Chapter 36

5.2K 88 2
                                    

Mara's POV

Naglalakad ako ngaun papunta sa classroom nila Erin dahil susunduin ko siya para sabay na kami mag lunch.

Nang makarating nako ay sumilip ako sa kanilang bintana at natanaw kona si Erin na inaayos ang kanyang mga gamit. Makita ko lang siya ay panatag at buo na ang araw ko. Napangiti tuloy ako mag isa dito. 

"Miss Perfect! Bakit ka nandyan. Pumasok ka kaya?" Si Agean na biglang sumulpot sa bintana.

"Eto na!" Agad agad nakong pumasok sa kanilang classroom.

"Mag lunch naman tayo sa labas!" Si Trisha na nilapitan ako.
At pinisil ang aking pisngi.

"Kayo bahala." Mainhin kong sagot at lumapit nako kay Erin.

"Pamsy! Goodmorning!!"

Sinuot niya ang kanyang backpack at humarap sakin at tinignan niya ko ng may halong pagtataka.

"Ano yang red sa mukha mo? Lipstick ba yan?" Nag cross arms siya at tinaas ang kanyang kilay.

Hala lipstick?! Wala namang humalik sa akin ah.

"Ha?" Pagtataka ko. Kinuha ko ang phone ko sa aking bulsa at ginawa ko itong salamin.

Wtf? Sinong nag lagay neto?!

"HAHAHA nambababae na si Mara!!" Halakhak ni Trisha at tumawa din sina Agean.

Sabi kona eh!! Kaya pala parang malagkit ng pinisil ni Trisha ang pisngi ko.

"Walang hiya ka Trish!" Binato ko siya ng nakita kong naka kalat na libro. Pero naka ilag din ito.

"Tumigil na nga kayo. Gutom nakooooo!!" Si Lira.

"Wait baby. Saan tayo kakain guys?" Si Trisha.

"Sa Fast food nalang para mabilis." Si Rina na naka sandal sa pader.

"Sige!!" Si Agean.

"Lets go!" Si Trisha.

Lumabas na kaming lahat sa classroom.

Una silang nag lakad at kami naman ni Erin ay nasa likod nila.

Hinawakan ko ang pasmado at malambot niyang kamay.

Dati dati ay naiirita ako sa pasmadong kamay pero ngayon parang hinahanap hanap ko na ang kamay ni Erin.

- - - - - - - - - - - -

Erin's POV

Nag sasakyan kami papunta sa kakainan namin.

Sari sarili sila ng gamit ng sasakyan. At syempre kami lang dalawa ni Mara sa sasakyan niya.

Kahit na medyo matagal na kaming mag kakasama ng mga kaibigan ni Mara ay medyo naiilang parin ako dahil iba ako sa kanila pero alam ko namang kaibigan na din ang turing nila sa akin at ganun din ako sa kanila.

"Lalim ng iniisip mo ah?" Si Mara na patuloy sa kanyang pag dri drive.

"Iniisip ko lang ung project namin." Pagsisinungaling ko.

Medyo tahimik ang biyahe dahil medyo masakit kasi ang ulo ko at sa tingin ko ganun din siya dahil late na kaming nakauwi kagabi. Pareho kaming pagod at alam kong mas pagod siya dahil siya ang nag drive.

Nang makarating na kami ay nag park muna siya at pagkatapos mag park ay pumasok na kami at nag hanap na ng mauupuan. Bali 6 kaming lahat. Hindi kona masyadong nakikita ung Anne.

Nasa gitna ako nina Rina at Mara. Si Mara naman ay naka akbay sa akin. ^-^

"Wait guys. Ako na ang mag oorder." Tumayo si Rina.

She's Miss Perfect ( GirlxGirl )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon