Chapter 30

5.2K 88 6
                                    

Erin's POV

Nakaka walang ganang pumasok sa school ngayon.

Paano ko haharapin si Mara?

Hindi siya mawala sa aking isipan. Huhuhu.

Mula pagtulog ko at ng magising ako ay siya ang laman ng aking isipan.

Hayyyy

Nang marating nako sa university ay pumasok nako sa gate.

Hanapin ko kaya siya?

Hinanap ko si Mara.

At nakita ko siya bigla. Nag lalakad siya papunta sa banyo ng mga babae.

"Mara sandali!" Napatigil siya.

Tumingin siya sa akin.

May mga taong naka paligid din sa amin at balak ata nilang makinig sa amin.

Lumapit ako sa kanya.

"May kailangan ka?" Malamig na sabi niya sakin.

"Uhm. Ung kagab-." Hindi pa man tapos ang sasabihin ko ay inunahan na niya ko.

"Ung kagabi? Ano bang meron kagabi?" Nag fake laugh siya.

"Look Erin. Diba ikaw na din ang nag sabi sakin na baka nag jojoke lang ako or baka gimik lang yun? Pwes tama ka. Kaya wag mong masyadong seryosohin ha?" Tinapik niya ang aking balikat. At pumasok na sa ladies room.

Naiwan akong nakatayo dito sa hallway. Nag bulungan ang mga estudyante sa aking paligid.

Pakiramdam ko ay sasabog nako sa mga sinabi niya sakin.

Kaya tumakbo ako palayo.

Nag punta ako dito sa garden ng school. Umupo ako sa ilalim ng puno sa may damuhan.

Walang akong tigil sa aking pag luha. Napahawak ako sa aking dibdib. Pakiramdam ko kasi ay sasabog ito. Nakakakinis siya.

Totoo bang joke lang ang sinabi niya sa akin? O baka galit lang siya sakin?

Sht naman oh!!!

Nakayuko ako habang umiiyak.

Nang napansin kong may lumapit na babae sakin. Kaya inangat ko ang aking ulo.

"Pwede bang maki tabi?" Si Rina pala.

Tumango nalang ako.

"Eto panyo baka kailangan mo." Inabot niya sa akin ang panyo at kinuha ko naman at ipinunas sa aking mukha.

"S-salamat."

Pareho kaming naka sandal ni Rina sa puno. At naka tingin sa malayo.

"Palagi ka nalang umiiyak." Sabi ni Rina. Na nakatingin padin kami sa malayo.

"Palagi kasi akong nasasaktan eh." Mangiyak ngiyak kong sabi.

"Bakit pa kasi siya pa ung minahal mo?"

"Hindi ko din alam. Pero may magagawa paba ko kung siya ung pumasok bigla sa puso ko?"

"Meron."

"Paano?"

"Mahalin mo ako."

"Hindi naman kasi ganoon kadali yun." Sabi ko at nag fake laugh.

Nakatingin padin kaming dalawa sa malayo.

At nag fake laugh din siya.

"Ano bang nangyari?"

"Mahal niya daw ako."

She's Miss Perfect ( GirlxGirl )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon