Chapter 15: Joint Fellowship

15 7 0
                                    

Kinaumagahan; mga alas 4 ng madaling araw ay ginising ako ni Kimberly dahil mag devotional, sa sobrang lamig ng Malaybalay City ay hindi ko na nagawang maligo pa sa ng madaling araw, ang ginawa ko nalang ay mamunas sa mukha, pagkatapos ay nagbihis ng damit na pangsimba gaya ng slacks, polo, at black shoes.



At nang papunta na kami sa Church ay napagkamanlang akong Pastor ng isang bata dahil may bitbit daw akong Bibliya, natawa nalang ako na kung kaya't sinabihan ko ang bata na "tara pasok na tayo dahil magsimula na". Sa mga malalaking fellowship event ay hindi talaga mawawala ang Dawn Devotional Service; at kahit puyat ayos lang basta gawain ng Diyos lamang. Ang speaker sa Dawn Devotional Service ay si Pastor Bart Reaño na siyang host Pastor, karamihan din sa nakasama namin ay halos mga taga Christian House of Prayer.



Si Sister Liezel ay siyang naglead sa choruses or praise and worship. Napansin ko sa kanila ay kapag joyful, umuupo lang, kaya kami lang na UPC ang tumayo at sumayaw sa joyful. Hindi ko lang inintindi ang nasa paligid, kung hindi sa Diyos na Siyang Espiritu; kaya purihin ang Diyos sa Espiritu at katotohanan.



Pagkatapos ng praise and worship ay Doon na nagsimula mag preach si Pastor Bart patungkol sa "Discipleship" at key verse ay Galatians 6:6 "Let him that is taught in the word communicate unto him that teacheth in all good things."




As Christian na patuloy na matuto sa mga bagay na pang Espiritwal; ay tinetake note ko lahat ng mga verses, tapos ay e-expound ko in my own ang mga pinag-aral namin, habang nakikinig kami ay patuloy lang sa pag preach si Pastor.



Pastor Bart: Mga kapatid, ngayon ating pag-aralan ang importansya ng Discipleship; ito rin ay nagkakatulong na makalat ang salita ng Diyos sa lahat ng dako sa mundo, at nakakatulong upang mamuhay na may dangal na naaayon sa kalooban ng Diyos, kung walang Discipleship ay wala ring mangyaring Spiritual Growth. Living in God's word also helps us to be mature in Spirit, naintindihan niyo ba mga kapatid?



Everyone: Amen!



Tumagal ang preaching ni Pastor Bart ng Isang oras at sampung minuto, at kami din ay nablessed at nasiyahan dahil ako nakarelate din; dahil sa school ay ginagawa ko yon, at maging kay Sister Regine na kahit sa pamamagitan lamang ng cellphone ay kami nagpapatuloy na mag discuss sa Word of God, kasali na doctrinal sa discipleship namin.



Natapos ang Dawn Devotional Service mga Alas 6 ng umaga, kaya umagang kay ganda na naman at heto unti-unti na rin dumating ang mga kasamahan namin na UPC. May iba na sa Butuan City na under sa Northern Mindanao District, tapos dumating na din mula pa sa Central Mindanao District at mga kasamahan namin sa Southern Mindanao District.



Nag breakfast muna kami nila Pastor at mga kasamahan, para pagkatapos ay maliligo na din at panigurado na mag-uunahan sa CR. At nang natapos at nakabihis na kami ay hinanda na namin ang sarili para sa Fellowship.



Umupo kami sa may gitnaan ng Church para centro talagang makita sa big screen ang mga guided verses at mga lyrics sa kanta kung sakali mang hindi namin alam ang kanta. Magkatabi kami ng pinsan ko na si Kimberly, at si Rafael naman ay sa harapan namin dahil puno na din sa aming inuupuan. Habang nagsimula na ang Joint Fellowship service ay ang main theme ng buong gawain ay "Crucified with Christ" na ang given verse ay (Galatians 2:20) "I am crucified with Christ: nevertheless I live; yet not I, but Christ liveth in me: and the life which I now live in the flesh I live by the faith of the Son of God, who loved me, and gave himself for me."

I am a Pentecostal and She is a Baptist Where stories live. Discover now