Chapter 50

4.5K 74 0
                                    

Mara's POV

"Haaaaayyyy!!" Napatayo ako sa aking hinihigaan. Teka? Anong oras naba. Puyat na puyat ako kagabi ah.

Tinignan ko ang orasan sa cp ko.

Huh? Bakit kaya napatawag si Trisha.

1pm?!! Ang bilis naman ng oras. Kaya pala nagugutom nako.

Makabili nga ng pagkain sa labas.

Naligo muna ko at nag bihis at pagkatapos ay bumaba na ko at nag drive thru sa mcdo.

Pinag order ko na din si Erin. Kaya dumiretso na din ako sa apartment niya.

Nang makarating nako ay may nakaparadan kotse sa harap ng apartment niya. Teka?? Parang kilala ko ang sasakyan na to ah?!

Kay Neil!!!!

Para akong sasabog sa galit! Bumaba ako ng kotse ko at nakita ko si Erin at Neil na bumababa at naglalakad papunta sa kotse ni Neil kaya tumakbo nako palapit kay Erin.

"Mara? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Neil.

"Ako dapat ang nagtatanong niyan sayo!" Sagot ko. Tinignan ko ng masama si Neil.

"Ano ba kayo? Tumigil nga kayo." Suway samin ni Erin. Lumapit sakin si Erin at hinawakan ang braso ko. Nanginginig na kase ang mga braso ko dahil konting konti nalang ay masasapak kona ang lalaking to.

"Erin sasama kapa ba sa babaeng to? Niloko ka niya diba?" Sabi ni Neil at humarap pa saken ng nakakaloko.

Aba gago to ah?!

"Ah! So dapat ikaw ang sasamahan ni Erin?!" Pilit kong nilalabanan ang pagpigil sakin ni Erin. Kaya ko naman itong labanan ngunit alam kona ang ibig sabihin sa pag pigil sakin ni Erin. Ayaw niya ng gulo.

"Tama na! Tumigil na kayong dalawa!" Sigaw ni Erin.

"Sh*t! Badtrip!" Pabulong na sabi ni Neil.

Sumakay na sa kotse si Neil at umalis na ito.

Nakatingin sa mga mata ko si Erin. Tumingin din ako dito.

"Saan ka pupunta? Bakit ba kasama mo ang lalaking yon?" Tanong ko.

"Sa school. Ewan ko sa kanya. Sasamahan daw ako e." Mainhin niyang sagot.

"Ako nalang sasama sayo." Pag aya ko.

Nakita ko naman na tumango siya.

Pumasok na kami sa kotse.

Nakatingin lamang siya sa malayo parang umiiwas ng tingin sakin.

"Erin?"

"Hmm?" Naka focus ako sa pagmamaneho pero nakita konaman na tumingin siya sakin.

"Alam kong kaibigan na ang turing mo kay Neil. Pero Erin wag ka magtitiwala sa kanya at wag ka munang basta basta sasama sa kanya."

"Huh? Bakit?"

"Erin may nararamdaman akong kakaiba sa kanya. Sa mga kinikilos niya. Ayokong pati ikaw mapahamak."

"Ano bang sinasabi mo? Bakit ako mapapahamak?"

"Pina imbistiga ko siya kay Agean. Nabalitaan kona bumagsak ang company nila dahil sa daddy ko. Erin lahat ng napapabagsak ng kumpanya namin ay nagagalit. Galit sila sa amin. Ayokong madamay ka."

Napasandal si Erin at tumingin ulit sa malayo.

"A-ano naman ang kinalaman ng pakikipag kaibigan sakin ni Neil?"

"Sa ngayon hindi ko pa alam. Basta wag kang magtitiwala sa kanya. Lumayo ka kanya. Please?"

"O-oo."

She's Miss Perfect ( GirlxGirl )Where stories live. Discover now