Chapter 37

39 0 0
                                    

Chapter 37

Napaawang ang bibig ni Rico ng marinig niya ang pagbaba ni Sisima sa tawag niya. "Anong problema niya? Siya na nga itong may kasamang iba, sa akin pa nagalit," tanong pa niya habang labis na naguguluhan.

Bigla lang talagang uminit ang ulo niya ng marinig ang sinabi ng asawa niya na makikipagkita ito sa de Liha na iyon. "Hanggang ngayon hindi pa rin ba nawawala sa sistema ng propesor na iyon ang asawa ko!"

"Nangyayari sayo?" Napatingala naman si Rico mula sa kanyang pagkakaupo ng marinig niyang magsalita si Brenda sa harapan niya. May hawak pa itong parang plastic ng kung ano. Napasilip pa siya kay Fred na ngayon ay natutulog na naman. Pakiramdam niya ay nagbabawi ang bata sa tulog. Mukhang maganda ang pakiramdam nito ngayon.

"Wala naman."

"Asawa mo?"

"Huwag na nating pag-usapan."

"Hoy! Rico ano yan ha! Kung asawa mo iyang kausap mo. At halata namang nagkasagutan kayo base dyan sa itsura mo. Sana naman ay huwag mong awayin. Kami ay ayos lang naman kami dito ni Fred at pwede ka munang umuwi sa inyo. Mag-usap kayo ng maayos. Kailangang malaman ng asawa mo ang nangyayari. Babae rin ako, kaya nararamdaman kong nasasaktan siya. Lalo na ngayong wala ka sa tabi niya. Tapos hindi pa niya alam ang ginagawa mo. Pinagbawalan mo pa ang mga kasama mo sa inyo na huwag munang sabihin ang tungkol sa amin ni Fred. Although wala namang problema sa akin. Pero kung ako ang asawa mo at malalaman kong may anak ka sa iba. Hindi ko rin naman alam ang gagawin ko. Pero masasaktan ako. Tapos ngayon kasama mo pa ako, para kay Fred. Kaya bago pa lumaki ang problema mo. Magpaliwanag ka na sa asawa mo."

Saglit na natigilan si Rico. Tama naman si Brenda. Ang inaalala niya ay ang anak niya lalo na at mag-isa lang si Brenda. "Paano ka?"

"Ako?" itinuro pa ni Brenda ang sarili. "Isang taon na kaming ganito ni Fred na kami lang. Tapos solo ko pa ang gastusin sa ospital. At takot na pag naubos ang hawak kong pera ay palabasin kami sa ospital ng wala sa oras. Ay ngayon pa ba ako mag-aalala? Nariyan ka na para tulungan ako sa lahat ng bagay. Hindi ko kailangang mag-alala na baka palabasin kami ng ospital dahil wala akong pambayad. Makakabili ako ng pagkain at gamit na kailangan ni Fred. Kaya ano ang inaalala mo. Ang alalahanin mo ang asawa mong masasaktan pag nalaman niya ang tungkol sa amin. Sorry ulit at hindi ko sinasadya na magpakita sayo. Kaya kung nagtatampo ang asawa mo suyuin mo. Huwag iyong ikaw pa ang galit. Hindi healthy yan."

"Wala kang kasalanan sa nangyari. Higit sa lahat nagpapasalamat akong nilapitan mo ako. Hayaan mo at gagawin ko ang lahat ng paraan para gumaling si Fred. Para mapanatag ka na rin ng tuluyan. Kahit ako."

"Uuwi ka na ba?"

"Hindi pa pag-iisipan ko muna."

"Ang tigas ng ulo mo. Kung hindi ka pa rin naman uuwi. Pakibili naman nito. Diaper yan ni Fred. Tapos iyan iyong pagkain na pwede pa lang kay Fred. Ibili mo na. Last na iyong kinain niya kanina eh. Ubos na rin ang diaper. Samahan mo na rin ng polbo nakalista dyan lahat. Ito ang brand picturan mo na ng hindi ka magkamali. Sobrang mahal kasi noong ibang brand. Para maitapon ko na sa basurahan itong mga lalagyan."

Doon lang napagtanto ni Rico na ang plastic na bitbit ni Brenda ay mga lalagyan ng mga ginagamit ni Fred. Pero alam niyang masyadong mumurahin ang mga iyon. Bigla siyang nag-alala na baka magkarashes pa ang bata. Mabuti na lang at ang kahon ng pagkain ni Fred ay iyong kilala na talagang doktor rin ang nagbigay.

"Hindi ba nagkakarashes si Fred dito?"

"Nagkakarashes. Ay wala naman akong choice iyan na iyong pinakamura eh. Gumagaling din naman."

"Hay Brenda. Hindi ako narito para tipirin pa rin ang anak ko. Ako na ang bahala. Kailangan niya iyong magagandang quality para hindi magkarashes."

"Pero sobra-sobra na ang lahat ng mga ginawa mo."

Loving You But Not Having You (Haciendero Series 03)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon