Chapter 55

5.7K 84 1
                                    

Neil's POV

Nasan naba si Erin. Kanina kopa siya hinihintay.

"Psst!"

Huh

"Neil! Andito ako." Si Erin na nakansandal sa pader.

Nag lakad ako palapit sa kanya.

Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung itutuloy kopa to. Pero pag hindi ko tinuloy ito ako naman ang mapapahamak at baka idamay pa ni Cheska ang pamilya ko.

"Oh Erin? Ano bang gusto mo? Bakit parang seryoso ang pag uusapan naten." Nag cross arms ako sa kanya at tinitigan ko siya sa mata.

"Neil alam kong mabuti kang tao..... Alam kong hindi ka gagawa ng masama. Magkaibigan tayo diba?"

Nag tataka ako sa mga binibitawan na salita ni Erin. Bakit siya nag sasalita ng ganyan. Pakiramdam ko ay sasabog ang puso ko dahil sa kunsensya. Nararamdaman ko ang pag tulo ng pawis ko.

Hindi kaya alam niya na kasama ako sa pagdukot kay Mara.

Didiretsuhin ko nalang siya.

"Erin anong alam mo?" Matigas kong tinanong kay Erin.

"Totoo ba? Magkasabwat kayo ni Cheska?"

"Oo. Pero wala kang karapatan para husgahan ako. Gusto ko lang gumante. Pero wala akong balak na manakit ng tao o mandamay ng iba at ayoko din na makapatay." Bigla akong hinawakan ni Erin sa braso.

"Hindi kita hinuhusgahan Neil. Lahat naman tayo may dahilan kung bakit tayo nakakagawa ng mga ganun na bagay. Pero alam kong mabait ka at may kunsensya ka Neil."

"Kasalanan ko to! Hindi ako nag iisip. Gusto ko nangang itigil to Erin. Pero idadamay ako ni Cheska pag hindi ko ginawa ang dapat kong gawin."

"Dalhin moko don... Ako na ang bahalang mag takas kay Mara. Mag papanggap tayo. At least hindi kana madadamay Neil."

"Erin delikado ang naiisip mong gawin. Papatayin ka ni Cheska. May sira na ata sa utak yon eh."

"Tatawag naman tayo ng back up eh. Para saan pa yung mga police diba?"

"At sa tingin niyo ganoon ako ka tanga para hindi ko maisip na tra traydurin moko Neil?" Biglang may nag salita sa likod namen at may dumating na dalawang lalake at hinawakan kaming dalawa ni Erin.

Hinawakan kaming mahigpit at hindi ako makagalaw

SHIT!

"Cheska! Tumigil kana! Itigil mona nga ang balak mo. Sa tingin mo. Mamahalin kapa ni Mara sa mga pinag gagawa mo?! Baliw kana talaga!" Sigaw ni Erin.

"Sa tingin mo din ba ganun ako ka desperada sa pagmamahal ni Mara?! Tanga mo rin pala eh! Kailangan ko rin siya dahil sa yaman niya! Sige na patulugin niyo nayan!"

Agean's POV

"Guys puntahan na kaya natin si Erin? Ang tagal niya eh." Kanina pa kase lumabas si Erin tapos parang may mga nag sisigawan.

"Nag aalala nadin ako. Puntahan na siguro naten." Sabi ni Rina.

Inikot na namin ang buong parking lot pero wala namang tao.

"Asan na kaya siya?" Si Lira.

"Guys! Kay Erin bag to!" Sigaw ni Rina.

"Hindi kaya?" Napatingin si Trisha sa aming lahat na parang may ibig sabihin ang tingin niya at naintindihan naman namin ito.

"Lagot na tayo. Dalawa na silang nawawala." Takot na sabi ni Lira.
"Ahhhhh!! Kailangan na talaga natin ng tulong ng mga police. Tara na!" Pag aya ko sa kanila.

She's Miss Perfect ( GirlxGirl )Where stories live. Discover now