Chapter 43

42 0 1
                                    

Chapter 43

Isang buntonghininga ang pinakawalan ng don bago tuluyang pumasok sa kwarto ni Rico. Makalat at amoy alak ang buong kwarto nito. Mabuti na nga lang at nakinig ito sa kanya na sa bahay-hacienda manatili. Dahil kung ang masusunod ay si Rico mas gusto nitong sa bahay sa ilog manatiling mag-isa. Iyon ang isang bagay na iniiwasan ng don. Hindi niya hawak ang isipan ng apo. Mas mabuti ng marami itong kasama kaysa nag-iisa.

Isang linggo na ang nakakaraan mula ng umalis si Claudia. Hanggang ngayon wala pa rin silang balita kung nasaan ito.

Dahil sa naiwang cellphone ni Claudia ay napag-alaman nilang nag withdraw si Claudia ng pera mula sa atm nito na bigay ni Rico. Kaya kaagad nilang pinuntahan ang branch ng banko na iyon. Hanggang sa malaman nilang sa Maynila sa main branch ito nagwithdraw.

Humingi kaagad sila ng tulong sa kapulisan sa probinsya para ipagbigay alam sa mga pulis Maynila ang pag-alis na ginawa ni Claudia para mahanap ito kaagad. Ngunit bigo silang matrace kung nasaan ito. Dumagdag pa ang cctv sa harap ng atm machine at sa labas ng bangko na wari mo kinampihan si Claudia. Natapat na nasira ito ng araw na nagwithdraw ang pera si Claudia sa atm nito. Isa pa sa mga kalapit na gusali ay walang nahagip na kuha ni Claudia sa cctv. Kaya paano nila ito mahahanap kaagad. Halos mawalan ng pag-asa si Rico.

"Apo tama na iyang pag-inom. Paano kung tumawag ang doktor sa Maynila at ikaw ang ka match ni Fred at hindi ang kanyang ina? Hindi naman makakatulong ang pag-inom sa problema apo. May anak kang nangangailagan sa'yo. Lahat tayo, ako, ay nag-aalala kay Claudia. Pero may anak kang dapat isipin kung paano gagaling," pakiusap ng don. Pero si Rico ay parang walang naririnig.

Walang natanggap na sagot ang don sa apo. Bagkus ang narinig niya ay pagtangis mula dito. Bigla na lang umiyak si Rico na animo ay batang iniwan ng mga magulang. Nakasalampak sa sahig, magulo ang buhok at amoy alak. Napabuntonghininga ang don.

"Apo narito lang ako para sa iyo. Magpakatatag ka."

"Paano ko gagawin lo? Kung ang babaeng mahal ko, iniwan na nga ako. Pero bago umalis gusto pang makipaghiwalay. Ganoon na po bang kalaki ang pagkaayaw sa akin ni Sisima?" Lumapit ang don para kunin ang alak na hawak ni Rico at para na rin yakapin ang apo.

Ramdam naman nilang lahat ang pagmamahal ni Rico kay Claudia. Pero hindi naman nila masisi si Claudia sa pag-alis nito. Kahit saan tingnan, masakit para kay Claudia ang kaalamang nagkaroon ng anak sa pagkabinata ang asawa nito. Ngunit kahit si Rico ay hindi naman inaasahan ang pangyayaring iyon.

Habang si Claudia ay labis na nasasaktan sa sitwasyon. At si Rico ay nangungulila sa nararamdaman sakit sa pag-alis ni Claudia ng walang paalam. Ay naroon ang isang inang nanghihingi ng simpatya at tulong para gumaling ang kanyang anak.

Sino ang may kasalanan sa sitwasyong kanilang kinasadlakan? Kahit sino ang tanungin ay walang dapat ituro na may kasalanan. Dahil kapalaran ang naglahad na mangyari ang mga bagay na iyon.

Ang pagdating ni Frederick sa buhay ni Brenda. Ang  paglapit ni Brenda kay Rico. Ang kaalamang pinaglihiman nila si Claudia. Lahat ay gawa ng tadhana. 'Kung maibabalik lang sana ang oras.' Iyan ang palaging iniisip ng ilan. Pero hindi nga ganoon makipaglaro ang tadhana. Ang kailangan lang ay magtiwala para maresolba ang lahat ng pagsubok at problema.

"Lolo si Sisima ko," hagulhol pa ni Rico.

"Mahahanap din natin si Claudia apo. Huwag kang mawalan ng pag-asa. Pasasaan pa at humingi tayo ng tulong sa kapulisan at ilang imbestigador. Tahan na apo. Bukod kay Claudia, kailangan ka rin ng anak mo apo," ani ng don habang yakap-yakap pa rin si Rico sa mga oras na iyon.

"Lo may balita na po ba kayo kay Sisima? O kahit doon sa kung saan siya huling nakita?"

Napabuntonghininga naman ang don. "Wala pa rin apo. Ngunit ginagawa nila ang lahat para mahanap si Claudia."

Loving You But Not Having You (Haciendero Series 03)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon