Chapter 51

4.7K 75 0
                                    

Mara's POV

Palabas na kami ng gym ni Erin ng bigla kong nakita si Lira na naglalakad papunta sa gym. Kaya tinawag ko ito.

"Liraaaa!!" Tawag ko. Napatingin siya sa amin ni Erin na parang nagtataka. Lumapit siya samin.

"Ohhhh okay na kayo?"

"Oo naman!" Masigla kong sagot tsaka ko inakbayan si Erin.

"Mara!!!" Nagtinginan kaming tatlo nina Lira dahil parang galit na galit sakin ang tumawag sa akin. Nilingon ko ito.

"Trish? Bakit parang galit na galit ka?" Lumapit ako sa kanya.

"Ano bang problema mo Mara?! Ano bang ginawa ko sayo ha?!"

Shit?! Ano bang ginawa ko sa kanya?!

"Trish hindi kita maintindihan?"

"Bakit mo sinira ang letter ni mama saken?! Alam mong importante sakin to!!" Pinakita niya sakin ang papel na punit punit.

Ano bang sinasabi niya?!

"Baby!! Sigurado kabang si Mara ang gumawa niyan?! Uminahon kanga!" Pagtatanggol ni Lira. Lumapit si Lira kay Trisha at hinawakan ang braso nito.

"Amoy na amoy ko ang pabango mo!"

"Shit naman Trish! Yan lang ba?! Yan lang ba ang proweba mo?! Ako lang ba ang may pabango na ganyan?! Ha?!"

"Ikaw palang ang pumapasok sa locker room!!"

Nang dahil sa ingay namin ay naglabasan ang mga estudyante mula sa gym at pinanood kame.

"Erin samahan mo si Mara please." Utos ni Lira na parang naiiyak na.

Hinila ako ni Erin palayo kina Trisha.

Hindi ako makapag salita. Habang nag lalakad kami papunta sa parking lot.

Arrghhh!! Kung sino man talaga ang gustong sumira sakin SHIT siya!! Humanda talaga siya!

"Eto uminom ka muna." Inabot sakin ni Erin ang tubig saken. Nakikita ko sa mukha ni Erin ang pag aalala niya sakin. Alam niya kasing umuusok nanaman ako sa galit.

Kinuha ko ang tubig at ininom ito.

"Erin. Puntahan natin si Agean." Kalmado kong sabi. Ayoko kasing ipakita kay Erin na umuusok ako sa galit.

"Sige." Matipid niyang sagot.            
Sumakay na kami sa kotse at nag drive ako papunta sa bahay ni Agean.

Habang nag mamaneho ako ay hindi ko maalis sa isipan ko kung sino ba talaga ang gumawa nun sakin.

Hindi kaya yung sumusunod sakin kanina?

Mga ilang minuto lang ay nandito na kami sa bahay ni Agean. Bumaba na kami sa kotse at nag doorbell. Binuksan ni Manang Lupe ang gate.

"O Mara ikaw pala yan. Magandang hapon sainyo."

"Magandang hapon din po sainyo Manang. Andyan po ba si Agean?"

"Oo nasa kwarto niya. Pasok kayo."

Pumasok na kaming dalawa ni Erin sa loob at umakyat na sa taas.

Kakatok na sana ako sa pinto ng kwarto ni Agean ngunit binuksan na niya ito kaagad.

"Alam ko. Nag text na sakin si Lira kung anong nangyari kanina. Tinext kona din si Rina. Para maayos ito." Nakatingin sakin si Agean na parang tinatanong niya sa akin kung ano ba talaga ang nangyari.

Pumasok kami sa kwarto.

Umupo kaming dalawa ni Erin sa couch at si Agean naman ay tumabi sakin.

She's Miss Perfect ( GirlxGirl )Where stories live. Discover now