Chapter 27

4.9K 95 0
                                    

Erin's POV

Nandito ako ngayon sa jeep.

Pauwi nako galing sa school. At eto na ang pang 10 araw na hindi ko siya nakikita.

Para akong baliw na nakatulala ngayon. Nakasilip ako sa bintana ng jeep at tulala sa daan.

"Miss Bayad ko paki abot! Miss?!"

"P-po?" Nawala ako sa pagiging tulala ng sigawan ako ng ale.

Kinuha ko ang kanyang bayad sa jeep.

"Manong para daw ho!!" Sigaw ko. At inaabot ang bayad.

At tumigil ang jeep.

Ay sht! Bakit ako nag para. Diba dapat bayad po?!

Waaaaa nakakahiya. Pinag titinginan ako ng mga pasahero.

"B-bayad po pala niya manong."

Inabot kona sa driver ng jeep ang bayad.

"Akala koba nag papara ka?"

"N-nagkamali lang ho ako ng sabi. Pasensya na po." At umandar na ulit ang jeep.

Sht! Nakakhiya.

Huhuhu..

Nang makarating na ako sa apartment ay humiga ako sa kama.

Niyakap ko ang aking unan.

Ilang araw na akong hindi makatulog ng maayos at hindi makakain ng maayos.

Sobra na ang pagod ng katawan ko.

Ang mga mata ko naman ay parang naka drugs. Pulang pula.

Wag naman sana akong mabaliw!!!!!

Waaaaaaaaa!!!! MARA!!!!!!

Hmm. Kung pumunta kaya ako sa bahay nila?

Arggh paano kung wala siya doon?

Pagod na pagod na ako kakaisip.

Tumayo ako sa aking kama at nag lakad ako papunta sa ref.

Tinignan ko kung anong makakain.

Wala namang makakain dito. Wala naman ako sa mood para magluto.

Nanlalamig ang aking pakiramdam.

Nilalagnat siguro ako.

Kailangan kong bumili ng gamot.

Lumabas ako sa apartment upang bumili sa botika ng gamot ko.

Sht. Nahihilo ako. Nanghihina ang buong katawan ko.

Ang layo pa naman ng mga bilihan ng gamot dito.

Makapag abang nga ng jeep.

Nang pumara nako ng jeep ay sumakay na ako.

Napapapikit ang aking mga mata.

"Miss okay ka lang?" Tanong ng katabi kong babae sa jeep.

"O-oo okay lang po ako. Salamat."

Nang makarating na ako ay pumara na ako.

Medyo malapit lang sa university namin itong drug store.

Arrggh asar. Sumakit bigla ang ulo ko!

Halo halo ang nararamdaman ko ngayon. Bwisit.

Umiikot ang paningin ko. Sobrang hilo na ako.

Hindi pa man ako nakakatawid ng daan ay biglang nag dilim ang aking paligid at bumagsak ako.

She's Miss Perfect ( GirlxGirl )Where stories live. Discover now