Chapter 22: Just Married [FINALE]

5 5 0
                                    

Dumating din ang araw na kung saan ay ikinasal na sina Sister Kimberly at Brother Cedric; naging simple at bonga din ang setup sa kanilang kasal, sa tulong na din ng kanilang mga magulang, si Kimberly din ay kasa-kasama ang kanyang Papa at malugod na tinanggap siya ng pamilyang Bacalso, Habang kami ni Sis Regine ay naging bride’s maid at groom’s men.

Lumapit si Sis Regine sa akin sabay sabi; “Napakaganda ng kanilang setup no? Sana mamahalin ng pinsan mo ang kuya ko.”

Gio: Syempre naman Sis Regine, kaya nga sila humantong dito dahil mahal nila ang isa’t isa, at ganun din ako sa iyo Mahal.

Regine: Kung magpasasalamat man ako ng lubusan, yun ay sa ating Panginoong Hesus, dahil nakilala kita. Siguro kung hindi ako sumama sa araw na dumayo at nagtuturo kami ng mga bata sa lugar niyo, siguro hindi kita makilala.

At nang si Kimberly pumaso na sa altar ay napansin ko sa kanyang mga mata ang mga luha na dumadaloy sa saya, at nang nagsimula na sila sa kanilang panata ay ito agad sinabi sa isa’t isa.

Cedric: Sa hirap at ginhawa, pinapangako ko na pasasayahin at mamahalin kita na gaya ng pag-ibig ng Diyos sa atin, I may not perfect man, pero habang ako’y nabubuhay; ibibigay ko ang pagmamahal na iyong dinalangin sa Maykapal, na hindi kita ilalayo sa piling ng Diyos na kung saan pinagtagpo ang ating mga puso, for better and worse.

Kimberly: Aking ipinapangako na maging iyong kasama sa lahat ng bagay, hindi kita pag-aari, bagkus makikipagtulungan sa iyo bilang bahagi ng kabuuan. Ipinapangako ko na igalang ka bilang iyong sariling tao at unawain na ang iyong mga interes, nais, at pangangailangan ay hindi mas mababa kaysa sa akin. Ipinapangako ko na maging tapat at maalalahanin, maging tapat na kasama at gawing prayoridad ang pagmamahal at kaligayahan ng ating pamilya.

At nang ibinigay ng ring bearer ang singsing sa kanila ay kaagad din sinabi ni Bro Cedric ang ganitong kataga; “Itong singsing ay sumisimbolo ng ating wagas na pagmamahal at commitment sa isa’t isa.” At ganundin si Sis Kimberly sa kanyang sinabi.

Pagkatapos ay sinabi na ng Baptist Elder na “By the power vested in me and in accordance with the laws of jurisdiction and the law of God, I now pronounce you husband and wife. You may seal your vows with a kiss.”

And they kissed each other.

Finally! Natapos na din ang Wedding ceremony na kung saan inanunsyo na bilang Mag-asawa; sina Cedric Bacalso at Kimberly Bacalso.

Lumapit kami ni Sis Regine sa kanilang dalawa.

Regine: Congrats Kuya Cedric!

Gio: Congrats Bro Cedric at Insan, masaya kami para sa inyo

Kimberly: Salamat insan, sa susunod na linggo ay kayo naman ang ikakasal.

Regine: Oo nga Ate, punta talaga kayo ha? Kayo rin ang maging bridesmaid at groom’s men sa nalalapit na kasal namin ni Gio.

Kimberly: Syempre naman Regine, napaka solido niyo na kahit ilang taon din kayo nagkalayo ni Gio ay nanatili pa rin.

Cedric: Kaya nga hindi namin yan palalampasin ang pagkakataon na kayo naman ang mag exchanging vows.

Kimberly: Pakainin mo na sila Dy.

Cedric: Sige My, oum sige na Bro Gio at Regine, kumain na kayo at sabayan niyo sina Mama at Papa, pati si Pastor Rolly at mga magulang ni Bro Gio.

Regine: Sige Kuya, mamaya nalang tayo magpatuloy sa pag-uusap, halikana mahal, kakain na tayo at mamaya ay picture taking tayo sa kanila.

At kami ni Sis Regine ay pumunta sa mesang pinareserve na pala para sa amin, kasama si Pastor Rolly, Mama Charmel, Papa Reynald at ang mahal ko na si Sis Regine.

I am a Pentecostal and She is a Baptist Where stories live. Discover now