Chapter 34

39 0 0
                                    

Chapter 34

Dahan-dahang iminulat ni Brenda ang kanya mga mata. Pakiramdam niya, sa hinaba-haba ng panahon mula ng malaman niyang nagdadalangtao siya kay Frederick ay ngayon lang siya nakapagpahinga ng maayos. Magaan ang pakiramdam niya. Wala ang bigat at sakit ng ulo na palagi niyang nararamdaman.

"Nasaan ako?" naitanong niya sa sarili ng ilibot niya ang paningin sa kwartong kinalalagyan. Ngayon lang ulit siya nakahiga sa malambot na kama. Mula ng magpabalik-balik sa ospital si Frederick ay napilitan silang lumipat sa mas maliit na bahay. Ibeneta din niya ang dating bahay para lang may maipantustos sa pagpapaospital ng anak.

Bigla siyang napabaligwas mula sa pagkakahiga ng maalala niya ang anak. Ang nais lang niya ay masabi sa ama nito ajg kalagayan nito. Ngunit wala siyang balak magtagal sa lugar na iyon.

Inayos muna niya ang kama, saka niya hinayon ang pintuan. Akmang hahawakan pa lang niya ang seladura ng pintuan ng bumukas iyon at bumungad sa kanya ang matandang babae na nakilala niya noong bagong dating niya kaninang umaga.

"Mabuti at gising ka na hija. Gigisingin din sana kita para makapananghalian ka muna. Bago ka muling makapagpahinga."

"Naku hindi na po. Sapat na po sa akin iyong kain ko kanina. Marami pong salamat. Kaya lang po hindi na po ako magtatagal."

"Hija, Brenda sinabi ng lahat sa amin ni Rico ang ipinunta mo dito. Sa totoo lang ay naaawa ako sa anak ko. Ako ang ina ng asawa ni Rico. Pero hindi ko hangad na may isang bata na hindi kikilalanin ng kanyang ama. Wala kayong kasalanan sa anak ko. Nangyari ang lahat bago pa ikasal ang dalawa. Hindi kita sinisisi. Ako man ang nasa kalagayan mo ay gagawin ko rin ang lahat para sa anak ko. Magpakatatag ka hija para sa anak mo. Kumain ka muna."

Hindi na nakaangal pa si Brenda ng hilahin siya ng matandang katiwala sa bahay na iyon. Nagulat pa siya sa mga nadatnan niya na naroon sa kusina. Ang Lolo ni Rico na nakilala niya kanina, ganoon din si Rico. Ang nurse ng don at ang isa pang katulong. Ganoon din ang isang medyo bata pang lalaki na hindi nalalayo sa edad niya. Naroon din ang may edad na lalaki na sa tingin niya ay siyang ama ng asawa ni Rico.

Sa halip na magtuloy sa paglalakad papasok sa kusina ay napaatras pa si Brenda. Hindi niya alam kung paano haharapin ang ilang pares ng mga mata na nakatingin sa kanya.

"Hija kumain ka na muna, sabayan mo kami," utos ng don na gusto niyang pahindian. Kailangan na niyang makaalis. Mali din ang pangyayari na nakatulog siya. Kung hindi siya nakatulog siguro ay nasa Maynila na siya sa piling ng kanyang anak.

"Salamat po Don Ponce. Pero hindi na po ako magtatagal. Nagtungo po ako dito para po ipaalam kay Rico ang sitwasyon ni---," natigilan si Brenda sa sinasabi niya. Hindi siya sigurado kung dapat ba niyang ulitin ang kanina ay nasabi na niya kay Rico. Bigla siyang nahiya.

Napahugot siya ng hininga. "Kailangan ko na pong umalis. Nasabi ko na po ang pakay ko. Salamat po sa inyo. Don Ponce salamat po sa pagtanggap sa akin sa maikling oras. Sa inyo rin pong lahat," inilibot pa ni Brenda ang mga mata sa mga taong naroroon. "Rico, s-sana ay matulungan mo ako." Napayuko si Brenda matapos sabihin ang lahat ng iyon. Hindi na naman niya mapigilan ang sarili na hindi maiyak pagnaaalala niya ang kalagayan ng anak. "K-kailangan ko na pong umalis," ani Brenda ng bumunggo siya sa isang matigas na bagay. Napatingala pa siya para lang magulat na kay Rico siya bumangga.

"What are you doing lady?" may diing saad ni Rico. "Take a sit and eat."

"Pero?"

"Walang pero-pero. Nakausap ko na ang lolo at ang mga in-laws ko. Sasamahan kita sa Maynila. Pag pwedeng lumabas ng ospital si Frederick. Dito muna kayo magstay para naman makalanghap siya ng preskong hangin. Hindi rin problema ang nurse. Nariyan si Jasmine." Ngumiti pa sa kanya si Jasmine at parang sinasabi sa kanya na walang problema.

Loving You But Not Having You (Haciendero Series 03)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon