Chapter 19: Jackridge

10 7 0
                                    

Kumuha kami ng dalawang taxi para din makasabay sina Eunice at Cedric, pagkatapos ay tumungo na kami sa Jackridge upang doon magsalo salo ng dahil sa matagumpay na journey sa college. Pagkarating palang namin sa lugar ay grabe, namangha kami dahil kita talaga ang buong Davao City, subalit hintayin namin na sumapit ng gabi, para makita ang city lights ng Davao City.

Naglakad lakad muna kami sa mga spot na magandang kunan ng litrato at doon sinamahan ko sila Kimberly, Eunice at Cedric na mag enjoy din sila sa lugar.

Cedric: Grabe Bro Gio, ngayon lang kami nakapunta dito ah, akala Kasi na sementeryo lamang ang shrine, kaso sa baba lang pala, at hindi ko rin akalain na may restaurant at magandang view dito.

Eunice: Oo nga Kuya Gio, salamat ah na sinama mo kami ni Kuya Cedric; sana nandito rin si Ate Regine.

Gio: Sige lang mga minamahal ko, babalik din yon si Sister Regine.

Cedric: Brod, kung sakaling makabalik na dito sa Pilipinas si Regine; alam ko naman na Ikaw ang hahanapin niya, kung sakaling maging kayo na, aalagaan mo ba ang kapatid ko?

Gio: Oo naman Brother Cedric, mamahalin ko ng tunay ang kapatid mo.

Eunice: Kuya Cedric, siguro naman na oras na para maghanap ng mapupusuan mo.

Cedric: Haha, darating din ako dyan, malay natin eh nasa tabi tabi lamang ang para sa akin.

Palagay ko na ang tinukoy ni Brother Cedric ay ang pinsan ko na si Kimberly, wala naman akong problema kung sakali man na popormahan at liligawan ni Cedric si Kimberly.

Habang tuloy kami sa pakikipag kwentuhan ay doon sumapit na ang gabi at unti-unting lumiwanag ang buong lungsod, na kung kaya’t dinami namin ang Pag groufie, selfie, picture takings na mapa stolen shot, hanggang sa sumunod na din sila Mama, Papa at si Pastor na kasama na ang kanyang asawa at anak.

Natapos din ang pagpipicture namin dahil gutom na din ang karamihan sa amin, kaya pumunta kami sa restaurant at pumwesto sa may overview, nag order na din kami ng mga pagkain katulad ng Litson Paksiw, Kinilaw, Spring Rolls, Beef Kare-Kare, Pancit with Hipon at Kanin bawat isa sa amin.

Nang inihanda na ang pagkain sa mesa ay si Pastor Rolly nanguna sa prayer, pasasalamat sa Diyos dahil sa pag gabay Niya sa akin mula sa simula ng college life hanggang sa nakapagtapos.

Napaluha ako dahil naging kompleto na ang family ko, kaya pagkatapos sa prayer ay nagsalo salo na kami. Napakasarap ng kanilang mga pagkain at higit sa lahat ay hindi bitin at tinipid sa ingredient at sabaw o sarsa na ang bawat pagkain na aming inorder ay good for 4-5 pax at ang kanin ay gaya ng isang plastic bowl at java rice pa.

Sobrang nabusog ang bawat isa sa amin, halos may natira pang mga ulam, kaya si Mama ay ipinabalot na lamang ang mga natira para din kung sakaling magutom daw ako, ay may pagkain pa akong makukuha.

Nanatili muna kami doon ng ilang minuto at si Cedric ay lumapit sa akin na may ipinagtapat.

Cedric: Bro Gio, pasensya na kung may sasabihin ako sa iyo.

Gio: Sige Brod, ano yun?

Cedric: May nararamdaman ako sa pinsan mo po, may paghanga ako sa kanya.

Gio: Ngayon lang kayo nagkita, na love at first sight ka kaagad Bro? Sige lang, ipakilala kita ng maayos sa kanya nang sa ganon ay you will get to know more each other.

Wala namang problema sa akin kung liligawan niya ang pinsan ko, napansin ko na rin simula pa lang nandoon sa Graduation.
Kung nirerespeto niya ang panliligaw ko sa kapatid niyang si Sis Regine, irerespeto ko rin ang panliligaw niya kay Sis Kimberly.
Nilapitan ko si Kimberly at pormal na ipinakilala sa kanya si Brother Cedric Bacalso.

At nang nagkausap sila ay iniwan ko muna sila para may time na mag getting to know each other at sa hardin ng Jackridge ay pakain kain na lamang kami ni Eunice ng Ice cream.

Eunice: Kuya Gio, sinabi sa akin ni Kuya na crush niya daw si Kimberly.

Gio: Ipinagtapat din niya sa akin kanina, kaya ayon I let them get to know each other and talk.

Malakalipas din ng ilang minuto ay tinawagan ako ni Mama Charmel.

Charmel: Anak, maghanda na tayo sa ating pag-uwi, samahan mo muna si Tito Rolly mo sa pagkuha ng taxi na masasakyan nating lahat.

Gio: Sige po Ma.

Eunice: Sama na din ako Tita Charmel.

Charmel: Mag-ingat kayo mga palangga.

At nang bumalik kami sa Jackridge na may dalawang taxi, ay umuwi na kami para makapagpahinga; hinatid muna namin sina Eunice at Cedric sa kanilang bahay bago kami umuwi sa amin.

Cedric: Salamat sa inyo po Gio

Eunice: Salamat Kuya Gio at Tita Charmel.

Masaya ako na kahit papano ay napasaya ko rin ang magkakapatid, niyakap ako ni Mama at sabi: “Proud na proud kami ni Papa sa iyo anak, kahit ilang taon na hindi ka namin nakasama, lumaki kang may takot sa Diyos.”

Pagka-uwi sa boarding house ay kaagad na akong humiga sa kama at matutulog na, habang sila Mama, Papa at Kimberly ay nag-uusap patungkol sa paksang hindi ko alam dahil hindi ko nalang inalam, kaya wala na akong ibang ginawa kundi magdasal muna bago matulog.

I am a Pentecostal and She is a Baptist Where stories live. Discover now