Chapter 5: Preparations for the event

25 8 0
                                    

Sabado ng Gabi na akong nakauwi sa bahay, at salamat sa DIYOS na safe akong hinatid ng Parents ni Sister Regine at pinayagan na pupunta sa General Conference sa susunod na Thursday.

"Yes! Dapat kong ihanda ang aking sarili!"

At inihingi ko sa Panginoon sa pamamagitan ng prayer and fasting na pasimulan ng desperas ng Linggo hanggang sa matapos ang Fellowship na ma feel ang kanyang presensya at gayundin kay Sister Regine, na siya mismo ang maka-saksi kung paano kami nagpupuri sa DIYOS, at marami pa na para din sa Spiritual Growth. Importante kasi para sa atin na mas mapalapit ang ating puso at isipan sa Panginoon, hindi dahil sa feelings natin kundi sa yun ay nararapat.

Sa hindi pa sumapit ng Alas 12 ng Gabi ay pinupuri ko ang Ating Panginoon at sa pag pasimula nito ay hindi na ako nag turn on ng mga Gadgets kundi Bible lamang bilang pag work out din sa Spiritual.

Hanggang sa magsimula ang Sunday Fellowship ay grabe talaga gumaan ang pakiramdam at nabusog Spiritually sa mga Lectures, Worship Songs and Sermons at nung nag breaking na ako.

Ay nagpatuloy pa rin sa panalangin at kinausap ako ng Pastor namin na nagngangalang Rolly.

Si Pastor Rolly ay naging instrument para sa akin na magpatuloy sa Faith dala na ang pag encourage na ma exercise ko ang Spiritual Life ko.

"Pastor Rolly - UPC Pastor"

Pastor Rolly: Mukhang revive na revive ka ha? Praise God!

Gio: Yes po Pastor, naghahanda po kasi ako sa darating na General Conference

Pastor Rolly: Mabuti kung ganun!

Gio: Sha nga pala Pastor.. ininvite ko rin yung Baptist na nag invite sa akin nung nakaraang araw at mabuti naman din na pinayagan ng parents niya na sumama sa atin.

Pastor Rolly: Sige Gio

Sinubukan kong contakin din si Sister Regine, subalit ang sumagot ay si Sister Eunice.

Eunice: Hello Kuya, di muna maka use ng gadget si Ate po kas naghahanda din para sa inyong General Conference. At nag lock pa ng pinto sa kanyang Kwarto na walang maka disturb kaya ako nalang po ang sumagot sa tawag mo Kuya.

Gio: Ah ganun ba? Sige po Sis Eunice Salamat po

Eunice: Walang anuman Kuya Gio😊

*Makalipas ng ilang araw*

Sa araw mismo ng General Conference, laking gulat ko talaga na 5AM palang is nasa Church na si Sister Regine, hinatid ng parents niya. Ako ay maaga rin ako pumunta sa church kasi tutulungan ko pa na ma ready yung mga dadalhin sa General Conference.

Pinag ngitian lamang ako ni Sister Regine at sinabing...

"Basta para sa DIYOS aagahin ko talaga"

At dun tinulungan din niya ako sa Gawain sa church, siya ang nagwawalis at ako naman ang nag buhat sa mga instruments na gagamitin dun at nilagay sa Pick-Up na sasakyan at na meet din sa wakas ni Pastor Rolly si Sister Regine.

Pastor Rolly: Mapagpalang Araw sa iyo Sister Regine.

Regine: Mapagpalang Araw din sa iyo Pastor, salamat sa DIYOS.

Pastor Rolly: Ay! Salamat nga pala sa pagtulong mo😊, sabay ka na sa amin mag Agahan ha? Bago tayo bumyahe.

Maya't maya darating din yung mga Kasamahan namin dito.

Regine: Sige lang po Pastor! nandito naman si Brother Gio eh, malilibang ako pag kasama ko siya po, aside sa sharing Doctrines na walang initan ng ulo, mablessed at ma challenge din ako po at may matutunan din.

Pastor Rolly: Ah sige, iwan ko muna kayong dalawa at mag follow up muna ako sa kabila.

Gio: Sige Pastor, Ingat ka!

Regine: Sige Pastor Rolly, Salamat.

At nung kami na lang ni Sister Regine ay nag open sharing talaga kami patungkol sa Aral ng Baptist at sa Aral namin.

Hanggang si Sister Regine ay napa examine din sa Bible, patungkol sa Baptism kasi literal na yung Father, Son and Holy Spirit ang sinusunod nilang way sa pag Baptized.

Inexpect ko talaga na magkainitan, subalit nanatiling kalmado lamang kami at nag ngitian.

Sinabi ko sa kanya na hindi naman namin tinututulan yung sa Matthew 28:19, subalit ay hindi namin literal na ginawang way sa pagbaptize kundi sa Pangalan ni Hesus mismo, na kung tutuusin ay Fulfilment dun sa Matthew 28:19. At dun ay tumango si Sister Regine at nag ask pa sa akin.

Regine: Naintindihan ko na Bro Gio, subalit ayoko muna iwan dun sa Family ko kasi ginagamit din ako dun sa Children's Ministry.

Gio: Wala namang problema kung dun Ka sa Baptist, basta iyong maintindihan yung sa part na importante para sa atin. Wala namang Religion na makapagliligtas kundi ang ating Panginoong HESU-KRISTO lamang sa pamamagitan ng Faith natin sa kanya na naging dahilan din na tayo ay susundin natin yung utos ng DIYOS.

Kasi kung walang Faith din ay di rin yan magagawa na sundin ang utos ni God.

At nabigla ako sa pagyakap ni Sister Regine sa akin🥺

Bawal kasi yan na mag Physical touch sa amin basta Lalaki at Babae tapos walang ibang Tao.

At inexplain ko sa kanya patungkol dyan na iwas sa tukso. At naintindihan din naman niya.

Di nagtagal ay dumating din yung mga Kasamahan namin sa UPC na may dalang pagkain para aming mapagsaluhan at ipinakilala ko rin si Sister Regine sa kanila at nasiyahan din sila. Pagkatapos nun ay dumating na rin agad si Pastor Rolly at sumabay na rin sa Agahan.

Pagkatapos ng isang Oras ay nag ready na din kami na tutungo sa lugar na Kung saan gaganapin yung General Conference, medyo may kalayuan ang lugar subalit kita ko rin sa mukha ni Sister Regine na masayang masaya.

Pinasimulan din ng Panalangin bago bumyahe at sa wakas ay kaming lahat nagkasya sa isang Van tapos may sakay din na Apat na Tao sa Pick up Vehicle kung saan ay doon ko nilagay yung mga Instruments.

Habang nasa Byahe ay yung mga Youth na kasamahan ko ay tinanong nila si Sister Regine at nakipaghalubilo din sila sa kanya.

Di nagtagal ay naging magkaibigan din sila ng mga Sisters na kasamahan ko. At di naging boundary na isa siyang Baptist kasi nga diba, di naman sa Church tayo naglingkod kundi sa DIYOS.

I am a Pentecostal and She is a Baptist Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon