Chapter 1

32.4K 373 25
                                    

Mara's POV

"O bat nakabusangot ka?" Sabi sakin ni Agean na nakatitig sakin.

"Hindi naman." Sagot ko. Tinignan ko siya sa kanyang mga mata na parang nag tataka ako.

"Hindi daww bakit iniisip mo pa ba ung-" bago pa nya tinuloy ang kanyang sasabihin ay binatukan kona siya.

"ANO BA?! Ang sakit nun ah!!" Sabay kamot sa kanyang batok.

Pano naman kasi alam ko na ung sasabihin niya sakin na iniisip ko at ineemote kopa ung pakikipag break sakin ni Cheska... Pero sa totoo lang tama siya pero 1 month na din naman ang nakalipas since mag break up kami ni Cheska... sinusubukan ko din siyang kalimutan pero kahit papano may tinik pa rin sa puso ko..

Papunta kami ngayon sa campus.. nakaka bagot talaga ang bilis ng bakasyon 2nd year college na kaagad kami ang bilis lang talaga..

"Nga pala nakita mona ba ung bagong sched natin?" Tanong ko kay Agean na inirapan ako dahil galit pa siya sakin.. babaeng to! Para naman sobrang sakit ang ginawa ko sa kanya. Kundi ko lang kaibigan to e.

"Hmmp ewan ko sayo" inirapan nanaman ako.. hay wala naman akong mapapala dito kaya inopen ko nalang ang phone ko at tinext ko ang mga babes ko ay este mga friends ko.

[ To Rina ]

Ei nasan naba kayo ha kanina pa kami ni Agean dito sa tambayan naten sa bench.

"Nasan naba ang mga ugok na yon?" Tanong sakin ni Agean..
Kani kanina lang galit to sakin tapos kakausapin din pala ko.

"Tinext kona po sila." Sagot ko sa kanya.. at sabay akbay ko sa kanya..

"Ih ano ba." Suway niya sakin

"Hmmp arte mo!" At tumalikod ako sa kanya.

"Hay nako Mara hindi ako maarte no dahil baka dumatin si Anna dito makita tayong ganto baka mag selos yun selosa pa namn yon." Sabay tanggal sa kamay ko na naka akbay sa kanya.

"Ang daya mo dapat pag naging single ako single kana din dapat makipag break kana lang sa kanya Agean."

"CHE palibhasa kasi wala ka nang lovelife bitter." Aba aba aba ang yabang neto ah. Nakakainggit naman kasi buti pa sila may lovelife.. nakakapag taka lang kasi binreakan ako ni Cheska ng walang dahilan napakasakit.

Napansin kona may kumakaway sa malayo at natanaw ko na sina Rina.

"Guys namiss ko kayo!!." Banggit ni Agean kina Rina.

"Namiss ko kayo mga babes!!!." Sabay hinalikan ko silang tatlo isa isa sa pisngi..

"Napakalambing mo ata since naging single ka Miss perfect." Sabi ni Lira sakin habang ka holding hands si Trish.

"Palagi naman akong malambig pag dating sainyo guys e." Sabay kinindatan ko si Lira.

Miss perfect ang tawag sakin ng mga barkada ko dahil masyado daw akong malinis sa katawan sa kwarto at sa lahat ng bagay at isa pang rason dahil maganda din naman kasi ako at matalino. Hindi naman sa nag mamayabang kaya siguro ako iniwan ni Cheska dahil sa masyado akong perfect hahaha chos!

"Uhm guys pumunta na tayo sa klase naten baka ma late tayo ka 1st day 1st day mapapagalitan tayo ng prof." Rina

Naglakad na kami papuntang classroom. Kinakabahan ako baka terror ang prof namin yon pa naman ang pinaka ayaw ko sa college life. Architect ang kinukuha naming limang mag kakaibigan highschool palang kami mag kaibigan na kami pero hindi naman sa pinag usapan namin na pare pareho ang kunin naming kurso.

Dahil ako 100% sure ako na gusto ko ang kursong to. At si Agean naman gusto din naman ang kursong to. Si Lira naman pinilit lang siya ng mga parents nya sa kursong to kahit ayaw niya kaya sinundan nalang siya ni Trisha ang sweet naman niya no. Si Rina naman mahilig kasi siya mag drawing kaya naisipan niya ang kursong to.

She's Miss Perfect ( GirlxGirl )Where stories live. Discover now