🎶Will you be the one To answer to His call, Will you stand When those around you fall. Will you be the one To take His light Into a darkened world,
Tell me will you be the one🎶🎵

Namangha ako sa mensahe ng kanta at sa mala Anghel na boses ni Sister Regine.
Pagkatapos nun ay nagsipalakpakan ang lahat at next ay Preaching na ng Isang Elder sa kanilang Group mula ibang Local Church.

At yung Elder na yun nagpasimulan ng verse sa Matthew 5:14-16, sinundan ng Opening Prayer at nagpatuloy.

From previous na Sermon sa Church namin ay may idea na ako about kung saan ang verse na yan at na recall din sa Message ng Baptist Elder.
Nakinig talaga ako at nag take note din sa naging discussion hanggang sa natapos ang message. Tapos inanunsyo ng Emcee na magkakaroon ng Activity subalit ang mga Guest ay di kasali kasi intended for Bible Sharing so Dodoctrinahan talaga kaming mga Guest.

At lumapit si Sis Regine sa akin.

Regine: Hala! Bro Gio, di ka pala makasali sa mga unang bible games pero sige lang💖
Sana makahabol pa rin kayo.

Sabay smile niya sa akin at umalis😁

At dun ay tinipon kaming mga guest sa isang cottage kasama si Ma'am Riza.

I am a Pentecostal and She is a Baptist Where stories live. Discover now