Chapter 13

35.9K 785 9
                                    

6th week of being pregnant.. every week sina samahan naman ako ni Michael sa pagpapa-checkup.

Every night ko rin napuputol ang tulog nya para lang sa hilaw na mangga. -__-

Andito ulit ako sa veranda, nagpipaint ng pangatlong painting for this week. Naibebenta ko naman through online buying. Nabigla ako nang nag-ring ang cellphone ko, wala naman akong inaasahang tawag ngayong araw.

Pagtingin ko sa screen, in-off ko agad iyon ng makitang pangalan ni Richard ang naka-register sa tawag. Mahal ko parin sya at miss na miss ko narin ang boses nya, pero kapag naiisip ko ang ginawa nya saakin nung araw na pinuntahan ko sya sa kanyang condo, nakakaramdam ako ng puot. Since high school magkaibigan na kami. I can't still accept that the boy I used to love back then, ay kayang gawin iyon saakin.

Tawag parin ng tawag si Richard ng mga sumunod na araw kaya nagpalit na ako ng number.

7th week of pregnancy.

Tumataba na ako. Nakakainis si Michael, binuhat nya ako kanina. At ito ang sunod na ginawa nya, inilapag nya ulit ako sa kama sabay sabing "Ang bigat mo na."

"SINASABI MO BANG MATABA AKO?!"

"Hmf.. parang ganun na nga.. " sabay kamot nya sa batok kaya ayon pinagpapalo ko ng unan. "MAGHIWALAY NA TAYO!! LUMAYAS KANA DITO!! BWISIT KA!"

Nataranta naman sya lalo na nang makitang naiiyak na ako.

Inamin nyang natatabaan na sya sakin.. hindi na ba ako sexy? baka sa susunod maghahanap na sya ng ibang mas curve at mas sexy na kesa saakin WTH!! why I'm acting like these?! tsaka ano bang pake ko kung mambabae sya?!

"A-ano... hindi, hindi ka mataba.. you're just fluffy... stop crying, sweetheart~"

"NO!! KAKASABI MO LANG E' NATATABAAN KANA SAKIN!! MAGSISINUNGALING KA PA!!?"

Nabigla ako ng yumuko sya at siniil ako ng halik kaya natahimik ako.

"You're gorgeous sweetheart, no matter what"

Pinaghanda ko ngayon ng pananghalian si Michael, dadalhin ko na lang sa opisina nya at para makapagpaalam narin ako para sa exhibit na gaganapin mamayang hapon, andun narin sina Alysa at Kurt.

Nagpaalam muna ako kay Manang Lita, hindi nya pa ako pinayagan nung una dahil mahigpit na pinagbabawal saakin ni Michael ang pag-alis ng bahay. Sinabi ko na lang na

magpapaalam din naman ako kay Michael. Pagkarating ko sa Resort, dumeretso ako sa Hotel. Nakasalubong ko pa si David (isa sa mga waiter) ..at sakanya ko nalaman na si Howard pala ang nag-substitute saakin. Nagpaalam din agad sya saakin dahil napag-utusan lang pala sya.

Dumeretso na ako sa 40th floor, kung saan ang office ni Michael. Pagkabukas na pagkabukas ng elevator, hindi ko na agad nagustuhan ang nadatnan ko. Si Michael na nakaupo sa swivel chair at may kandong na babae. I admit, mas sexy saakin ang babaeng iyon. Kahit malayo ako sakanila ay kitang kita ko parin kung gaano kalusog ang hinaharap nya na niluluwa ng suot nyang deep v-neck top.

Nalaman yata ni Michael ang presensya ko kay bigla nyang naitulak ang babae.

"S-serenity?" bakas sa boses nya ang kaba. Ba't naman sya kinakabahan? Hindi ko naman kaano-ano ang babaeng yan, hindi ako ang jowa ng babaeng kalampungan nya.

"Hmmf. naisturbo ko yata kayo.. hmmf, Michael, dadalhan lang kita ng pananghalian at magpapaalam sana ako na pupunta akong art exhibit mamaya.. I'm with Alysa and Kurt, so no worries" deretsong sabi ko sakanya.

Guilty parin ang mukha nya nang tumango ito. Bakit ba ganyan yan? baka naman may nagawang hindi ko alam.

"Hmf.. geh, alis na ako...siguro 5pm na ako makakauwi...", ani ko sakanya.

Wala na naman yata syang sasabihin kaya lumapit na ako sakanila at nilapag ko ang mga tupperware sa mesa nya. Nahuli kong nakatigtig saakin ang babae nya (her boobs are really disturbing...-___- masyadong malaki. Nakakainsecure tuloy 'tong akin)

"Hi" tipid kong sabi sakanya at nginitian sya saka lumakad na patungong elevator at dali-daling pinindot sa ground floor.

Ba't ganun? Ba't parang kumukulo ang dugo ko? Ba't parang naiinis ako?! Nagiging moody nanaman ako!! Ano naman ko kung may babae si Michael?! Ano namang pake ko?! He's just my husband!

Pagtunog ng elevator hudyat na nasa tamang floor na ako.

Paglabas ko, iniluwa rin ng kabilang elevator si Michael. Sinundan niya ba ako?

"Michael?" salubong ko sakanya. Sumibol ulit ang inis sa loob ko.. bakit ba?! ba't ako naiinis?!

"Lets talk" sabay hawak nya sa braso ko.

"Mamaya na pwede ba? malilate ako sa exhibit." sabi ko sakanya. Ba't tunong inis ang pagkakasabi ko nun?! what's wrong with me?!

"She's a college friend of mine.. I didn't expect na sya pala ang latest investor namin.. nag-usap lang kami, and I didn't expect that she'll try to seduce me, sweetheart."

"You like it, don't you?" inis na tanong ko parin

(ba't ba Serenity?! ba't ka nakakaramdam ng inis ha?!!!! ilang ulit na tanong ko sa sarili ko na hinding hindi ko nasasagot)

"No.. you're the only one I want to seduc me!!" naiinis nya naring sabi. Anlakas ng boses nya kaya pinagtitinginan na kami ng ilang mga empleyado at ilang turista.

"Would you please low down your voice?" Kailangan nya bang ipagsigawan iyun?

"Believe me.. please, sweetheart" and he trace my arms , tinunton nito ang mga kamay ko.. "Please, sweetheart" at hinalikan pa nya ang likuran ng palad ko.

Ba't nga ba sya nagpaliwanag? I didn't ask for it.

Di ko maintindihan ang nararamdaman ko, biglang gumaan ito. Why in a sudden?

"Alis na ako.. we don't need to argue" at binawi ko ang kamay ko. Mabuti na lang at di nya na ako hinabol, baka makarating ako sa venue na wala ng mga tao-__-

Pagkarating ko sa venue, sinalubong agad ako ni Alysa na halatang inip na inip na.

"Antagal mo Sery!! hindi ka man lang nagtext saamin na malilate ka"

"Ahmmf.. sorry, pinuntahan ko pa kasi si Michael para magpaalam"

"Gaga! parang under na under ka sa asawa mo ha!"

"I'm not!!"

"Pwes, yan ang nakikita namin, talagang pinuntahan mo pa sya, uso ang cellphone ngayon"

"Please stop Alys! pati ba naman dito kelangan kong makipagbangayan?"

Nabigla naman si Alysa sa biglang pagtaas ng boses ko.

"I-im sorry.. moody lang talaga ako" at niyaya ko na sya sa loob ng hall.

A Night Stand With Mr.CEOWhere stories live. Discover now