Chapter 13: Rafael and His Family's Conversion

17 9 0
                                    

Nagising ako ng tanghaling tapat dahil sa pagpupuyat maging si Kimberly ay nagulat bakit hindi ako pumasok, pag tingin ko sa date ay Sabado pala at klase ko sa Morning session kapag Sabado ay 11:00 AM - 12:00 PM, pagkatapos babalik ng 3:30 PM - 6:30 PM, bale tatlong subject na sa hapon hanggang gabi at isa sa umaga, pagbukas ko sa phone ay tumawag pala si Rafael sa akin, hindi ko lang nasagot dahil tulog pa ako, nag message nalang ako sa kanya na magkita nalang kami sa school.



Pagkahapon ay tumungo na ako sa school at hindi ko inaasahan na si Rafael nandoon rin sa classroom kasi di pa naman time talaga, kaya nagka-usap din kami ni Rafael.



Gio: Oy Rafael, ano atin?



Rafael: Brother, sa inyo ako mag church at willing din ako magpa Baptize in the name of Jesus Christ.



Gio: Wow Praise God! Alam ba yan ng parents mo?



Rafael: Yes, sa katunayan sila nga din sasabay, kung maari sana sabihan mo si Pastor na magpabible study kami sa bahay, heto address namin.



Tinawagan ko si Pastor para makausap niya, at habang nagkausap sila Rafael at Pastor Rolly sa pamamagitan ng cellphone ko, ay dumating din yong mga nakasama namin sa Cell Group, binati ko sila at ipinaalam ko sa kanila kung hindi sila busy, ay iimbitihan sa Fellowship bukas.



At nong natapos na si Rafael sa pag-uusap kay Pastor Rolly, tinanong ko sa kanya kung ano sinabi ni Pastor sa kanya.



Rafael: Punta kayo mamaya Bro Gio ha?



Gio: Sige Rafael, asahan mo.



At pagkatapos non ay tumungo na si Rafael sa kanyang class room, habang ako naman ay maghihintay sa prof dahil 3:30 PM na.


Pinagtiyagaan ko nalang ang inip para kasi nandito na, at di rin nagtagal ay dumating na din ang prof namin para sa subject na "Economic Statistics".



Sa totoo lang ay weakness ko talaga ang Math, subalit Business Administration pa aking kinuha na course. Siguro may plano si God patungkol dito kung bakit ito ang nakuha ko na course, kaya tiis nalang dahil maging Fourth Year student din naman ako sa pasukan ngayong taon.



Naging grateful din ako sa lahat ng naging pagsubok ko sa college, kaya I still don't lose hope lalo na kahit sa school ay nakashare din ako ng word of God, na spread din ang kanyang kingdom.



Pagkatapos ng klase ay tumawag si Pastor sa akin na susunduin ako para diretso na sa bahay ni Rafael upang magbible study sa kanila, at pagkarating namin sa lugar ng ibinigay na address ni Rafael ay eksakto nandoon na si Rafael, kakauwi lang galing sa same school.



Rafael: Magandang Gabi po sa inyo Pastor at Bro Gio, salamat sa pagbisita dito sa amin



Pastor Rolly: Mapagpalang Gabi sa inyo lahat, kami naparito upang ipahayag sa inyo ang salita ng Diyos.



Habang hindi pa nagsimula si Pastor Rolly sa panalangin ay kinamusta niya ang bawat isa sa pamilya ni Rafael, at ako nagbibigay ng mga leaflets sa mga salita ng Diyos, pagkatapos ay sinimulan na niya ang Bible Study at buong pamilya ni Rafael ay nakinig.

I am a Pentecostal and She is a Baptist Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon