Chapter 16: Communal Ranch

17 7 0
                                    

Nanatili kami don kahit marami na ang nagsi-uwi sa kanilang lugar dahil tapos na ang joint fellowship; may iba din kasi na estudyante, may trabaho. Gusto pa kasi ni Pastor na ma enjoy kami sa lugar, kaya sinama din namin sila Sister Liezel at ibang mga kapatid sa Christian House of Prayer para man lang makapag bonding.



Suggest nila na sa Communal Ranch daw ang napakaganda na lugar sa buong Bukidnon, dahil parang nasa New Zealand ang feeling, ng dahil sa mga berdeng kapatagan, may lake, may mga baka, mga bulubundukin. Pero mas maganda pa rin ito kapag pagsapit ng sunset at sunrise.



Good thing lang na may restaurant sa gilid ng Highway na kung saan, ang may-ari ng lugar ang siyang bumukas ng restaurant sa Communal Ranch. May bayad daw kapag mag camping kami, pero hindi naman talaga kamahalan ang presyo, sa halagang 50 pesos ay pwede ka nang mag camping for overnight sa Communal Ranch ngunit kailangan pa rin magbayad ng 25 pesos para sa campfire, 100 pesos naman kapag may breakfast. Pero pinili nalang namin ang 50 pesos, at sa restaurant na rin kami naghapunan. Nong pagsapit ng sunset ay grabe, napakaganda talaga ang view kumpara sa oras na pumunta ako mag-isa; kaya naman hindi namin pinalampas na mag picture taking doon sa lugar na iyon.



Nang kami ay nasa tent na ay para lang kaming pumunta sa ibang bansa, at doon gumamit kami ng campfire at nag devotional kasama sila Sister Liezel na pinangunahan din ni Pastor Rolly, at si Rafael ang nag opening prayer. Makikita ko talaga sa mga kasamahan ni Sis Liezel ay always ready dahil nagdala sila ng gitara at nagkantahan kami ng pang worship.



Napakapresko ang simoy ng hangin sa Communal Ranch na mas malamig pa kaysa sa venue, dahil nga naman sa mga preskong halaman na nakapaligid ay hindi talaga nakapagtataka kung bakit ganoon.



Nong matutulog na ako pagkatapos ng devotional ay always ko talaga pinagpray ang buhay ni Sis Regine, at 'tsaka ang pag-aaral ko sa college na mag fourth year na ako sa darating na pasukan, kahit mas pinahirap na mga gawain ang ma e-encounter ko ay mananatili lamang magtiwala sa Diyos, dahil balang araw na sa kalooban Niya'y magiging isa na kami.



Habang binabasa ko ang libro ng Genesis, patungkol sa story of creation ay dito ko mas naging grateful dahil sa lahat ng planeta sa solar system ay itong Earth lamang ang may buhay. Kahit na ang tao ay makasalanan dahil sa pagsuway, Kanya ding nilagyan ng balat ng hayop sina Adan at Eva bilang kasuotan.



Hindi ko na pinagpatuloy yong sa story ni Cain at Abel, dahil ang mga mata ko'y unti-unting bumabagsak, kaya nakatulog na ako.



Kinaumagahan ay ginising ako ni Rafael dahil sa napakagandang view ng Communal Ranch, pagsapit ng Alas 5 ng madaling araw ay agad din akong bumangon upang magkuha ng mga litrato, mas maganda talaga kapag Sunrise kumpara sa Sunset, dahil feel mo talaga na nasa New Zealand ka.



Ang mga litrato na aking kinunan na kasama doon ang selfie at groufie, pagkatapos ay plano ko sanang e-upload sa Facebook ang mga pictures, pero mamaya nalang dahil walang signal ang Communal Ranch. Pagkatapos ay umuwi na kami tungo sa Church venue at doon nalang nag-agahan bago kami tuluyang uuwi sa Davao City. Na enjoy din ang lahat sa nature bonding together with the brethren na kahit minsan lang mangyari.



At nang nagkasignal na ako ay naipost ko na sa Facebook ang picture at nagawang maipasa ko pa kay Sis Regine. At habang kami ay naghahanda na sa aming pag-uwi ay napayakap si Pastor Bart Reaño sa akin.



Pastor Bart: Salamat sa panahon na nakasama ko kayo at sa pagpunta sa lugar namin, kahit magkaiba man tayo ng karatula ay parehas lamang tayo ng pananampalataya, Sana hindi ito huling beses na magkaroon ng joint fellowship sa pagitan niyo.



Habang si Rafael din ay namaalam na kay Sis Liezel.



Rafael: Sana magkita pa tayo sa susunod.



Liezel: Loobin ng Diyos po Brother, ingat kayo sa byahe.



Masaya kaming lahat dahil nakilala ko ang ibang kapatiran sa ibang denominasyon din ng Apostolic Pentecostal, akala ko na UPC lamang ang Apostolic Pentecostal, subalit mayroon palang binhi na kahit hindi sakop ng UPC, pero sakop din ng ating Panginoong Hesu-Kristo.



Sa huling pagkakamayan namin sa lahat ng nandoon ay hindi ko maiwasang lumuha dahil, babalik na din kami sa aming pinangalingan.



Gio: Paalam na sa inyo mga kapatid, hanggang sa muli na tayo'y tagpuin na mula sa kanyang kalooban.



Sakay ng SUV ay hinatid kami patungo sa bus terminal at doon nalang kami sasakay ng bus pauwi ng Davao City.


I am a Pentecostal and She is a Baptist Where stories live. Discover now