Chapter 38

4.7K 88 2
                                    

Erin's POV

School fair: Day 2

"Bili na kayo ng coffee sa amin."

Day 2 ng school fair at yep ako padin ang pinag suot nila ng napaka bigat na tasa na to.

Bwisit naman kasi ung paul bakit hindi pa pumapasok.

"Erin!!" Si Leslie.

"Oh."

"Andyan na si Paul! Pwede mo ng tanggalin yan at malaya kana!"

"Yaay! Salamat naman!!" Sabay takbo ko sa banyo at nag palit na ng damit.

At pagkatapos mag palit ay lumabas nako sa banyo.

"Ang tagal mong mag bihis. Akin na yan."

"Oh sayo na!! Im free!!!!"

Nag tatalon ako dito sa labas ng banyo.

"Ang OA mo. Diyan kana nga." At pumasok na si Paul sa loob ng banyo.

Hmmm makalibot nga munaaa. Ay teka. Puntahan ko si Mara!! ^_^

"Erin!"

Napalingon ako bigla.

"Neil?" Si Neil lang pala.

"Erin bili ka na ng sushi!"

Lumapit ako sa sushi booth nila.

"Wow magkano?"

"500 for 6 pcs."

"Ang mahal! Wala bang free taste?"

"Hmmm. Para sayo. Meron syempre. Eto oh ako ang gumawa niyan." 

Inabot niya sakin ang tinidor at tinusok ko ang isang sushi at kinain na ito.

"Oh ano masarap ba?"

"Hmm pwede na." Binalik ko ang tinidor sa plato.

"Ano bibili kana ba?"

"Hmmm mamaya nalang! Pag gutom ako."

"Hintayin kita ha."

"Sige."

At nag lakad nako palayo sa booth nila.

Nag punta nako sa gym at mukhang madami nanaman ang tao.

Pumasok nako sa gym at natanaw ko na si Mara na nagtuturo ng volleyball.

Nang makita niya ko ay tumigil muna siya sa kanyang ginagawa at tumakbo siya palapit sa akin.

"Pamsy! Mabuti naman at hindi kana mascot ngaun?" Pang aasar niya habang nag pupunas ng pawis gamit ang towel.

"Tsk!"

"Gusto mo bang turuan kita mag volleyball." At nag wink siya sakin. Ang cute niyaaaaa. *0*

"Ayoko. Ang mahal kaya ng bayad."

"Duh! Syempre wala kang babayaran."

"Hmm samahan mo muna ko sa horror house booth. Dun tayo please." Nag pouty lips ako. Para mapapayag ko siya. Ewan ko kung cute ako mag pout pero ewan!! *0*

"Later na. Madami pa kaming tuturuan."

"Siguro madaming chix diyan noh?"

"Pamsy hindi naman mawawala ang mga chix dito sa volleyball booth. Napakadami nga eh."

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Tsk. Sige mag turo kanalang ng mga chix mo."

"Heyy Pamsy. Madami ngang chix diyan pero sa tingin mo ba pagpapalit kita? Kahit landiin pako ng pinaka magandang babae sa mundo. You're my one and only aphrodite."  Hinawakan niya ang nag iinit kong pisngi.

She's Miss Perfect ( GirlxGirl )Where stories live. Discover now