Chapter 29

41 0 0
                                    

Chapter 29

Papasok pa lang ng gate ng bahay-hacienda ay natanawan na kaagad ni Rico ang lolo niya. Ilang taon na rin ang lumipas ngunit parang mas bumata tingnan ang Don Ponce. Sabi nga ng ilang nagtatrabaho sa hacienda ay nahiyangan ang don ng umuwi ang apo nito at nag-asawa kaagad.

"Lo kumusta po?" bati ni Rico at nilapitan pa ang don na nakaupo sa may garden. Nasa may di kalayuan si Lira na nagdidilig ng halaman. Habang si Jasmine ay naroon sa may isang sulok na wari mo ay naglilista ng mga gamot para sa lolo niya. Kinawayan lang siya ng dalawa ng makita siya at ipinagpatuloy na rin ang mga kanya-kanyang ginagawa.

"Hindi mo kasama si Claudia?"

"Inihatid ko lo sa school. Mayroong event para sa mga bata bukas. Nag-aayos sila doon." Napatango naman ang don bilang sagot.

Naupo si Rico sa isang upuan sa harapan ng don.

"Apo," agaw muli sa pansin ni Rico. "Rico halos magtatatlong taon na rin ang nakakaraan mula ikasal kayo ni Claudia. Naging guro na rin siya at sa tingin ko ang pangarap niya ay naibigay mo na. Wala pa ba kayong balak bigyan ako ng apo sa tuhod? Tumatanda na ako apo. Nais ko sanang bago kami magkita-kita ng mga magulang mo ay may maikwento ako sa kanila kung sino ang kamukha ng kanilang apo. Kung ang mommy mo ba o ang daddy mo. Baka naman si Clara o Sinandro. Pwede ring ang Lolo Ponce baka naman ang Lola Felicia mo," natatawang paliwanag pa ng Don Ponce. Ngunit sa likod ng tawang iyon ay naroon ang pagnanais na makita pa sana niya na magkaroon ng mga batang tumatakbo sa loob at labas ng hacienda. Masayang naglalaro at naghahabulan.

"Lo, ang lungkot mo naman. Wag po kayong ganyan. Makakasama pa namin kayo ng matagal. Ngayon pa ba? Ay ang lakas-lakas ninyo. Isa pa lolo. We're working on it. Napag-usapan na namin ni Sisima. Besides malapit ng matapos ang school year na ito. Kaya po malay po ninyo lo, sa susunod na taon ay may marinig ka ng umiiyak na sanggol dito sa loob ng bahay pati dito sa may hardin."

Halos magliwanag naman ang mukha ng don. Napangiti siya sa planong iyon ng apo. Sa tingin niya ay nakalimutan na nito ang kasunduan nila. Kung siya ang masusunod, mas nanaisin niyang huwag ng maalala ng apo ang kasunduan nila. Lalo na ngayon na sa tingin niya ay nagkaroon na ng mas malalim na ugnayan si Rico at Claudia.

Dahil sa kaalamang sinabi ni Rico sa kanya ay mabilis na ipinatawag ni Don Ponce ang mag-asawang Clara at Sinandro para sabihin ang magandang balita.

"Masaya ako Rico kung ganoon. Gusto rin naming mag-asawa na makapag-alaga ng apo," excited pang saad ni Clara.

Habang napapatango naman si Sinandro. "Ako man ay ganoon din," dagdag pa nito.

Inabot pa si Rico ng hanggang hapon sa bahay-hacienda bago nagpaalam sa mga ito. Nagpadala ng mensahe si Sisima na nagpapasundo na ito at tapos na ang mga ito sa ginagawa.

Masayang lumapit si Claudia kay Rico ng makita niya ang pagdating nito. Mahigpit pa siyang niyakap ng asawa na ikinatawa niya.

"Ang saya mo ha," tudyo pa ni Rico at hinalikan pa si Claudia sa noo. Pinagbuksan na rin niya ito ng passenger bago siya nagtungo sa driver seat.

Nang nasa loob na sila ng sasakyan ay muling nagsalita si Rico. "Bakit nga napakasaya mo ngayon. Kanina excited ka lang sa pag-aayos para sa event ninyo bukas. Ngayon naman ay iba ang saya mo."

"Syempre. Naalala mo iyong pera na binigay mo," napatango naman si Rico. Humingi kasi sa kanya si Claudia ng pera na kahit dalawang libo. Dahil sa hindi niya alam kung para saan ay binigyan niya ang asawa ng higit sa hinihingi nito. Sa katunayan ay hindi naman tumatanggap ng pera sa kanya si Claudia. Bagkus ang kinukuha lang nito ay ang mga kagastusan nila sa loob ng bahay at pagkain lang. The rest walang hinihingi ang asawa sa kanya. Kaya naman iginawa na lang niya ng bank account si Claudia para sa pera na para dito na hindi nito tinatanggap. Kaya naman ng humingi ito ng kaunting halaga ay hindi siya nagdalawang isip na bigyan ito ng higit pa sa nais nito.

Loving You But Not Having You (Haciendero Series 03)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon