Chapter 4

50.2K 1K 16
                                    

"SO, pauwi kana ngayon?", tanong ni Coleen over the phone. Napatingin muna ako kay Michael na nagdadrive.

"Yup. On the way na kami"

"Kami? May kasama ka?"

"Ah, meron."

"Sino naman?"

"Basta, sige na. Ibaba ko na'to"

Parang nagsisisi na talaga ako sa pagpayag sa proposal nya. Sumama pa sya sa pag uwi ko ngayon. Mamamanhikan yata. AKALAIN MO YUN, MAY ALAM PA SA MGA GANITO? Akala ko ba 20th century na?

"Dapat lang malaman ng mga magulang mo na ikakasal tayo. Hahanapin rin naman sila nina grandma sa kasal natin" --ayan ang sinagot nya sakin nung tinanung ko sya kung bakit kelangan pang mamanhikan kuno.

Hay naku talaga! 3 oras lang naman ang byahe pabalik sa condo ko. Naging mapayapa naman ang naging byahe namin, nakatulog din kasi ako ng dalawang oras, pagkagising ko nasa City na kami. Tinuro ko narin direksyon kung sa'n ang condo ko. Mga ilang minuto, nakarating din agad kami.

"8am kina Mommy at dinner time naman kina Daddy", sabi ko sakanya bago lumabas sa kanyang Hilux.

"Huh? I don't understand, bakit hiwalay?"

"Kasi naman, aaya-ayain mo akong magpakasal, with blackmail pa ha. E di mo naman ako kilala", padarag kong sinara ang pinto. "Sige! Alis kana! bukas na tayo magkita"

"Aalis ka ngayong gabi?", tanung nya ulit. (dami pang tanung!)

"Oo." simpleng sagot ko.

"May ikikita ka? Sino?"

"Mga kaibigan ko. Sige na, alis na"

"Sa'n kayo magkikita kita?"

"Dami mong tanung ha, alis na nga"

"Saan sabi Serenity?" may pagbabanta na sa boses nya.

"Sa bar. May tanung ka pa?"

"Sasama ako. Hintayin na lang kita dito, ako na maghahatid sayo dun"

Aba naman!

"No need na. Kaya kong pumunta dun mag isa, at pwd ba kahit ngayon lang ha... wag ka munang makealam sa buhay ko", mukhang hindi nya naman inintindi ang sinabi ko

---"Basta sasama ako"

GAYA nga ng sabi nya, hinintay nya talaga ako sa labas ng condo ko. Chineck ko lang naman ang condo ko at nagpalit ng damit. Pagkalabas ko ng building, natanaw ko na agad si Michael na naka-lean sa kanyang sasakyan. Malayo pa lang ay kitang kita ko na ang pagkunot ng noo nya ng pinasadahan ako ng tingin.

"I don't like your dress.. change it", iyan agad ang ibinungad nya saakin ng nakalapit ako sakanya.

"Well, I didn't wear this to please you. Kaya wala akong pake kung hindi mo gusto ang damit ko"

"Pwede ba! malayo pa lang kitang kita ko na yang suso mo na halos lumabas na jan sa suot mo, at siguro kunting tuwad mo lang, makikita na yang pwet mo!"

Halos pumutok na ang pisngi dahil sa pinagsasabi nya (pwd ko na bang sampalin 'to?)

"Hindi ako magpapalit! wag mo ngang gamitin ngayon ang pagiging bossy mo~~", Nabigla ako ng lumapit sya saakin, sobrang lapit at hinawakan ang lace ng backless dress ko----

"Magpapalit ka o huhubaran kita?"

Ok, wala nanaman akong nagawa.. sumama na sya papasok ng condo (and thanks God walang nangyare LOL) Sya pa pumili ng isusuot ko, jeans and sweater. WTH. Natagalan pa dahil sa pagkontra, pero in the end, sya nanaman ang nasunod (namumuro na sya ha!)

Almost 10pm na kami nakarating sa 1997 (pangalan ng bar). 8pm narin kasi kami nakarating dito sa City kanina... at 2 oras pumili ng isusuot.

Nasa labas pa lang ng bar ay dinig ko na agad ang malakas na tugtug mula sa loob. Awkward lang ng kunti, dito kami nagkakilala ni Michael no'n, hindi pala nagkakilala, iba pala nangyari no'n.

