Chapter 16

6.8K 126 0
                                    

Erin's POV

So nandito ako ngayon sa aiport. I mean KAMI nina Mara and friends.

May susunduin daw kasi sila.

Hindi ko alam kung bakit pati ako sinasama ako ni Mara dito. Sabi daw kasi niya nasanay na siya na kasama ako lagi. Well ganun din naman ako.

Hmm sino kaya susunduin nila.

Im so boreeeeedddddd-

"Huy nag dadaydream ka no?" Si Rina. Tinabihan niya ko dito sa waiting area.

"Hindi naman. Sino bang susunduin?"

"Ahh si Diane."

"Diane? Kaibigan nio?"

"Yup! Well isa siya sa ex gf ni Mara pero ngayon friends nalang sila."

Napanganga ako sa gulat.

"I-ibig sabihin?!"

Tumango siya.

SABI KONA NGA BA!! KAYA SIGURO HINALIKAN NIYA KO DATI AT UNG MUNTIK NA MAWALA VIRGINITYY-

TEKA EX GF?!

Bakit naman ako nag seselos.

"Erin!! Rina!! Tara na dumating na si Diane!!" Si Agean

Bakit nakaramdam ako ng lungkot.

Nalaman ko na lesbian talaga si Mara pero bakit hindi naman ako masyadong nagulat.. pero nakakaramdam ako ng lungkot dahil ex niya daw ung si Diane.

Lagi akong sinasama sa mga lakad nilang magkakaibigan kaya ayun naging isa na din ako sa kanila. Pero hindi ako isa sa mga grupo nila bilang sikat at mayaman! Dahil simple lang akong tao.

Nakaka hang out ko lang sila.

Nang dumating na ung Diane. Ang ganda niya. Kaya siguro siya nagustuhan ni Mara.

Mahaba ang kanyang buhok hanggang bewang at ang ganda ng kanyang mukha. Ang kinis!!

Well ganun din naman sina Agean Mara and friends.

Ako lang ata ang kakaiba sa kanila.

"Ay meet our new friend pala Diane. Si Erin." Si Trisha.

"Hello." Bati ko.

"Hello din!!"

At pagkatapos ay kumain kami sa isang mamahaling restaurant. Si Rina katabi ko ngayon dahil si Diane at Mara ang magkatabi.

Bakit ba parang may kumikirot sa puso ko? Wala naman akong sakit sa puso ah.

Nakikita ko kung pano mag usap sina Mara at Diane. Ung ngiti ni Mara abot langit.

Sht. Gusto ko tuloy mag banyo.

"Uhm Rina excuse lang ha punta lang ako sa washroom."

Washroom para susyal.

Nakaharap ako ngayon sa salamin. Hayyy ang layo layo ng itsura ko dun sa Diane.

Teka?! Arrrghh nararamdaman ko nanaman.

Simula ng makilala ko si Mara feeling ko may sakit nako sa puso?! Kinukulam niya ata ako e.

Nang uuwi na kami ay sumakay sa kotse ni Mara si Diane at syempre ako. Pero this time sa likod ako at sa harap si Diane at syempre si Mara.

Dahil nag kwekwentuhan sila.

Sina Agean and friends naman naka van.

Dapat dun nalang ako e.

She's Miss Perfect ( GirlxGirl )Where stories live. Discover now