Chapter 2

62K 1.1K 10
                                    

CHAPTER 2

NAUNANG naglakad si Michael habang ako nakasunod lamang dito. Parang nakikipagkarera naman ang puso ko, tensyunadong masyado! Nang nasa elevator na kami, walang imikan. Pinagpapawisan na ako ng malamig dito. Nang nakarating na kami sa may ground floor, naisipan ko na magsalita.

"Ah Sir, siguro pwede namang ituro nyo na lang ang direksyon ng villa. I can go there alone, you know, baka may gagawin kapa~"

Hinarap nya naman ako, with his evil smile "You know woman, alam kong iniiwasan mo ako. tadhana na naglapit saatin. Di na ako nahirapang hanapin ka, urgh! we'll talk later", at naglakad na ulit sya patungo sa isang Hilux. Pinagbuksan nya pa ako ng pinto. Naging tahimik naman ang almost 10minutes na byahe. Mas mabuti narin kasi wala talaga ako masasabi sa nangyayare ngayon sa akin. Huminto ang sasakyan sa harap ng isang villa. Simple lamang ito pero classic.

Lalabas na sana ako ng sasakyan nya nang hinawakan nya ang braso ko.

"Diba sabi ko we will talk?", nakakunot noo'ng tanong nya saakin.

"W-what f-for", gahd! anong problema ng dila ko ngayon?!

"About us." sagot nya naman.

May US ba talaga kami? That was just a night stand! Wala naman yatang meaning yun. We were just horny that night.

"Kung yung nangyari kagabi ang inaalala mo, just forget it, mister. we both like it, right? hndi mo naman yata ako nabuntis diba, wala kang pananagutan sa akin.. so if you don't mind, lalabas na ako." i said it successfully!

"Yeah... i really like it", nakangiting sabi nya.

Andami kong sinabi, yun lang naintindihan nya? the hell out of him!!

"Don't get me wrong mister... I-I, I mean it's not..."

"You like it, you said~"

"Gahhhd!! sh*tty!! I mean, I didn't mean it! just... just forget it, would you!", pahesterikal na sabi ko sakanya. Halos pumutok ang pisngi ko sa sobrang kahihiyan ng pinagtawanan nya pa ako.

"Lalabas na ako, bitiwan mo kamay ko", pikon kong sabi sakanya.

"Hahaha. Ok ok. Seryoso na." at nagseryoso na nga mukha nya.

"Sobra akong nagulat nung nakita kong merong dugo sa bedsheet ko kaninang umaga"

Awkward nito! Bwisit!

"And so?" mataray kong sagot sakanya.

"You lost your virginity to me."

"Gahd! do we really need to talk about that?"

"Yea~ so.. miss Ignacio, accept may proposal, marry me"

Nanlaki na lang ang mga mata ko sa proposal nya at napatawa ng mapakla.

"Seryoso ako", merong pagbabanta sa boses nya.

"Like what i said, kani-kanina lang, wala kang pananagutan saakin." nabigla ako ng lumapit sya saakin, siguro four inches ang layo (nabilang ko talaga)

"Pero... ikaw may pananagutan sa akin"

G*GONG lalaki yun. Kung umasta akala naman ginahasa ko, akala naman nabuntis ko at talagang ~

"Huh! Tigilan mo ako! Hindi ako magpapakasal sayo", sabay tulak ko sakanya palayo.

"You know sweetheart, wala pang nakakatanggi saakin.. kaya don't play hard, um-oo ka na lang"
Lahat ng pagpigil ko sa sarili ko ginawa ko na, boss ko parin ang kaharap ko.

"Mister, sagrado ang kasal. Wag mong gawing dahilan ang nangyari saatin para magpakasal. At bakit ba gusto mong pakasalan ako? parang kulang na dahilan mo e. Ano ba talagang kelangan mo sakin?"

"Ms.Ignacio, enough reason nayun.. panu kung nabuntis kita? wala tayong proteksyon nun."

"Tigilan mo na nga yan! sh*t! nakakagago ka na! isang beses lang yun, still no ang sagot ko", hinugot ko na lahat ng lakas ko para mabawi na ang braso ko at makaalis na dito, I was about to turn my back, nang nagsalita ulit sya. Words na nagpaguho ng mundo ko.

"May sexvideo ako. It's me and you... sapat na yatang pang-blackmail yun diba?"

Halos malaglag na ang panga ko ng narinig iyon galing sakanya. BWISIT! SIRA NA NGA ANG BUHAY KO, SISIRAIN NYA PA! Ano bang problema nito saakin? Di ko sya maintindihan. Napakadesperado nya naman yata para iblackmail pa ako.

Napahiga na lamang ako sa kama at iniwan ang pag aayos ng mga damit sa closet. Hindi na maalis sa isip ko ang mukha ng lecheng CEO na yun. At yung VIDEO! Bwisit sa buhay.

Napabaling na lamang ako sa aking cellphone ng tumunog ito. It's her.

"What do you need ma?" pambungad kong tanong sakanya.

May kailangan ito.. Imposibleng tumawag sya para lang mangamusta.

"Good morning honey. How are you?"

"Anong kailangan mo?"

"Kasi...Sery.. Wala na kayo ni Richard diba?"

"Bakit? What's about him?"

"Anak, kasi ang Tito Lorenzo mo and Richard's father decided to arrange Richard and Danica's wedding"

Naputol ko na ang sinasabi ni mommy ng nagregister sa utak ko ang kanyang gustong iparating.

"Ma? Ano 'to?"

"Anak, magmemerge kasi ang kompanya ng Tito mo at kompanya nina Richard. Ok lang naman yun sayo diba?"

"Ma! He's my freaking ex fiancé! Bakit? Bakit sya pa? Pwede naman magmerge ang two companies kahit hindi sila ikasal!"

"Sery, ininform lang kita. Wala na tayong magagawa. I'll hang up na , may gagawin pa ako, bye. Take care honey", at binaba nya na nga ang tawag.

Nakatulala lang ako sa kawalan nangdahil sa mga nalaman.

1st day pa lang ng break up namin, goodness! Bakit andami yatang kamalasan na nangyayari saakin? Isa pa 'tong boss naming. Bwisit talaga!

Nagmadali akong nag-ayos ng naalala na dalawang oras lang pala ang ibinigay saakin nung g*go.

Io-orient din kasi saakin nung general manager ang usual events sa restaurant na imamanage ko.

Sumakay na lamang ako sa isang public SUV papuntang restaurant. Pagkarating ko roon agad ko namang nakita si Howard, the General Manager. Pinakilala nya muna ako sa mga empleyado roon. Sa may cashier, si Liza. 3 waiter , sina Niko, David at Pedro. Meron ring waitress, si Carmen. Pinakilala narin nya ako sa kanila. Mukha mababait naman sila. Naging magaan narin ang loob ko kay Liza nung nagkausap kami. Pala-kwento kasi siya at walang bakas ng katarayan.

Natapos ang araw ko ng walang Mr.CEO na gumambala saakin.

Salamat naman.

A Night Stand With Mr.CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon