Chapter 14: Going to Malaybalay City

12 7 1
                                    

Linggo ng Gabi ay nag message si Sis Regine sa akin, at sinabi ko sa kanya patungkol kay Rafael at sa Family niya, nakikilala din ni Sis Regine si Rafael dahil naging magkaklase daw sila noong Grade 7 pa lamang sila at masaya siya sa naging life nila.



Habang si Sis Regine ay nasa Canada ay nabalitaan ko rin mula sa mga kasamahan ko na mayroon ding United Pentecostal Church sa Canada na may 337 churches from different provinces, 75 daw sa Ontario, 75 sa Québec, 50 sa Alberta, 50 sa Saskatchewan, 50 sa British Columbia at 37 sa Newfoundland and Labrador. At si Sis Regine ay nasa Victoria, British Columbia na kung saan dadalo siya sa isang Joint fellowship ng UPCWI Victoria at Bible Baptist Church, ayon sa kanya ay hindi daw gaya sa Pilipinas na grabe ang higpit kung ang Baptist ay sumasama sa Pentecostal, at nong nalaman niya na hindi masyadong cage stage ang mga believers doon ay mas naging comfortable siya.



Ako din ay nakatanggap ng isang invitation mula sa hindi kilalang nag send, sinabi ko kay Sis Regine na joint fellowship between Bible Baptist and Fundamental Baptist Church, since month of April ay talamak talaga ang mga Youth Camps, General Fellowships, Joint Fellowships kaya hindi rin nakapagtataka.



Subalit, biglang may tumawag sa akin na youth via messenger, at noong binuksan ko ay si Sister Christine pala mula sa District 4, sinabihan ko si Sis Regine na mamaya nalang ako mag reply dahil may tumawag.



Christine: God is good brother Gio, inform lang ako sa iyo na may Joint fellowship tayo kasama ang Christian House of Prayer - Church of God na Apostolic Pentecostal pa rin sa darating na April 18-20 at inaasahan ko na dadalo kayo ni Pastor Rolly at gaganapin daw iyon sa Malaybalay City, Bukidnon.



Gio: Hindi lang ako mangako Sister, subalit pagsikapan namin ni Pastor na dadalo sa joint fellowship, sa tulong ni God.



Christine: Basta gawaing pang Espiritwal brother ay ipagkaloob yan, tiwala lang na may kasamang prayer.



Gio: Sige Sister; ipagbigay alam ko ito kay Pastor, Salamat.



Pagkatapos ng aming pag-uusap ni Sister Christine ay tinawagan ko rin si Pastor Rolly patungkol dito.



*Calling Pastor Rolly*



Gio: Hello Pastor, Mapagpalang Gabi po.



Pastor Rolly: Oh Gio, napatawag ka?



Gio: Tumawag kasi si Sister Christine na mula sa District 4 na mayroong joint fellowship daw magaganap sa Malaybalay City, Bukidnon at nag inform siya sa akin na kung makapunta ba tayo diyan sa April 18-20.



Pastor Rolly: Sige lang Gio, sa awa ng Diyos ay makadalo tayo diyan na walang humadlang na gawain ng kaaway, keep praying for that.


Gio: Sige Pastor, salamat.



Hindi na kami nagkausap ni Sis Regine dahil nag offline na din kaya I leave a message to her na sabi "Pasensya ka na mahal ko, may joint fellowship din daw kami sa darating na April 18-20, kaya napahaba ang pag-uusap namin."



Agad ko rin itong ibinalita sa mga kapatid din sa pananampalataya, kabilang na si Rafael at si Kimberly.

I am a Pentecostal and She is a Baptist Where stories live. Discover now