Chapter 48

43 0 0
                                    

Chapter 48

Magkasama si Brenda at Awo habang patungo silang ospital. Napuntahan na nila ang lahat ng botika sa bayan, ngunit wala silang makitang available na brand ng vitamins para kay Fred. Hindi naman nila nakompleto ang vitamins ni Fred noong last na check up ni Fred gawa ng kulang rin ang stock sa nabilihan nila. May isang botika na nakapagsabi sa kanila na makakabili sila ng brand ng vitamins na iyon sa botika ng ospital. Kaya ngayon patungo na sila doon.

Kapaparada lang ng kotse na kanilang sinasakyan ng mapansin nila ang isang kotse na mabilis na tinungo ang emergency room. Wala naman silang balak mag-usisa, ngunit sa sitwasyon nila ay hindi nila naiwasang hindi mapatingin sa sakay ng kotse. Gayong ang emergency room ay katabi lang ng botika ng ospital.

"Nay Clara," hindi napigilang sambit ni Brenda ng makita ang ginang na bumaba ng kotseng tumigil sa tapat ng emergency room. Bumaba rin doon si Itay Sinandro na labis na ipinagtaka ni Brenda. Kanina lang ay nakita niyang nasa bahay-hacienda lang ang mag-asawa ng umalis sila si Awo. Si Rico ang nagpresentang mag-alaga sa anak nila.

"Kilala mo ba iyong walang malay?" tanong ni Brenda habang nakatingin sa lalaking may buhat sa babaeng walang malay na mula sa kotseng sinakyan ng mag-asawang Sinandro at Clara.

"Si Claudia iyon," ani Awo ng makilala ang babae.

Nilapitan ni Brenda ang mga magulang ni Claudia na naiwan sa labas ng emergency room ng maipasok sa loob si Claudia.

"Nay Clara ano pong nangyari?"

Napabaling naman si Clara sa babaeng tumawag sa kanya. "Brenda? Anong ginagawa mo dito?"

"Ibibili lang po namin ng vitamins si Fred. Hindi po pwedeng malibanan ng para sa ngayong gabi. Kaya lang dito lang daw po meron kaya dito na kami tumuloy ni Awo. Hanggang sa nakita po namin kayo. Anong ginagawa ninyo dito? Sabi po ni Awo ang anak po ninyo ang babaeng walang malay."

Wala na namang dahilan para itago pa ni Clara si Claudia. Kahit ayaw ng anak niyang may makaalam kung nasaan siya ay parang tadhana na rin ang naglalapit kay Claudia para malaman kung nasaan talaga ang anak nila.

"Ganoon ba? Nasaan si Awo."

"Binibili na nay ang vitamins ni Fred. Ano pong nangyari kay Claudia?"

"Hindi ko rin alam hija. Kanina ay nabigla akong makita si Claudia. Pero masaya akong nasa mabuti siyang kalagayan. Kaya lang nang sabihin ko ang tunay na kalagayan ni Fred kung bakit nagpakita ka kay Rico. Bigla na lang siyang nagsuka pero wala namang maisuka. Hanggang sa mamutla at tuluyang mawalan ng malay. Kaya isinugod na namin siya dito sa ospital," mahabang paliwanag ni Clara na labis pa ring nag-aalala sa anak.

"Sorry po talaga nay sa nangyari. Napakalaking gulo ang dala ko mula ng hanapin ko si Rico. Kaya lang nay. Hindi ko naman po kayang basta na lang hintayin mawala na lang basta ang anak ko," ani Brenda na hindi na napigilan ang maluha. Hanggang ngayon sinisisi pa rin niya ang kanyang sarili.

"Brend," tawag ni Awo sa kanya at inalalayan siyang makaupo.

"Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na walang sino man ang may kasalanan. Alam kong mauunawaan din ni Claudia ang lahat. Huwag ka ng umiyak. Baka akalain ni Awo pinapaiyak pa kita."

"Nay naman hindi naman po ako ganoon. Talaga lang pong nag-aalala si Brenda kay Claudia. Mula po ng umalis si Claudia. Palagi na pong tulala si Senyorito Rico lalo na pag nag-iisa. Mabuti na lang din po at kahit papaano ng magkausap sila ni Brenda ay natauhan ang senyorito. Ganoon pa rin na malungkot. Pero hindi na nilulunod ang sarili sa alak."

Ilang sandali pa at lumabas na ang doktor na sumuri kay Claudia.

"Dok kumusta ang anak ko?" ani Sinandro na siya mismo ang sumalubong sa doktor.

Loving You But Not Having You (Haciendero Series 03)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon