Chapter 37

4.6K 79 2
                                    


ERIN'S POV

2:34am na nang gabi at hindi pako makatulog ng dahil sa nangyari kanina. Nakayakap ako sa aking unan at kahit anong posisyon ang gawin ko ay hindi ako dinadalaw ng antok.

Hinihintay kong tumawag o mag text man lang si Mara sa akin.

Ni hindi siya nag rereply sa akin o sinasagot ang mga tawag ko. Eh kanina kopa hawak ang cp ko.

Nag aalala nako sa kanya.

Riiingg

Biglang may nag ring ang phone ko kaya agad agad ko nang sinagot eto dahil baka si Mara ito.

[M-mara.] Nakangisi kong bati sa kanya.

[Anong mara ka diyan? Si Leslie to.]

Si Leslie lang pala. Si Leslie ang kasama ko sa pag oorganize ng coffee house booth para sa school fair. Magkakaroon kasi kami ng school fair this week at 3 days yun at ang ma e earn namin na pera ay i dodonate namin sa bahay ampunan. May jail booth may horror house booth at madami pang iba! 

[Bakit napatawag ka? Anong oras na ah?]

[Eh kasi may padadala pako sayo. Bili ka naman ng tasa. Ung maganda ha! Kasi parang kulang pa nabili ko. Bili ka ng mga 20pcs.]

[T-teka! Ang dami naman. Hindi naman ako mayaman.]

[Ano kaba mura lang yan! Sige na bye!]

Call Ended

Waaa anu ba yan! Ang mahal mahal kaya ng mga pang sosysalin na tasa. San kaya ako bibili.

Saan ako kukuha ng pera. Ang dami dami ko nangang problema dadagdag pa yun!

- - - - - - - - - - -

"9,999 pesos?!!!!" Bigla akong napasigaw dahil nakakagulat ang presyo ng tasa dito. 20 na tasa for 9,999?! Bakit pa kasi dito pako pinapabili ni Leslie eh!!! Hindi naman kasi ako mayaman tulad nila.

"Uhm may problema po ba tayo Ma am." Biglang lumapit sa akin ang isa sa mga nag titinda dito.

"Wala na po bang mas mura dito?"

"Meron po. Eto po 300 lang po."

"Talaga?! isang set naba yan?"

"Ay hindi po eh 300 isa po ito."

Jusko! Eh 2000 lang ang budget ko! 

"Hehe di bale nalang po. Balik nalang ho ako." At nag lakad nako palabas sa shop.

Arghh! Bwisit. Late nako!

Saan ako bibili ng tasa na mura?!
"Ma am!" Tumakbo palapit sa akin ung tindera kanina.

"Bakit po?"

"May nag papabigay po sainyo." Inabot niya sa akin ang naka paper bag.

Kinuha ko ito at binuksan at teka. Ito yung 9,999 pesos na tasa kanina na hawak ko ah?!

"S-sino daw nag papabigay?"

"Neil daw po ang pangalan."

"Ha?! Nandiyan paba siya."

"Opo. Sige po ma am pasok na ko."

Tumakbo ako agad agad papasok sa shop at nakita ko si Neil na nag babayad sa cashier. Kaya lumapit nako agad agad

"Huy Neil!!"

"Ui Erin." Nakangising bati ni Neil.

"Ano kaba. Bakit mo ba binili to."

She's Miss Perfect ( GirlxGirl )Where stories live. Discover now