Chapter 6

8.8K 182 6
                                    

Erin's POV

Hanggang ngayon masakit padin ang likod ko dahil sa aksidente kahapon sa stairs at pati ang lalamunan ko dahil ang laki ng tinik na tumusok sa lalamunan ko. Nakakatakot na tuloy kumain ng isda at isa pa nakakahiya kay Mara dahil siya pa ang nag simay ng isda para sakin akalain mo yun ang isang napaka arteng babae sa mundo ay pang sisimay lang ako.

Papunta nako ngayon sa campus nag lalakad lang ako dahil nag titipid ako sa pamasahe. Para pag may gusto akong bilhin hindi nako manghihingi sa mga ate ko at paminsan nalang ako nag aalmusal para mas makatipid.

Nahihiya kasi ako sa mga ate ko sila ang nag papa aral sakin at sila ang gumagastos sa lahat ng gastusin ko kasi ang nanay ko hindi na nag tra trabaho dahil sabi ng mga ate ko sila na ang bahala sakin kaya ang nanay ko namamasyal nalang kung saan saan.

Ang tatay ko naman matagal nang patay bata palang ako nang magkasakit siya at namatay. Apat kaming mag kakapatid puro babae at ako nalang ang nag aatal dahil graduate na silang lahat.

Mga ilang minuto din ay nandito nako!

Sa wakas! Nakatipid nako sa pamasahe na exercise pa mga paa ko.

Didiretso na sana ko sa classroom ng makita ko si Mara at ang mga kaibigan niya para talaga silang mga anghel dahil tinitingala ng mga tao at hinahangaan.

Nakakainggit si Mara dahil nasakanya na ang lahat kaya siguro siya tinatawag na Miss Perfect.

Pero kapag nakakasama ko siya pag gagawa kami ng scale model parang simple lang siya pero kailangan mag iingat ka palagi pag siya ang kasama mo dahil ayaw na ayaw niya ang madumi at burara at mas ayaw niya ang clumsy o lampang tulad ko. Siguro naiinis siya sakin pag kasama niya ko dahil lahat ng ayaw niya sa isang tao ay nasakin.

"Erin?" May parang tumawag sa pangalan ko kay lumingon ako para malaman ko kung sino.

Parang pamilyar ang mukha niya.

"Erin?! Ikaw nga!!! Kyaaaaah!" Sabay yakap sakin ng lalakeng to.

Tinignan ko siya ng mabuti at.

"Stephen?!!! Ikaw naba yan?!"

Si Stephen nga ang highschool bestfriend ko. Isa siya sa mga naging kaibigan ko nung highschool. Akala ko hindi kona siya makikita dahil nung 2nd year hs ako lumipat siya ng school kaya si Rizza nalang ang naging kaibigan ko.

"Syempre!! Wala naman nag bago gwapo padin ako."

"Yabang! Pwera biro namiss kita long time no see."

"Mas namiss kita!" Nag tawanan lang kami ni Stephen. Ang payat parin ni Stephen at mukha parin siyang lampa katulad ko pero maputi naman siya. Nung highschool kami siya lang ang kakampi ko palagi dahil pareho kaming na bubully dati dahil wala kaming ka laban laban at si Rizza lang ang nag liligtas samin.

"Bakit ka nga pala andito?"

"Ahh kasi ung mama at papa ko may pinapagawang rest house at sabi nila dito nako mag college para mas malapit."

"Rest house?! Ang yaman niyo na talaga!"

"Ou heheh. Ano nga pala ang kinukuha mo?"

"Architect ako. Eh ikaw?"

"Engineer!"

"Talaga? Edi ang galing mo na sa math niyan."

"Hahah konti lang. Erin kunin ko number mo ha."

"Ou ba kunin ko din sayo."

Nilabas namin pareho ang aming cellphone at kinuha namin ang number ng isa t isa.

She's Miss Perfect ( GirlxGirl )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon