Chapter 54

5K 85 7
                                    

Erin's POV

Grabe. Ang sakit ng ulo ko

4am na kasi kami umuwi kagabi. Ang bilis ng oras.

Nako december 24 na ngayon ah? Noche buena na mamaya!

Matutulog pa sana ako ngunit napansin kona parang wala si Mara sa tabi ko.

Napatayo ako sa hinihigaan ko.

"Mara?"

Nag punta ako sa banyo para tignan kung nandoon siya.

Wala din siya. Hmm baka bumaba na? Ano nabang oras?

Tinignan ko ang orasan sa may dingding at 12:23pm na pala!

Oonga pala! Darating sina mama.

Nag madali nakong maligo at nag bihis at bumaba na ako.

Nakita ko na nag uusap usap sina Agean sa sala.

Pero hindi ko nakita si Mara. Ang akala ko ay bumaba na siya.

"Ui Erin! Gising kana pala. Lumabas ng saglit si ate Kath eh." Sabi ni Lira.

Lumapit ako sa kanila at umupo din sa tabi nila.

"Si Mara?"

Nag tinginan sila.

"Hindi ba mag katabi kayo?" Tanong ni Agean.

"Oonga. Pero pag gising ko wala siya sa tabi ko eh."

"Saan naman pupunta yon?" Pagtatakang sabi ni Rina.

"Nakita ko siya kaninang madaling araw. Lumabas kase ako para mag cr tapos nakita ko siyang bumaba ng hagdanan. Hindi kona siya tinanong kung saan siya pupunta kase baka pupunta lang siya sa kusina." Kwento ni Trisha.

Pakiramdam ko ay sasabog ang dibdib ko sa sobrang kaba at pag aalala.

"Wait tawagin ko." Kinuha ni Agean ang cellphone niya at tinawagan si Mara.

"Hindi niya sinasagot."

"Guys wag tayong mag isip ng masama baka may binili siya. Hintayin lang naten." Sabi ni Lira.

Narinig namin na may nag bubukas sa gate kaya napatayo ako at tumakbo sa pinto para tignan kung sino yon.

"Baka si Mara na yan." Sabi ni Rina.

"Si ate Kath." Malungkot kong sabi.

Nasaan ka ba Mara? Bakit pinag aalala mo kami ng ganito?

"Oh Erin bakit malungkot ka? Ipag luluto ko kayo ng kaibigan mo ng sinigang. Sina mama pala mamaya pang gabi darating."

"S-sige po."

Hinintay namin na bumalik si Mara ngunit malapit nang mag gabi wala padin siya.

Malapit nang mag dilim.

Nag aalala na kaming lahat.

Pati si ate Kath ay nag aalala nadin.

Nakaupo kami sa sala at nag hihintay padin.

"Guys hanapin na natin siya." Nag aalalang sabi ni Agean.

Nakikita ko din sa mga mukha nila ang sobrang pag aalala.

"Sige." Nag agree na ang lahat.

"Erin. Dito kana lang." Lumapit sa akin si Rina.

"Pero gusto kong tumulong sa pag hahanap!"

"Erin tama si Rina. Baka mapahamak kapa. Nangako kami kay Mara na pro protektahan ka namin." Sabi ni Agean.

"Madami nang nagawa s-si Mara sa aken. Palagi niya kong pinag tatanggol at kahit kailan hindi niya ko pinabayaan. Tapos ngayon na siya naman ang nasa panganib. Gusto ko na ako naman ang mag hahanap sa kanya. Parang awa niyo na hayaan niyo kong hanapin ko din siya." Pag mamakaawa ko sa kanila.

She's Miss Perfect ( GirlxGirl )Onde histórias criam vida. Descubra agora