Papasok na kami ng biglang hinarangan ako ng bouncer.

"Bawal ang minors dito" MINOR? ako??

"Excuse me? ako?", at tinuro ko pa ang sarili ko.

"Oo, kaya umuwi kana nene", napataas na lamang ang kilay ko.

"23 na sya, fiancee ko. Pwede na bang pumasok?", bigla namang sumulpot si Michael. Tagal kasing maglakad. Nung nakapasok na kami, hinigit ko na ang braso nya. Aabutin kami nito ng 12 pm sa sobrang bagal nyang maglakad.

"The hell with my outfit, napagkamalan pa akong minor.", bulong-bulong ko papasok ng bar.

Malayo pa lang ay tanaw na tanaw ko na sina Coleen, Alysa at Kurt sa usual table namin... at nahagip na ako ng mata ni Alysa pero inignora lang ako? Usually, malayo pa lang kakawayan na ako nito.. kahit nung nasa harap na nila kami, wala lang?

"Hey!" sigaw ko sakanila na ikanabigla nila.

"Who are you... Sery?" tanong ni Coleen.

"Hinu-who are you muna ako ngayon?"

"Hala. What's with that sweater and jeans?" tanong naman ni Alysa.

"Long story?" naguguluhan ko ring sagot (aba ewan! ang gulo namin ngayon) Naramdaman ko naman na may lumapat na palad sa bewang ko at napa-O na lang ang mga bibig nina Alysa at Coleen, at nakita ko namang kumunot ang noo ni Kurt.

"Bago mo?" nakakunot noo paring tanong ni Kurt.

"Ah eh~"

"Fiance nya, brad. Michael Santiago", pakilala ni Michael sa sarili nya at inilahad ang kamay kay Kurt. Nakipagkamayan naman si Kurt pati narin sina Coleen at Alysa.

"We're glad to meet you Michael.. pwede bang makausap muna namin si Sery." paalam ni Coleen dito.

"Ok. Go on", bigla bigla narin akong hinatak nina Coleen at Alysa. Di naman sumunod si Kurt, kausap sya ngayon ni Michael.

"Ano 'to Serenity?" madiing tanong ni Coleen.

"Ibang klase ka rin ha. Nakikisabayan kay Richard? isang araw pa lang kayong break noon, engage na agad sya. Tapos ngayon, ikaw naman? Isang linggo pa lang oh or let me say 6 days pa lang. Aminin mo nga, yun bang almost perfect relationship nyo ni Richard ay laro-laro lang?" walang prenong sabi ni Alysa.

"Totoo ba yung sinabi nung kasama mo ha? Engage na kayo?" tanong ulit ni Coleen.
"O baka naman, nanggagamit ka na ng tao ngayon, Sery ha. Gusto mo lang yatang ipamukha kay Richard na kaya mo rin syang palitan? Sery, sobrang desperada ka na. Ayusin mo 'to habang maaga pa. Iba na yata yang mga moves mo ." ani Alysa.

"Wait, wait, wait... pagsalitain nyo muna ako, pwede? Let me explain this sh*ts" at buti tumahimik sila.

Kaya ikinuwento ko sakanila ang lahat ng nangyari. Maliban sa blackmail thingy. Kilala ko ang mga 'to, siguradong gagawa 'to ng mga steps matulungan lang ako. Ok sana kaso baka sila pa ang pumalpak at mapapahamak naman ako sa video naiyon. Lalo na't alam kong tuso rin si Michael.

"So, pumayag kana agad na magpakasal nandahil may nangyari sainyo?" hindi makapaniwalang tanong ni Coleen.

"Yup"

"Ay Sery, antanda mo na, ang dali mo paring utuin. Hindi yun sapat ha!" halos pasigaw na sabi naman ni Alysa.

"Atsaka, ok narin 'to, may iba narin naman si Richard. I'm not getting younger, kelangan ko naring magsettle down" Naalala ko si Michael sa mga linya kong ito.

"Baliw! 23 ka pa lang Sery! Sobrang bata mo pa at sigurado akong hindi mo naman mahal ang Michael nayun. Alam namin na si Richard parin talaga ang mahal mo" sagot ulit ni Alysa.

"Hayaan nyo na ako dito sa disisyon ko" yun na lang ang huli kong sinabi bago kami bumalik sa table.

A Night Stand With Mr.CEOWhere stories live. Discover now