Chapter 26

5.4K 87 0
                                    

Erin's POV

Sht! Ang hirap hirap bumabang mag isa dito sa hagdan. 

Pababa ako ngayon hagdan ng apartment ko dahil papasok na ko sa university.

Medyo masakit padin ang pilay ko eh kaya nahihirapan talaga ko.

After 12345677899 years!!!! Nakababa nako.

Lumabas na ako ng gate at nag abat ng jeep.

"Pamsy!! Ang kulit mo talaga no?!" Si Mara na parang hinihingal.

"Bakit parang pagod na pagod ka?"

Nag cross arms siya. At tinaas ang kanyang kanan na kilay. 

"Nag park kasi ako dun eh. Tapos nakita kitang nag aabang ng jeep kaya tumakbo agad ako dito."

Tinuro niya ang parking area gamit ang kanyang nguso.

"Oh? Eh bakit nandito ka?"

"Diba nga ako ang mag hahatid sayo! Habang hindi kapa magaling."

"Kaya ko naman eh."

"Wag ka nangang makulit."

Nagulat ako sa ginawa niya dahil binuhat nanaman niya ko bigla.

Grabi tong babaeng to! Mangbubuhat nalang bigla bigla!

Pero hindi ko alam pero ang saya saya ko kapag binubuhat niya ko.
Parang nakikipag karera nanaman ang heart ko.

Sinakay na niya ko sa kanyang kotse at sumakay na din siya. At inistart na niya ang pag dri drive.

"Mara bakit mo ba kasi ginagawa to?" Tanong ko sa kanya..

Nakatitig ako sa kanya kahit na abala siya sa kanyang dri drive.

"Ui Mara. Bakit ba ha?" Tanong ko ulit sa kanya. Sa tinanong kong yon ay nakaramdam ako ng kaba sa aking dibdib.

Pinag papawisan ang aking mga kamay kahit na malamig sa kanyang kotse.

"Ewan." Mainhin niyang sagot.

Nung una kaming magkita ni Mara ay halos umusok na ang kanyang tenga sa galit sakin. At ramdam kona ayaw niya talaga sa akin.

Pero bakit ngayon? Bakit ang bait bait niya. Oo paminsan may hindi kami napapagkasunduan pero habang tumatagal ang pagiging malapit namin sa isa t isa ay mas lalo siyang napapamahal sa akin.

At natatakot ako na kapag nasabi ko ang nararamdaman ko para sa kanya ay layuan na niya ko.

Kaibigan lang ba talaga?

Inihinto niya saglit ang kanyang kotse sa gilid ng daan.

At may kinuha siya sa kanyang bag.

"Hmm Erin oh." Inabot niya sa akin ang isang box.

At parang cellphone.

Hindi lang basta cellphone kundi iPhone 6s.

"Ano yan?"

"Para ito lang hindi mo alam?"

Tinaas niya ang kanyang kanang kilay.

"Alam ko."

"Alam mo pala eh. Diba nanakaw ung cp mo? Kaya eto binili kita."

"Ano kaba? Ang mahal niyan! Hindi mo nako kailangang bigyan niyan."

"Ang mura lang neto eh! Para sayo nga to!"

"Bakit ba kasi binibili mopa ko niyan. Eh ayoko nga kasi."

She's Miss Perfect ( GirlxGirl )Where stories live. Discover now