Chapter 33

5.1K 91 0
                                    

Erin's POV

"Ilang araw tayo dun?" Tanong ni Mara na nakahiga sa kama habang pinagmamasdan ako mag ayos ng mga gamit ko.

Friday na kasi ngayon eh kaya nag aayos nako ng mga gamit ko dahil uuwi ako sa probinsya namin sa pampanga dahil fiesta namin dun.

"Hanggang sunday." Sagot ko habang pinapasok ang mga damit ko sa bag ko.

"Okay good. Mabuti nalang pala nag dala ako ng damit."

Napatingin ako sa kanya at napatigil ako sa pag aayos ng gamit ko.

"Ano?! Doon ka din matutulog?" Pagtataka kong sabi.

"Duh? Bakit hindi."

"Masikip sa kwarto ko."

"Okay lang."

"Hmm sige nanga!" At pinag patuloy ko ang pag aayos.

Nang matapos nakong mag ayos ng aking gamit ay umalis na kami. Ang kulit niya talaga. Siya nalang daw mag dri drive papunta sa pampanga. Sabi ko mag bus nalang pero nag pumilit pa siya.. dahil madumi daw sa bus at mabaho. Ang arteeee.

Ang kuliiiit.

- - - - - - - - - - - - -

"Malapit naba tayo?" Tanong ni Mara na patuloy padin sa pag dri drive.

"Yup! Kaliwa ka." 

Excited nakooooo ang tagal kona din kasing hindi nakikita sina mama. Miss kona sila!!!

"Yan! Doon mo nalang itabi." Tinuro ko ang bahay namin. Pinark ni Mara ang kotse niya sa harap ng bahay namin. Pagkapark niya ay agad agad nakong bumaba at nag stretch. Ganun din si Mara.

"Haaayyy!! Home sweet home!!!" Sigaw ko na may halong ngiti.

"Ang layo pala ng pampanga." Reklamo ni Mara na nag ii stretch pa.

"Sabi ko naman kasi sayo mag bus nalang. Halikana nasa loob sina Mama."

Nag lakad na kami papasok sa gate ng bahay namin.

"Erin! Anak!!" Tumakbo palabas ng bahay si Mama at lumapit sakin at niyakap ako.

Niyakap ko din siya ng mahigpit.
"Andyan kana pala Erin!" Si Ate Joy.

"Ateeee!!" Niyakap ko si Ate Joy.

Kumalas na sa yakap si mama ng mapansin niya si Mara.

"Ang ganda naman ng kasama mo anak. Ipakilala mo naman sa amin." Si Mama. Nilapitan niya si Mara.

"Ah Ma. Si Mara po."

Hindi ko naman pwedeng ipakilala si Mara na girlfriend ko. Baka kasi itaboy ako ni Mama >__<.

"Hello po tita." Nag mano si Mara kay Mama.

"Halika siguradong pagod kayo sa biyahe! Erin asikasuhin mo bisita mo!"

"Opo." Sagot ko.

Pumasok na kami sa loob ng bahay.

Pinaupo muna ni Mama si Mara sa sala. Pero napansin ko na parang pagod siya. Siguro napagod sa pag dri drive.

Kaya nag lakad ako papunta sa kanyang tabi.

"Gusto mo munang magpahinga?"

"Oo eh. Biglang sumakit ang ulo ko."

"Ma! Sa kwarto po muna kami ha. Pagod po kasi kami sa biyahe!!" Sigaw ko. Nasa kusina kasi sina Mama.

"Oo sige! Mabuti nalang pala at nilinis ko ang kwarto mo! Buksan mo ang aircon!" Sigaw ni Mama mula sa kusina.

She's Miss Perfect ( GirlxGirl )Où les histoires vivent. Découvrez maintenant