Chapter 22

5.6K 110 2
                                    

Erin's POV

Pumasok na kami ng Mara sa loob ng party.

Madaming bumabati sa kanya. Sikat kasi talaga siya. At nandito din ang ibang nag aaral sa university namin at nandito din sina Agean.

"Erin. Okay ka lang ba diyan?" Si Mara.

Nakatayo lang kami ni Mara ngayon dahil hindi siya makaupo dahil nga sa madaming kumakausap sa kanya.

"Oo naman." At ngumiti ako sa kanya.

"Upo muna tayo. Nangawit nako e."

"Sige." Sang ayon ko.

Umupo na kami sa mga upuan dito.

May mga round table dito na maliit. Tapos may 2 upuan bawat round table. Kaya dun kami umupo ni Mara.

"Nagugutom kana ba? Kuha kita ng pagkain."

"Mamaya nalang ako kakain."

Kahit na gutom na gutom nako ay tumanggi padin ako dahil nakakahiya naman kasi.

"Anong mamaya? Eh kanina kopa naririnig yang tiyan mo."

"Basta mamaya nalang okay?"

"Hindi ikukuha padin kita. Wait ka diyan."

Kulit niya talaga.

Nang makarating na siya ay nilapag na niya ang pagkain.

Puro sushi ang kinuha niya pero iba t ibang sushi ata to.

Yummmm.

"Wow ang daming sushi naman niyan." Sabi ko.

"Oo naman! Kapag nag kulang pa sayo to ikukuha pa kita."

"Hindi na. Madami na ito. Salamat."

At kumain na kaming dalawa.
"Erin. Kilala mo ba yun." Tinuro ni Mara ang isang lalaki. At tinignan ko ito.

"Hindi eh."

"Nag aarchitect ka tapos hindi mo kilala ang mga yan! Dapat kilala mo ang mga yan."

"Eh hindi ko talaga kilala eh."

"Siya si Leandro Locsin. Isa siya sa mga pinakamagaling na Architect sa pilipinas. Alam mo napapansin ko. Hindi mo talaga gusto ang pagiging architect."

"Eh hindi ko naman kasi talaga gusto." Sabi ko. Sabay subo sa sushi.

"Ha?! Eh bakit ka nag architect!"

"Yun kasi ang gusto ni Mama."

"Ahh. Eh ano ba talaga ang gusto mo?"

"Director! Okaya Writer." Sabi ko.

"Eh bakit hindi mo sinabi sa Mama mona un talaga ang gusto mo?"

"Magastos daw yun."

"Hi Miss Sazon!" May biglang bumati kay Mara.

"Hi Paul." Bati ni Mara

P-paul Soriano?! Ung sikat na direktor to at gwapo pa.

"Miss Sazon sana pumayag kana na makatrabaho ako. Sayang ka naman kasi eh."

"Sorry talaga pero hindi ko hilig ang mag artista."

"Well. Hindi na siguro talaga kita mapipilit. Sige mauna nako."

Umalis na si Paul Soriano.

"Tinanggihan mo un?! Ang gwapo gwapo niya."

"Ayokong mag artista noh."

She's Miss Perfect ( GirlxGirl )Where stories live. Discover now