Chapter 53

4.6K 83 3
                                    

Erin's POV

Hayyy salamat at nakarating nako sa bahay!

Kinabahan ako don ah?!

Bakit kaya siya nandito?

"Oh Erin pawis na pawis ka?" Tanong ni ate Kath sakin sabay kinuha ang mga pinamili ko.

"W-wala po."

"Sige doon na muna ko sa kusina."

"Teka ate tulungan na kita."

"Hindi na eh hindi ka naman marunong mag luto. Nga pala darating na sina mama bukas ha."

Si ate talaga. Marunong naman ako kahit konte hehe. Hala! Bukas na ang dating nila mama. Bat ang bilis naman ata?

"Ahm eh ate saan sila matutulog. Eh may bisita ako?"

"Edi sa kwarto ko. Malaki naman yon."

Agean's POV

"HOY RINSSS! Si Neil ba yon?" Hinila ko ang damit ni Rina habang nag lalakad sa mall.

"Ano ba masisira ang damit ko!" Sabay tinulak niya ko ng mahina.

"Shhh!! Si Neil oh! Sa may nike store." Nginuso ko ang nike store dahil papasok si Neil doon.

"Ha? Eh ano ngayon?" Sabay roll eyes niya saken at pinag patuloy ang pag inom ng mogu mogu niyang hawak.

Nako ang babaitang to! Mabatukan nga.

"Aray!! Bakit ba?" Sabay lumingon siya sakin.

"Nakalimutan mo na ba? Isa yan sa hinala natin na baka siya yung may balak na gumulo sa buhay ni Mara. Tignan monga. Hindi kaba nagtataka kung paano napunta yan dito sa pampanga? Paano kung sinusundan tayo." Bulong ko kay Rina.

Sumeryoso ang mukha ni Rina.

"Hmm sundan naten!"

Napaisip ako. Oonga no! Kung sundan kaya namin siya.

"Sige! Magandang ideya yan."

"Mwhaah exciting to! Para tayong spy! At tatawagin tayong spice girls! Hiyaaa!" Sabay nag ala ninja moves kaming dalawa.

Para kaming tanga na may payuko yuko pa at padikit dikit pa sa wall na parang ninja talaga.

Habang nag tatago kami sa isang maliit na stall ng hotdog ay hinihintay namin na lumabas si Neil sa Nike Store.

"Hindi kaya tayo mapagkamalang magnanakaw?" Tanong ni Rina.

"Tayo? Magnanakaw? Sa ganda nating to!" Sabay winagayway ko ang hair ko.

"Huy! Lalabas na siya!" Nataranta kong sabi at hinila ko ang braso ni Rina.

"Waiiit! Baka makita tayo! Follow me."

Sinundan namin si Neil. Almost 1hr namin siyang sinusundan sa mga palakad lakad niya. Pero ang napansin ko ay kanina pa siya patingin tingin sa cellphone niya.

Hanggang sa pumasok na siya sa isang restaurant at umupo. Mukhang napagod na ata siya.

"Hay nako! Nag sasayang tayo ng panahon sa lalaking yan eh! Wala naman tayong mapapala." Reklamo ni Rina.

"Ano ba! Konting tiis nalang. Lilibre naman kita mamaya! Alam kong gutom kana." Sabi ko. At napangiti naman ang loka!

After 10mins ay may biglang lumapit sa kanya na babae pero nakatalikod ito.

Sino kaya yon? Gf niya? Imposible naman yon! Dahil nililigawan niya si Erin.

"Rins. Diyan ka lang. Lalapit ako ng konti. Kailangan kong makita kung sino yung babae."

She's Miss Perfect ( GirlxGirl )Where stories live. Discover now