Chapter 28

35K 654 1
                                    

SERENITY POV

"Good Morning babe", bati saakin ni Arthur sabay halik sa pisngi ko.

"Babe your face."

Natawa naman sya sa pagtataray ko.

"Haha, ba't kasi hindi mo pa ako sagutin. 5 years na kitang nililigawan tapos magkaibigan parin tayo?"

"Heh! Shut up Arthur. May asawa parin ako."

"Yea~ your usual excuse."

"By the way, na-board kana ng flight?"

"Yup, tomorrow evening 7pm flight ang nakuha ko."

After 5 years, babalik na ulit ako sa Pilipinas. Dun namin itinayo ang another branch ng cafe. And Arthur is my partner sa cafe, pinsan sya ni Kurt.

Inayos ko na ang mga gamit ko sa mini-office ng cafe. I will miss this place. Naramdaman kong niyakap ako ni Arthur mula sa likuran.

"Iiwan na natin ang munting palasyo natin dito sa France. How sad" pareho kaming natawa sa sinabi nya.

Sa loob ng limang taon, kami ni Arthur ang magkasama. Hmf,magka-live-in kami. Well, we're not lovers, he's my friend at parang kapatid na ang turingan namin.

"Gago."

"Mmmm. kaya mahal na mahal kita e', lakas mong magtaray"

"Heh! tigilan mo nga ako."

Sanay na ako sa pagiging malambing ni Arthur, ganito na ito simula pa nung lumipat ako dito.

"Serenity" biglang tawag nya saakin habang nakayakap parin saakin. Bakas sa boses nya ang pagiging seryoso.

"Hmf?"

"Babalikan mo pa ba sya?"

Biglang nagflash sa utak ko ang mukha ni Michael, it's been 5 years nang iwan ko sya.

"Sery" tawag ulit saakin ni Arthur humiwalay saakin saka hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

"I wish I came first."

Arthur is a good man. Magkaedad lang kami kaya nagki-click kami sa isa't isa.

"Sige, I'll go now. Ako na mag-iimpake ng gamit natin sa condo."

Tango na lamang ang naisagot ko. Kung pwede nga lang si Arthur na lang. Siguradong walang kaagaw, walang asawa't anak. Sa edad na 28, great bachelor parin. Naalala ko si Michael, 28 years old din sya noon. Binuklat ko ulit ang magazine na kahapon ko pa tinitingnan.

'A famous business man and the cheif executive officer of Montenegro Farm and Resort open a branch of their hotel in Italy and also his own version of Hanging Garden. According to him, this garden is has the same meaning with the old one." May mga latest picture nya ito with a boy. Siguro apat na taong gulang na iyon. Ito na yata ang anak nya. He looks happy with his son. Finally, naramdaman nya narin ang maging ama. I'm glad seeing him like this.

"You ready?" tanong saakin ni Arthur nang nasa NAIA na kami. Andito na kami sa Pilipinas.

"Yup."

1am na ng umaga. Sa condo ko kami dumeretso, two rooms na iyon kaya tamang tama lang saamin ni Arthur.

"May balak kang makipagkita sakanya?" tanong nya saakin habang nag-aayos ako ng mga damit sa closet.

"Hmf. Dapat lang diba. Pinadalhan ko sya ng annulment paper noon pero hindi ko naman naituloy ang pakikipag-annul. Di ko pa kaya noon e'. Siguro kailangan ko ng ituloy ngayon, kawawa naman yung anak nila. Ako pa ang magmimistulang home breaker dito"

"Then, you'll marry me" pabirong sabi saakin ni Arthur.

"Heh! Ewan ko sayo, puro ka biro" natatawang sagot ko

"Totohanan na lang kaya natin?" Nakangiti sya ngunit seryoso ang mga mata nya.

"Tumigil ka nga, dun kana sa kwarto mo! jetlagg lang yan" at tinulak-tulak ko pa sya palabas ng kwarto ko.

"Sige, good night my loving sweetheart" kinawayan nya pa ako.

Napawi ang ngiti ko nang may naalala sa itinawag nya saakin. Si Michael ulit.

"Hi Coleen" bungad ko kay Coleen ng tawagan ko ito sa telepono.

"Who's this?"

"Si Serenity 'to."

