Chapter 18

32.3K 699 3
                                    

"Sery, di ka pa ba jan bababa? nasa loob na sina Manang Lita at Michael, uuwi narin kami" sabi ni Coleen. Natagalan na pala ako dito.

Lumabas na lang ako at nakipag-beso sakanya.

"Sige, take care. papasok na ako ha" agad na saad ko at nagmadaling pumasok sa bahay.

Dumeretso ako sa kwarto namin, inakalang naro'n si Michael ngunit hindi ko pa nabubuksan ang pinto nang mapansin kong bukas ang pintuan ng nursery room.

Nilapitan ko ito para lang makita si Michael na pinagmamasdan ang baby crib.

Sabik na sabik syang maging ama...kung hindi lang sana ako nagkulang, hindi sana ito mangyayari.

"M-michael" tawag ko sakanya.

Ni-hindi nya ako hinarap. Siguro hindi pa sya handang harapin ang totoong nangyari.

"Hmf, p-punta muna ako ng Hotel. I-iwan muna kita dito" di ko na hinintay ang sasabihin nya at nagmadaling tinahak ang daan papuntang kwarto.

Di ko nanaman napigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Pumasok na lang ako ng shower room and let the water wipe my tears. Magiging ganito na lang ba ako?

Nagkasalubong pa kami ni Michael nang palabas na ako ng kwarto. Nagkatitigan lang kami, at ako na ang unang pumutol ng tingin. Hindi ko pa sya naririnig magsalita ngayon, siguro nga ay galit talaga sya.

Pagkarating ko sa restaurant, winelcome naman ako ng mga empleyado. Tatlong buwan akong nawala dito kaya kinailangan ko pang mag cope-up.

Masyado nga kaming naapektuhan ni Michael. Dahan dahang nawawalan na kami ng komunikasyon. Bihira na kaming makapag-usap. Buong araw nasa opisina sya habang ako bumalik na sa pagmamanage ng restaurant.

Kahit dinner hindi na kami nagkakasabay. Uuwi ako nang wala pa sya, uuwi sya tulog na ako. Iisang higaan lang ang gamit namin ngunit parang pagitang ng araw at buwan ang layo namin sa isa't isa. Ano pa nga bang halaga ng marriage namin? Wala na naman ang anak namin.

"Sinasabi ko sayo, Sery, wag kang padalos dalos jan sa mga disisyon mo" paalala saakin ni Coleen, na ka-video call ko ngayon.

"Coleen, hindi ko na kasi makita ang halaga ng kasal namin. Wala na naman kaming anak. Kung magkakaganito lang naman kami, I want him to set me free. This is not my dream marriage life."

"Sery, pag-isipan mo yang mabuti. Almost three forth of your life na pinag-uusapan natin dito. Ayusin mo yang sarili mo, Sery."

Napahawak na lang ako sa pagkabilang gilid ng mata ko para pigilang maluha.

Bawat araw na nagdadaan mas lalong napapalayo ang loob namin ni Michael sa isa't isa, I think we both need space and time to think.

Nang nag-out na ako, 9pm. Dumeretso na ako sa opisina ni Michael. Ito na lang naman ang paraan para magkausap kami.

Pagkatapak ko sa tamang floor, dumeretso ako sa glass door. Bubuksan ko na sana iyon, nang tumagos ang tingin ko kay Michael na may kandong na babae, naghahalikan.

May uminit na likido sa aking mata at biglang may bumara sa aking lalamunan, ang bigat sa damdamin. Simula yata ng mawala ang anak ko, tuluyan ko ng hindi nakokontrol ang nararamdaman ko, I look vulnerable.

Inayos ko muna ang sarili ko atsaka pumasok sa kanyang opisina.

Bigla nyang itinulak ang babae kaya sumalampak ito sa sahig, siguro naramdaman nya ang presensya ko.

Napaharap sya saakin, sa una, mukha syang batang naka-basag ng pinggan ngunit bahagyan nag-iba ang ekspresyon nya. Imigting ang kanyang panga at seryosong tumingin saakin.

He's different from Michael I used to know.

Hindi kagaya noon, na talagang sinundan nya pa ako para lamang magpaliwanag. Iba ngayon, kasi hindi ako buntis huh? I want him to explain what I saw, pero bakit naman sya mag- eexplain? Halos wala naman yata akong pakinabang sakanya, I'm not baring his child anymore.

"Sorry for the interruption, gusto lang kitang makausap. Kaya kung pwede palabasin mo muna ang babaeng yan. Mamaya nyo na lang ituloy" pero kung hindi na kayo makapagpigil, you can cut your penis then tack it to her. Syempre di ko na dinugtong iyon. Kahit papano nakokontrol ko pa naman ang pananalita ko.

Tiningnan nya lang ang babae at kusa na iyong lumabas.

"Anong pag-uusapan natin?" It's refreshing, hearing again his voice. Parang taon ang binilang ko bago marinig ulit ang boses nya.

"I-I want to see our video"

"Video?" nagtatakang tanong nya.

"I'm referring to our sexvideo you used to blackmail me, Michael" hindi ko na maiwasang pagtaasan sya ng boses.

Hindi sya sumagot, nanatili syang nakatingin saakin.

"Michael, where is it? Please, give it to me." pagsusumamo ko.

"You'll watch it? We can just makelove~"

"Just give it to me! Pinakasalan na kita diba? Kaya dapat nasaakin na iyon!" What if~ wala talagang video?

"I lied" dalawang salita na nagpaguho ng mundo ko.

"Y-you mean?"

"Wala... walang video."

Napasinghap na lamang ako. Wala nga talagang video. Walang video, hindi na ako buntis, and there's no love between us. Siguro ay one sided lang. Yup, I love this man infront of me. Habang sya, ginusto nya lang ako dahil dinadala ko noon ang anak nya.

"Ok. Siguro, it's time for us. I'll contact our family lawyer. I will file an annulment case."

Matapos nun ay hindi na sya nagsalita, lumabas ako ng opisina nya nang walang Michael na pumigil saakin. Siguro nga ay ito rin ang gusto nya. He want also to be free, siguro ay nararamdaman nya ang pagiging bilanggo sa kasal namin.

"You what?" tanong ni Alysa dahil sa pagkabigla.

"Papa-annul ko na ang kasal namin, there's no use to be with him, wala na. Wala na lahat ng pwedeng idahilan para mag-stay kami sa isa't isa"

"Hindi mo sya mahal?" biglang tanong ni Kurt na nagpatahimik saakin.

"Mahal mo sya? Ba't pakakawalan mo? Andyan na diba, asawa mo na" dugtong ni Kurt.

"But it is one sided love. The worst is to think that the two of you can't be together even your love for each other is unbreakable, The worse is to have him but he can't love you the same as you love him" mahinang tugon ko.

"Tinanong mo na ba sya?" tanong naman ni Alysa.

"I did before. Ang sabi nya he don't know. Sinabi nya lang na gusto nya ako."

"Time passed Sery, tinanong mo ba ngayon?" tanong naman ni Kurt.

"Hindi sya makikipaghalikan sa iba kung mahal nya ako"

Hindi naman nagtagal ay nagpaalam na sila. Ine-remind lang nila na andyan sila palagi para saakin and I'm so thankful to God that I have them.

In-off ko na lang ang tablet at natulog na. Kagaya ng mga nakaraang gabi, natulog akong wala pa sya.

A Night Stand With Mr.CEOWhere stories live. Discover now