Chapter 21: Right Time

12 7 0
                                    

Dumating ang panahon na si Sister Regine ay nakapag graduate na sa college, sa kursong Bachelor of Science in Business Administration Major in Financial Management. Kasabay so Kyla na maging graduating ay masaya siya na nakita pa niya ulit ang kanyang churchmate, habang ako naman ay nasa bench sa may gilid katabi ang kanyang mga kapatid at bitbit ang isang bouquet na pinagmasdan ang graduation ceremony ni Sis Regine.



"Magna Cum Laude awarded to Ms. Regine Bacalso"



Eunice: Woh! Ate ko yan!



Cedric: Ngayon Gio na natapos na ang pag-aaral ng kapatid ko, subukan mo ulit na tanungin kung pwede na ba, wala namang problema dahil subok na rin naming magkakapatid kung gaano ka katapat kay Regine, ingatan mo siya gaya ng pag-iingat namin sa kanya, ikaw pa lang ang lalaking napupusuan niya kahit Baptist kami at Pentecostal ka may tiwala din kami ni Papa at Mama sa iyo.



Gio: makakaasa ka Brother Cedric, hindi ko akalain na mag work pala kahit magkaiba man tayo ng teolohiya.



Cedric: Ang importante Brod na magpatuloy kayo sa gawain ng Diyos.



Gio: Oo naman Brother Cedric



Todo hiyaw naming tatlo nang nasabitan ng medalya si Sis Regine, pagkatapos ng ceremony ay sila naman ang nagyaya sa akin na magsalo salo, tapos nakita ako ng mga kasamahan nila sa church, subalit imbes na magalit at mainis ay kinakamay na ako ng mga ito.



Pastor Bryan: Gio, huwag ka nang mag-alala dahil tanggap ka na nila at hindi na rin manggugulo sa inyo ng anak ko.



Gio: Ikinatutuwa ko po ito at ikinagagalak, sana hindi maging problema sa kanila ang estado ng pananampalataya ko.



Regine: Oy Bro Gio, salamat sa bulaklak na ibinigay mo sa akin, gusto picture tayo? Eunice kunan mo nga kami ng litrato ni Brother Gio, please.



Eunice: Sige Ate, Kita Gio smile ha? One, two, three, smile!



Regine: Damihan mo kasi kay tagal din naming nagkalayo, pagkatapos tawagin mo si Kimberly para family picture.



Gio: Nandito si Kimberly Sis Regine?



Regine: Simula nong sinagot niya si Kuya Cedric nong nanligaw siya ay madalas na siyang pumupunta dito, sa tuwing hapon.



Eunice: Ate, nandito na si Ate Kimberly.



Kimberly: Congrats Sis Regine, sige na arrange na kayo para kunan ng litrato. Okay sige, one two, three, smile!



Gio: Ikaw ha insan, bakit hindi mo sinabi sa akin na naging kayo na pala ni Brother Cedric, pero hindi bale, basta stay strong kayo.



Kimberly: Kay Pastor Rolly kami nagpa-alam.



Pagkatapos ng bonding at salo-salo with the Bacalso Family and the Bible Baptist Church members and ministers ay nag-usap kami ni Sis Regine at doon ipinagtapat ang buong nararamdaman ko sa kanya at niligawan ko na ng personal.



Gio: Sis Regine, since ngayon ay nakapagtapos na tayo ng pag-aaral, alam ko na gusto mo rin matupad yong dreams mo, at habang ako rin ay nag-iipon para ma achieve natin yon, I am happy na nandito na tayo sa stage na kung saan ay mahaharap na tayo sa adulting life, Sis Regine may ipagtatapat ako sa iyo, pwede na ba kitang ligawan?



Regine: Wala akong ibang inisip kundi ang makasama kita habang buhay, Brother Gio, sa panahon na bago pa ako umalis dito ay nakikita ko na na Ikaw ang matagal na dinadalangin ko sa Maykapal, kahit sa panahon na maging malapit na tayo sa isa't sa ay mayroong lugar ang puso ko para sa iyo. Kaya I do Bro Gio, gusto ko na ikaw maging husband ko, alam na rin ito ni Mama at Papa kaya sasagutin na rin kita na bilang girlfriend mo dahil masasabi kong right time na para panibagong kabanata ng buhay ko.



Sa puntong iyon ay finally legal na kami ni Sister Regine bilang magkasinatahan, tumagal ito ng dalawang taon, habang kami nasa in a relationship status muna, pinag-iponan ang lahat para sa future family na bubuuin namin ni Sis Regine, ang Bible Baptist Church at United Pentecostal Church ay nagkaroon ng joint discipleship na kung saan ay walang palitan ng init at sama ng loob kundi pag-ibig at pagtuturo para sa buhayng maka-Diyos.



Si Kimberly ang tumayong assistant mi Brother Cedric kung mag church fellowship sila at si Sis Regine naman ang naging Sunday School Teacher sa United Pentecostal Church.



Pinagkasundo nila Pastor Rolly Majaducon kasama na si Mama Charmel Aballe, Reynald Aballe, Pastor Bryan Bacalso at ang Mama ni Sis Regine na si Ma'am Riza Bacalso ang pagpapakasal namin ni Sis Regine at gayundin kina Brother Cedric at Kimberly.



Pinili nila na sina Brother Cedric at Kimberly muna ang ikakasal na ganapin sa Bible Baptist Church at pagkatapos ng dalawang linggo mula sa kanilang kasal ay kami naman ni Sister Regine na gaganapin sa United Pentecostal Church, upang maiwasan din ang magkalito ng mga attendees.



Pumayag din kami ni Sis Regine at sa boarding house ay naging libangan niya ang pagtuturo sa pamangkin ko at todo dalangin at pasasalamat sa Diyos.


I am a Pentecostal and She is a Baptist Where stories live. Discover now