Chapter 10: Challenges

25 9 0
                                    

Pagkatapos ng ilang araw nung natapos ang Campus Religious Song Event ay sandamakmak na pagsubok na aming naranasan, sa Physical, Emotional at maging sa Spiritual. Dito din nasubukan ang aking loob kung e-pursue ko pa ba si Sis Regine dahil sa mga nangyari sa aming buhay bilang isang Christian Youth.

Sa mga panahon na yun habang sa kampo ng mga Baptist ay nagtitipon tipon para turuan ng leksyon si Sis Regine dahil sa pag-ibig sa binatang Pentecostal, subalit nung bumisita ako sa bahay nila Sis Regine ay nakita ako ng mga bisita nila na dahilan kung bakit humantong sa mainit na sagutan ng Doktrina at pati sa pagkatao ko.
Wala dun si Kyla pero ang ilan sa mga kasamahan na pawang mga Youth leaders at Pastors na nagbigay ng disciplinarian action kay Sis Regine.
Di makapaniwala si Sis Regine sa kadahilanang pagiging agresibo ng mga kasamahan niya.
May ilang youth na nagsasabi sa kanya na "Porket ang gwapo ay titiktop ka na sa Pentecostal na yan?"
Agad namang sinumbatan ang mga kasamahan niya.

Regine: Bakit kayo na offend na mas pinili ko yang Binatang Pentecostal, mas nakikita ko ang Christ-likeness niya kaysa sa inyo, isa pa di naman ito makapaimpyerno sa akin porket sa ibang sect ang para sa akin.

Sa kanyang sinabi ay gumulo sa isipan ng mga kasamahan niya at wala na silang magawa kundi ang umalis nalang, pagkatapos ay sinabihan Siya na "Disobedient ka"
Simula nun ay dun nagtuloy tuloy ang mga challenges sa life namin ni Sis Regine.

Lumipas ang mga Linggo ay parang nawalan ng gana pumunta ng church dahil sa nangyari, minsan napachat siya sa akin patungkol sa God's will na sinasabi ng mga iilan.
Nadun parin ako sa tabi niya at karamay sa kanya.

Gio: Nandito lang ako Sis Regine, salamat dahil pinagtanggol mo ako, dapat ako ang magtatanggol sa iyo.

Regine: Mahal kita Bro Gio! Kahit wala pang tayo ay ipaglaban kita.

Gio: Balik ka na sa pag Fellowship niyo Sis Regine, kailangan Ka nila dun sa Ministry na pinamamahala ng Papa mo. Support Your Pastor, kahit ano man mga nangyari ay they still God's people pa rin.

Regine: Ewan ko ba Bro Gio, bakit sila ganyan? Chinichismisan pa ako ng mga Ginang at nasaktan talaga ako Bro Gio dahil instead na they will encourage me ay hinihila nila ako pababa. Nanghihina ako dahil sa kanila, ano dapat kung gawin Bro Gio?

Lubos akong na-awa sa kalagayan ni Sis Regine kaya ito sinabi ko sa kanya.

Gio: Dito ka muna mag Fellowship Sis Regine, Para makaiwas ka muna sa possible na makatisod sa iyo.

Di na naka reply pa si Sis Regine, kaya idinalangin ko nalang siya sa Diyos na maging maayos ang kanyang kahihinatnan.

Kinaumagahan ay di pumasok si Sis Regine sa kadahilanang sumama ang pakiramdam niya, kaya naman pagkatapos ng klase ay napag-isipan kong bisitahin siya sa bahay niya. Pero bago pa dun ay nakasalubong ko sa hallway si Kyla na nakataas ang kilay nung nakita niya ako.

Kyla: Hinanap mo si Regine? Kapal naman ng mukha mo no na mag brainwashed sa kanya?

Di ko nalang pinansin ang sinabi ni Kyla sa akin kahit na o-offend na ako sa kanya, dahil di ko ugaling manggulo at eskandaloso.
Kaya naman sa pag-uwi ko ay tumungo muna ako sa bahay ni Sis Regine at ang sabi ng parents niya na nagkukulong siya sa loob ng kanyang kwarto dahil paminsan minsan ay dumadating ang mga kasamahan nila at may kasama ng Presbyter or Elder sa kanilang District para turuan ng leksyon patungkol sa pagpapares ng hindi kaparehas ng pananampalataya. Kinausap din ako ni Ma'am Riza ng ganito.

Ma'am Riza: Alam namin na mahal mo ang aming anak, subalit sa pagkakataong ito ay kailangan muna kayo maghiwalay para sa ikabubuti ng ministry.

Pastor Bryan: Naintindihan namin ang nararamdaman mo, sige lang Eho, kung will ni God na kayo talaga para sa isa't isa, kayo talaga ang para sa isa't isa.

I am a Pentecostal and She is a Baptist Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon