Chapter 34

5.1K 102 0
                                    

Haii guyss sorry ngayon lang ang update na hospital kasi ako T_T. Sana basahin nio padin ang story ko. Salamat!! ^__^.

- - - - - - - - - - - - - -

Erin's POV

"Eto magbaon kayo ng maiinom." Inabot sakin ni mama ang tatlong bottled water at nilagay ko sa backpack ko.

Pupunta kasi kami sa palayan at pupuntahan namin sina lolo.

"Mag iingat kayo." Si ate kath.

"Opo." Sagot ko.

Lumabas na kami ng bahay.  Kaming tatlo lang ni Mara at Erika ang pupunta kina lolo.

"Anong sasakyan natin pamsy?" Si Mara. Naka cross arms siya.

Naka shorts lang siya ngayon at naka white na tshirt.

Parang model ang dating niya talaga kaya nga mas lalo akong natotomboy sa kanya >_<. Habang tumatagal na nakakasama ko siya mas lalo akong naiinlove sa babaeng to.

Sabi ko sa kanya mag pantalon siya kaso mainit daw. Bwhaha tignan natin kung makakatagal ito sa bukid mamaya.

"Mag jeep nalang tayo."

"Gamitin ko nalang ang car ko."

"Nako ate Mara. Maputik po doon." Si Erika na nakahawak sa kamay ko.

"Ikaw kasi eh. Sumama sama kapa." Inis kong sabi sa kanya.

Inirapan niya ko bigla! Ang arte talaga ng babaeng to!!

"Wag na po kayong mag away. Ayan na ung jeep oh." Tinuro ni Erika ang jeep na paparating at pinara kona ito. Tumigil na ang jeep.

"Ano? Tara na." Pag aya ko kay Mara.

"Uhm K!" Sasama din pala ang dami niyang arte.

Sumakay na kami sa jeep. Kasyang kasya lang kami. Pero para kaming sardinas sa sikip. Nakakandong nalang si Erika sakin at si Mara naman ay katabi ko. Nasa bandang gitna kami.

"Ang sikip!" Sigaw ni Mara. Napatingin ang mga pasahero sa kanya. Hala mapapa away kami sa ka artehan neto e. Halatang hindi sanay mag jeep.

"Ahm eh m-masikip ang damit n-niya." Pinanlakihan ko siya ng mata. At inirapan nanaman ako.

Kinuha ko na ang pitaka ko at kumuha ng pamasahe.

"Bayad ho." Inabot kona ang bayad namin.

"Puro ka reklamo." Pabulong na sabi ko kay Mara.

"Eh. Bakit ba. Totoo naman eh ang sikip tapos ang baho pa ng katabi ko." Inis na sabi ni Mara sakin..

"Hayaan mo nalang okay?" Ngumiti ako sa kanya. At hinawakan ko ang kanyang isang kamay. Magkaholding hands kami sa jeep. Syeteee kinikilig ako. Ramdam ko ang pag init ng aking pisngi.

At mukhang nag work naman ang paglalambing ko sa kanya kaya nawala na ang inis niya sa mukha.

"Nahihirapan kaba? Ako na muna kakandong kay Erika." Mahinang sabi ni Mara.

Medyo malayo kasi ang bahay nina Lolo kara medyo nangangalay nadin ang legs ko.

Pero nakakahiya naman kung ipapakandong ko si Erika.

"Hindi. Okay lang ako."

Kita ko sa mukha niya na parang hindi naniwala na okay ako.

Kaya binuhat niya si Erika at inilipat sa kanyang lap. At ibinalik ang kamay niya sa aking kamay.

"Nahihirapan kananga. Ayaw mo pang umamin." Mahinang sabi ni Mara.

"Sorryyy poo at thank you."

She's Miss Perfect ( GirlxGirl )Where stories live. Discover now