Chapter 17

32.5K 679 8
                                    

ALYSA POV

Tinalikuran kami ni Sery, umiiyak parin sya. She's hiding her face gamit ang isang unan. Naririnig parin namin ang bawat paghagulhol nya. Sobra nga talaga syang nasasaktan.

"Nagising na si Michael sa kabilang kwarto, hinahanap nya si Sery" pabulong na balita saamin ni Coleen.

"Paano na ito? Parang hindi pa makausap ng matino si Sery ngayon. Isang oras na syang umiiyak" ani Kurt.

"Sasabihin na ba natin na nagkamalay na si Michael? Kailangan nya ito para lumuwag luwag ang pakiramdaman nya" suhesyun ko sakanila.

"Hindi kaya mas lalong bumigat ang nararamdaman nya?" tanong ni Coleen.

"Kailangan nyang harapin 'to"

SERENITY POV

Ni-hindi ko sya narinig umiyak. Ni-hindi ko nakita ang unang pagmulat nya, pagkislap ng mata nya, mga pilantik ng pilik mata nya. Ni-hindi ko nalaman kung babae ba sya o lalaki, kung sino saamin ni Michael ang kamukha nya. Sabik na sabik ako sa batang iyon, mahal na mahal ko sya kahit hindi ko pa sya nakikita.

"Sery" mahinang tawag saakin ni Alysa pinili kong manahimik na lamang, mababasag rin naman ang boses ko kapag nagsalita pa ako.

"Sery, tama na yan. Hinahanap ka na dun ni Michael"

Mas lalo akong napahagulhol ng marinig ko ang pangalan nya. Paano kung malaman nyang wala na ang anak namin? This is my fault. Kung sana ay mas iningatan ko sya, wala sana ako ngayon sa posisyong ito.

"H-hndi ko p-pa kaya Alysa. Di ko alam kung paano ko sasabihin sakanya ang nangyari."

Natahimik naman sila. Nahihirapan narin silang mag-isip ng problema ko. Napahawak na lang ako sa tiyan ko at hindi mapigilang umiyak muli. My precious. My angel. I lost him.

"Sery, di ka pa ba babangon jan? Hinahanap kana ni Michael. Nagdududa na sya" sabi saakin ni Coleen. It's been two days. Ngayon ako makakalabas sa kwarto ito, I'm physically fine.

"Hindi nya pa alam na nawalan kayong anak. Wala pang tumatangkang magsabi sakanya. Ikaw ang inaasahan naming magsasabi sakanya, Sery" narinig kong dugtong ni Alysa.

"Unti-unti na syang nakakalakad, gusto mo ba talagang patagalin ito?" rinig kong tanong ni Kurt.

Hindi ko pa kaya e'. I lost our child. Pinabayaan ko, nagkulang ako.

Nabigla ako ng padarag akong pinaharap ni Coleen. "Stand up Sery! Imbes na magmukmuk ka jan, puntahan mo dun si Michael. Dalawang araw kana dito, iyak ng iyak ha. Tama na! Hindi para sayo ang batang iyon kaya let that child go!"

"Hindi mo kasi alam Coleen! Hindi mo pa naramdamang mawalan ng anak! Hindi ka pa kasi naging ina!"

Nabigla ako ng sampalin nya ako. Napahagulhol na lamang ako, hinang hina na ako sa mga nangyayari.

"Andaming similya ni Michael! Wag mong patayin yang sarili mo para sa isa! Hindi sya para sainyo, alin dun ang hindi mo maintindihan? Move on! accept it! Wala na sya, wala ng magagawa yang luha mo! So you better get up at ayusin mo yang buhay mo!"

"Tama na Coleen... parang pinapalala mo pa ha" inis na sabi ni Alysa.

Sa sobrang inis ni Coleen, padabog nya akong binitawan at lumabas ng kwato. Inalu naman ako ni Alysa.

"Tama si Coleen, Sery. Wag mong ikulong ang sarili mo dito, face it" sabi naman ni Kurt.

"Shut up Kurt. Isa ka pa!" inis na bulyaw ni Alysa.

