Chapter 49

4.5K 73 1
                                    

Neil's POV

Pagkatapos kong naihatid si Erin sa kanyang apartment ay nag punta ako dito sa bar dahil magkikita kami ni Cheska.

Pumasok nako sa loob at natanaw kona si Cheska na nakaupo sa couch. Nilapitan ko ito.

"Hi Neil. Upo ka muna. Anong gusto mong inumin?" Umiling ako at umupo sa tabi niya.

"Pagod ako Cheska. Ikaw nalang ang uminom." Reklamo ko.

"Hmm k." Sagot niya.

"Bakit mo ba ko pinapunta dito?" Tanong ko.

"Bakit kaba nag mamadale? Enjoy."

"Pwede ba pagod nga ako diba? Sabihin mo na ang gusto mong sabihin."

"Ughh fine."

Sinabi sakin ni Cheska lahat ng mga planong gagawin namin. Mahirap silang gawin pero sa tingin ko kaya naman ito ni Cheska.

Kinakabahan ako sa mga pwedeng mangyari.

- - - - - - - - - - - - -

ERIN'S POV

"Arghh! Sino ba yan?!" Napatayo ako sa aking higaan dahil parang may kumakatok sa labas ng apartment ko. Tinignan ko ang orasan sa aking relo at nakita ko na 2:50am na ng madaling araw!

Sino bang pupunta ng ganitong oras?! Gabing gabi na e nanggugulo sila.

Tumayo nako at tinakpan ko nang twalya ang aking katawan dahil naka sando lamang ako.

Naglakad nako papunta sa pinto at binuksan ito.

"Mara?! Gabing gabi na! Ano bang ginagawa mo dito?!" Ibabagsak ko na sana pasarado ang pinto ngunit tinulak niya ito at pumasok ito bigla sa loob.

"Erin mag usap tayo!" Hinawakan niya ang magkabilang braso ko.

"Ano ba?! Dun ka sa Cheska mo!" Suway ko.

"Naknang! HINDI MO BA MAINTINDIHAN?! WALANG KAMI WALANG KAMI!!"

Bigla akong natahimik dahil ngayon ko lang siya nakitang sumigaw at magalit ng ganyan.

Nanghina ang aking mga tuhod kaya napaupo ako sa sahig at yumuko.

"Sorry." Umupo din siya sa aking tabi at niyakap ako. Hindi ko maiwasan ang lumuha. Imbis na magalit ako sa kanya ay parang gusto ko din siyang yakapin.

"Bakit mo nagawa sakin yon Mara? Ano bang ginawa ko? May n-nagawa ba akong mali?" Mangiyak ngiyak kong sabi.

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. Ini angat niya ito at tumitig siya sa aking mga mata.

"Erin hindi ko magagawa sayo yun. Wala akong alam sa nangyare. Pinainom ako ng pampatulog ni Cheska and then pag gising ko ganun na ko. Maniwala ka naman saken please."

Sa mga narinig ko ay para akong nabunutan ng tinik sa dibdib. Nakikita ko sa mga mata niya na hindi siya nag sisinungaling. Dapat ba? Dapat ko ba siyang paniwalaan?

"Naniniwala ako. P-pero sa tingin ko. Wag na muna tayong magsama Mara."

"Pero b-baket?"

"Hindi tayo titigilan ni Cheska. Mahal ka niya Mara. Gagawin niya ang lahat para mapaghiwalay tayo."

"Then hindi tayo mag papatalo sa kanya diba? Lumayo tayo. Ung hindi niya tayo makikita or mahahanap. Hindi natin kailangang maghiwalay."

"Mara hindi tayo pwedeng lumayo."

"No! Hindi ako papayag na mag hiwala-"

"Tao po!!"

Napatigil si Mara sa pag sasalita dahil biglang may pumasok.

She's Miss Perfect ( GirlxGirl )Onde histórias criam vida. Descubra agora