"S-sery?! Oh my God! Ikaw ba talaga yan?!"

"Hmf yea~"

"Asan ka? Almost 5 years kang nawala. Nag-aalala na kami sayo."

"Nasa condo ko. Kakauwi ko lang galing France with Arthur"

"W-what? Kasama mo yung pinsan ni Kurt"

"Yup, Tinawagan lang kita para ikaw na ang magsabi kina Kurt at Alysa, tomorrow ang openning ng cafe namin ni Arthur dito sa City. I'll text you the exact address"

"Wait Sery, kung kasama mo ang pinsan ni Kurt~"

"Yup, alam ni Kurt lahat."

Alam kong hahaba nanaman ang usapan kaya ako na mismo ang nag-end call. I need to rest, para wag mapuyat sa openning ng cafe.

Kinaumagahan ay nag-ayos na kami ni Arthur. Tinawagan nya narin ang ilan sa mga empleyado at magiging assistant ko daw. Ang totoo nyan, isang linggo lang dito si Arthur at babalik rin agad ito sa France. 9am ang openning ng cafe kaya hindi namin kailangang magmadali. Tinawagan ko narin si Coleen na magkita kita na lang kami sa address ng cafe na ibinigay ko sakanya kagabi. Namiss ko rin ang tatlong iyon. Limang taon rin ng huli ko silang makita, ano na kayang hitsura nila?

Gamit ang bago kong sasakyan, Vios, ay pumunta na kami ng cafe. Malayo pa lamang ay tanaw na tanaw ko na ang dalawang sasakyan, siguradong andito na ang tatlong iyon.

Pinagbuksan pa ako ni Arthur ng nasa harap na kami ng cafe.

"Arturo, may asawa yan tandaan mo" bungad ni Kurt saamin. Bigla naman akong inakbayan ni Arthur "Haha ayos lang insan, uso naman ang kabit. Kahit may asawa pa, madali na lang yan masusulot" sagot ni Arthur kaya nasiko ko.

"Aray naman babe"

"Sery!" tawag naman saakin ni Alysa na nagmamadaling lumabas ng cafe. Muntikan pang maputol ang ribbon.

"Omeged!" bigla nya akong niyakap. "Grabe! Tiniis mo talaga kami ng limang taon?!"

Mas nabigla ako ng dumating si Coleen at Howard. Ibang-iba na si Coleen ngayon, mahaba na ang kanyang buhok at wala na yung nakaka-intimidate na mga damit nya. At malaki na ang tiyan!

"Coleen! You're pregnant?" halos pasigaw kong tanong sakanya kaya kitang kita ko ang paglipat ng mga tingin mula sa mga bisita na nasa loob na ng cafe.

"Yea~ late ka na sa balita, 6 months na 'to."

"Ni-hindi ka pa nga kinakasal!" at binalingan ko naman si Howard na nag-iwas ng tingin at sumipol-sipol pa. Mabilis talaga ang lalaking ito.

"Huli ka ulit sa balita, next week na ang kasal namin" oh yea~ late na late na nga, ano bang inaasahan ko? Limang taon akong nawala kaya siguradong marami ng nagbago. Yung openning ng cafe ay muntik ng maging reunion. Naroon rin si Danica at Richard with their child, Baby Xian. Di ko akalain na may pamangkin na pala ako?! Pati narin sina Kuya Josiah at Kuya Jasper with their own family. Nakapag-settle down narin pala sila. Di ko inakalang magkakaroon pa ng asawa si Kuya Jasper, sa sobrang pagka-womanizer nito.

So far, naging maganda naman ang openning at may kunting pait rin kasi napagalitan ako ng husto ni Mommy and Daddy, that really shocks me! Nag-alala rin pala sila saakin. Para rin daw ako makabawi kina Coleen at Alysa, wag ko daw tanggihan ang pagyayaya nilang mag-bar hopping. Tinanggihan ko parin, may dinner date kami mamaya ni Arthur e'. Nainis tuloy saakin ang dalawa dahil palagi na lang daw si Arthur ang kasama ko kaya nangako narin ako na bukas na gabi na lamang ang pambawing bonding namin. Mabuti na lamang at napa-oo ko sila.

A Night Stand With Mr.CEOWhere stories live. Discover now