Chapter 40

4.5K 78 2
                                    

Erin's POV

Naglalakad sana ko papuntang classroom ng magka gulo dun sa bulletin board. Kaya lumapit din ako dito.

"Erin!! Nakita mo na ba?!" Si Leslie na tumatakbo palapit sakin.

"Hindi kopa nakikita e. Hindi ako makasingit."

Hinila niya ang kamay ko at nakipag siksikan kami.

"Excusee! Ops ops!" Si Leslie.

Nang nakasingit na kami ay tinignan na namin ang bulletin board.

1st na nanalo ay volleyball booth at second horror house booth at 3rd.

"WOOOW! 3RD TAYOOO." Sigaw ni Leslie na nag tatatalon.

"Teka ano bang premyo?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi ko din alam e. Parang wala naman e." Biglang sumimangot ang mukha ni Leslie.

"Papasok nako sa klase ko les. Baka ma late pa ako e." Nag paalam nako kay Leslie.

Wala naman palang prize. Pero siguro kapag nanalo ka parang sumikat na din ang booth na ginawa namin. Okay na yun.

Habang nag lalakad ay napansin ko na may pinagkakaguluhan nanaman ang nga estudyante sa gate.

At syempre dahil chismosa ako naki tingin na din ako! Bwhahaha!

"Ang ganda niya no!"

"Nagbalik na siya."

"Sus ganun pa din ang itsura niya."

"Lalo siyang gumanda."

"Sikat na sikat na siya sa ibang bansa dahil sa pagmomodelo."

"Bakit kaya siya bumalik?"

Yan ang mga naririnig ko sa mga estudyante.

Hindi ko makita ung babae dahil sobrang daming tao. At nang nag lakad na papasok ang babae ay dun ko siya nakita.

Nang nakita ko siya ay sobrang ganda nga niya!

Pero parang pamilyar ang mukha niya sakin. Nakita kona siya pero hindi ko alam kung saan.

- - - - - - - - - - - - -
Mara's POV

"Wag kanga Gean!" Suway ko kay Agean dahil tinatanggal niya ang bra ko!

Nandito kami sa bench. Naghihintay ng klase.

"HAHAH!"

"GUUUYSSS!!!" Tumatakbo palapit sa amin si Trisha.

Hingal na hingal siyang palapit sa amin.

"Napano ka?" Tanong ni Agean kay Trisha.

"S-si."

Umupo muna sa tabi namin si Trisha.

"Si?"

"Si-si uhm nagbalik siya M-mara." Nauutal na sabi ni Trisha.

Sino kaya ang tinutukoy niya?

"Sino?"

"C-cheska."

"O-M-G." Nakangangang sabi ni Agean sabay pinanlakihan niya ko ng mata.

Si Cheska? Nagbalik? Anong pake ko dun.

Imbis na tuwa ang naramdaman ko ay galit ang naramdaman ko. Wala nakong nararamdaman sa kanya kundi galit.

"Oh Tapos?" Iritang sabi ko.

"Wala! Sinasabi ko lang eh." Nag roll eyes si Trisha sabay nag cross arms.

Ano kayang dahilan kung bakit pa siya bumalik dito? Sa Totoo lang gusto ko siyang makausap. Madami akong gustong itanong sa kanya.

She's Miss Perfect ( GirlxGirl )Where stories live. Discover now