"Tsk. Ikaw ang tumigil jan" Bigla nyang pinulupot ang kanyang braso sa bewang ni Alysa at kinaladkad sya palabas.

"Pakyu ka Kurt!" sigaw ni Alysa sa sobrang inis.

Tama sila. Siguro dapat ko na itong harapin.

Umuwi ako nang nagdapit hapon na. Hindi ko man lang sinilip si Michael sa kwarto nya. Ayon kina Kurt, bukas pa makakauwi si Michael.

Pagkauwi ko ay naligo at nag-ayos muna ako, saka bumalik ng ospital. Di ko na ipagpapabukas ito, kailangan ko syang makita at kailangan nyang malaman ang tungkol sa anak namin.

Nadatnan ko syang may kausap sa telepono.

"Yes yes Kris, and please cancel all my schedule tomorrow. Gusto ko munang makasama ang asawa't anak ko... yup...ok... bye."

Nag-unahan nanamang tumulo ang mga luha ko. Umaasa sya.

"Hon" mahinang tawag ko sakanya.

Bigla syang napaharap wearing his genuine smile. Kahit malayo ako sakanya, kitang kita ko parin ang pagkislap ng kanyang mga mata. Tatayo na sana sya para sumalubong saakin, nang bumaba ang kanyang titig sa tiyan kong hapit na hapit ng fitted top ko.

Napaupo ulit sya sa kanyang kama saka napasabunot sa kanyang buhok.

"Pa-paanong... a-nong nangyari?" naguguluhang tanong nya.
At sa kauna unahang pagkakataon nakita kong umiyak sya, mahina, pero ramdam ko ang sakit na dala-dala nya. Wala pa akong sinasabi, nagkaiyakan na kami.

"I-I'm so sorry" unti-unti akong lumapit sakanya. Nakayuko lamang sya habang nasa noo ang kanyang palad.

"I'm sorry Michael. Sorry. Sorry. Wala na sya." Lumuhod na ako sa harapan nya at ipinatong ang noo sa kanyang tuhod na natutukudan ng braso.

"Patawarin mo ako. Sorry. Sorry. Di ko sinasadyang mapabayaan sya."

Hindi sya sumagot. Humagulhol lang sya ng mahina. Ilang minutong ganoon ang posisyon namin. Hanggang sa bahagyang gumalaw sya kaya napalayo ako sakanya ng kaunti.

"Pwede iwan mo muna ako dito?" malumanay na pakiusap nya saakin at lumipat sya ng pwesto, nakatalikod saakin. Hindi ko sya macocomfort ngayon, dahil kahit sarili ko ay di ko na maalu.

Dahan dahan na lang akong lumabas ng kanyang kwarto at idinala ng aking mga paa sa prayer room. Wala paring tigil sa pag-agos ang mga luha ko. Sobrang sakit na itong mga nararanasan ko.

Napatingala ako sa pigura ni Jesus Christ. I can't blame him, sino nga ba ako para hindi makaramdam ng hirap?

Taimtim lang akong nagdasal. Pinapaubaya ko na sakanya ang anak namin. Totoong angel na sya ngayon. Sana, makayanan namin ni Michael ang pagkawala nya.

Hindi na ako bumalik sa kwarto ni Michael at umuwi na ng condo.

The next morning, nag-impake na kami ni Manang Lita at sina Howard at Coleen narin ang sumundo kay Michael. Hiniling ko rin na sa sasakyan muna ni Howard pasakayin si Michael. Kasi ang totoo nyan, natatakot akong makita ang paninisi sa kanyang mata. Nawalan na nga ako ng anak, masisisi pa ako. Sabagay, sinisisi ko naman talaga ang sarili ko. Ako naman talaga ang may kasalanan.

Nakauwi kami sa bahay ng 9am. Magkasunod lang ang sinasakyan namin sa sasakyan ni Howard. Inalalayan nilang makababa si Michael. Wala akong ginawa kundi panuorin sila mula sa loob ng sasakyan. Naduduwag akong lumapit.

A Night Stand With Mr.CEOKde žijí příběhy. Začni objevovat