Chapter 4

8.9K 180 7
                                    

Erin's POV

Tok

Tok

Tok

Bigla akong napatayo sa kama ko bigla dahil parang may kumakatok

Hmmm sino kaya to kauma umaga e

Tumayo nako sa kama ko at para tignan kung sino ang nasa labas.

Pero nakalimutan ko naka sando lang pala ko. Wala akong bra at naka shorts ako pambahay kaya kumuha ako ng towel at ginamit ito pantakip.

Tok tok tok!

Ano ba yan hindi ba makapag hintay to.

"Sino ba yan ha?" Tanong ko sabay binuksan ko ang pinto

Nagulat nalang ako dahil si Tamara pala. Ay oonga pala pupunta siya dito para sa scale model na gagawin namin.

"Ah eh bakit ang aga mo ata?" Tanong ko sa kanya

"Bakit ba ang tagal mong buksan ang pinto hindi mo man lang ako papapasukin." Hindi niya sinagot ang tanong ko.

"Hah eh pasok ka." Pinapasok ko na siya habang napansin ko na hawak hawak niya ang mga pinamili namin kahapon.

"Pamsy ang gulo naman ng apartment mo parang dinaanan ng bagyo." Reklamo niya

Ay putek nakalimutan kong mag linis nakakahiya.

"Hindi na kasi ako nakapag linis ang aga mo kasing dumating."

"Tsk parang hindi ka babae ang burara."

"Sorry naman teka san ba tayo gagawa ng scale model."

"Gusto ko sana dito nalang kaso ayokong nakakakita ng madumi kaya sa bahay ko nalang."

Ang arte naman haish

"Okay cge pero maliligo muna ko."

Tumango nalang siya habang naka upo dito sa maliit na sofa.

Maliit lang apartment ko isang kwarto lang siya tutal graduate na lahat ng mga ate kaya ako nalang ang nag aaral samin at hindi kona kailangan ng malaking apartment.

Pumasok nako sa banyo tsaka nako naligo.

Habang nakatutok ang muka ko dito sa shower.

May parang sumigaw

"PAMSY MAY IPIS!" Nagulat ako nung sumigaw siya.

Hindi ko alam kung matatawa ako o lalabas ako don para ako ang pumatay sa ipis e pero natawa nalang ako dahil hindi rin ako malabas ng banyo dahil wala akong saplot sa aking katawan.

"HOY PAMSY! BILISAN MO NA DIYAN AYOKO NA DITO."

Sigaw nanaman niya.

Sabagay ni ako ayoko sa apartment na ito dahil ang daming insekto tulad ng gagamba ipis lamok etc.

Dahil din siguro hindi ako masyadong nag lilinis nakakatamad no.

"PATAPOS NA KO."

Agad ko nang pinatuyo ang sarili ko gamit ang tuwalya at nag bihis.

Pagka labas ko ng banyo kitang kita ko sa kanyang mga mata na badtrip na badtrip siya.

"Ano bang klaseng apartment to ha?! Ang daming kalat tapos may ipis pa nakakadiri!"

"Mga kaibigan ko sila wag mo silang pakekelaman." Biro ko sa kanya.

"Oonga e halatang kaibigan mo sila dahil kamukha mo." Sabay dinilaan ako na parang bata.

She's Miss Perfect ( GirlxGirl )Where stories live. Discover now