Epilogue

9 8 0
                                    

Lumipas ang dalawang taon mula nang ikinasal kami ay buntis na ng walong buwan si Sis Regine, lumipat kami ng lugar sa may Peñaplata, Samal Island dahil inordain na ako ng mga Elders ng UPC Southern Mindanao District bilang Pastor sa local church ng Peñaplata, coincidence din na sa Samal Island din inordain si Brother Cedric bilang Pastor ng Baptist Church sa may Babak District, halos magkasinglapit lang.

Nabalitaan ko rin na si Kimberly ay nanganak na, kaya binati ko na lamang sila sa pag video call, dahil malapit naman ang Babak at Peñaplata ay napagkasunduan namin ni Pastor Cedric na magkaroon ng family joint fellowship, Bible Baptist at United Pentecostal Church.

Ngunit kailangan muna namin magpa request ng letter mula sa kinatataasan ng bawat group namin bilang paggalang.
Hindi naman kami nabigo, dahil pinirmahan ito ng Elder ng United Pentecostal Church, pati na rin ang Elder ng Bible Baptist Church, basta for evangelization purposes at family gathering purposes.

Kaya every Thursday ay alternate kaming pumupunta ng Babak para sa pag street evangelization, together with Pastor Cedric Bacalso na naging masaya, matagumpay, at syempre nakakabless, kahit sa loob lang ng dalawang araw na joint fellowship.

Dumating din ang araw na kung saan ang Misis ko na si Regine ay manganganak na, kaya sinamahan din namin ni Pastor Cedric sa ospital, at laking tuwa na safe and healthy ang baby boy na lumabas, pinangalan namin siyang Zachariah Immanuel.



Cedric: Congratulations Pastor Gio, finally tatay ka na talaga.

Gio: Ikaw rin Pastor, sa baby girl mo po, ano pala ipinangalan niyo sa pamangkin ko?

Cedric: Ang pangalan niya ay Sheikainah, Pastor.

At doon, habang ina-alagaan namin ng asawa ko na si Regine ang aming newborn baby ay nagpapatuloy pa rin kami para sa Kaluwalhatian ng Diyos. Sa tuwing Byernes ay binibisitahan din kami ni Pastor Rolly at pagka Sabado naman ay sina Mama at Papa, para sa amin na din makapag fellowship. Laking tuwa nila na makita ang kanilang apo.

Charmel: Naku itong bata to, nawa’y paglaki niya ay magpagamit siya kay God, proud sa iyo si Lola, ang cute na bata.

Todo support ang parents ko at sa parents ni Regine na sina Pastor Bryan at Ma’am Riza, kasama na si Eunice ay through video call na lamang kami nag-uusap dahil naging busy din sa Ministry.

Sa local church din sa Davao City, Kay Pastor Rolly Majaducon ay mas lumawak pa ang church na kung saan ay dumadami na din ang pumupunta at nagsasaba sa ating Panginoong Hesu-Kristo, si Bro Rafael naman at kanyang pamilya ay nagpapatuloy din sa gawain doon, na kung saan ay ang mga kapitbahay, kapamilya niya ay nadala rin sa gawain ng Diyos.



Masaya ako dahil sa pagsisikap ng mga mananampalataya para ang salita ng Diyos ay lumawak, kaya ako ay sisikapin ko na maluwalhati ang Diyos, pinanghuhugutan namin ang nasusulat sa Bible na “As for me and my house, we will serve the Lord.” Kahit puno ng pagsubok ay patuloy din kami, mapagpala ang mga anak namin na ang kanilang mga magulang ay nagsusumikap para sa buhay Espiritwal, na naglilingkod sa Diyos, as they will grow, sikapin naming turuang mamuhay na may takot sa Diyos.

Ang buhay namin bilang Kristyano ay hindi naging madali, ngunit sa aming pananampalataya sa nag-iisang Diyos, naging posible ang hindi imposible sa mata ng karaniwang tao. Nawa’y ang Istorya na ito na magpapatunay na kahit ibang gropo ka mang mananampalataya sa nag-iisang Diyos at tagapagligtas ay iisa lamang tao sa Kanya.

Unahin mo muna nating mamahalin at maghari ang Diyos sa atin at hindi tayo mabibigo dahil magiging gabay natin ang kanyang presensya, mababasa sa Matthew 6:33 na “But seek ye first the kingdom of God, and his righteousness; and all these things shall be added unto you.”

I am a Pentecostal and She is a Baptist Where stories live. Discover now