Chapter 29

36.1K 674 5
                                    

Dinala ako ni Arthur sa isang Luxury Restaurant. Di halatang nagwawaldas ang lalaking ito. Nakaka-concious lang dahil puro lovers at family ang nandito sa restaurant. Well, friends naman kami ni Arthur kaya binura ko ang mga pag-iisip. Sya na ang nag-order for me at nagpaalam muna ako na pupunta ng Wash room para makapag-retouch. Madali lang akong nakapag-ayos ng sarili at lumabas din agad ako ng ladies room. Babaybayin ko na sana ang daan pabalik ng table namin nang mapansin ko ang batang nasa harap ng men's room. Mukhang hirap na hirap isara ang zipper ng shorts nya. Kaya nilapitan ko na.

"Hey little boy, you need help?"

Hinarap nya lang ako at biglang tumalikod saakin.

"I don't let a girl fix my zipper for me" supladong sagot nya saakin. Siguro nasa apat na taong gulang ito. He's so cute! Little gentleman.

"I think you need my help. Let me help you, I won't tell to others that you let a girl fix your zipper, trust me" dahan-dahan itong humarap saakin.

"You won't?" paniniguro nya. Ang cute nya talaga. Kung sana ay nabiyayaan lang ako ng anak.

"Yes, I won't. Come here."

Lumapit naman sya kaya inayos ko na ang zipper ng shorts nya. Mukha pa syang nahihiya.

"Menard! Andito ka lang pala" halos manigas na ako sa pagkakaupo nang marinig ang boses mula sa likuran ko.

Tumayo ako para harapin sya. Ibang iba na sya sa dating Michael na iniwan ko. Iba parin talaga kapag nasa harapan ko na sya. Ibang iba sa mga picture na nakikita ko sa mga magazine. Mas nararamdaman ko ang intensity sa mga mata nya kapag personal na. Mas naging toned din ang katawan nya, parang ginugul sa gym ang buong limang taon.

"Hi, Michael. Ito na ba sya? I just help him" sabay lahad ng kamay ko sa batang tinawag nyang Menard.

"He's so cute at gentleman. I like your son" nakangiting dugtong ko sakanya. Mukhang wala naman syang balak na magsalita dahil nakatitig lang ito saakin.

"Dada, where's mommy?" tanong sakanya ni Menard.

"Sige Michael, I have to go. Nice meeting you again and Menard."

Aalis na sana ako sa kinatatayuan ko nang may bigla akong naalala.

"Hmf, Michael. Naalala ko, we need to talk about our married. Masyado ng over due ito, hindi parin na-aannul. Sa dati parin ba ang condo mo dito sa City? Pupunta na lang ako roon para mapag-usapan natin. Sige, I'll go now."

"Natagalan ka yata?" bungad saakin ni Arthur.

"May tinulungan pa kasi akong batang lalaki roon. Hirap na hirap isara ang zipper" nakangiting sagot ko sakanya.

Hindi parin maalis sa isip ko ang batang iyon. Sana ako na lang ang ina nya.

"Kaya naman pala abot langit yang ngiti mo, may bata ka nanaman kasing nakita."

"Alam mo naman, gustong gusto ko talagang magkaanak pero imposible na e'"

"Gawa na lang tayo, gusto mo?" at ginalaw galaw nya pa ang kilay nya.

"Gago, ito gusto mo?" at itinutok ko sakanya ang kubyertos na nahawakan ko.

"Haha just kidding babe. Pero pwede ring totohanin."

"Heh! Shut up!" at inirapan ko na sya.

Matapos naming kumain ay nagyaya narin akong umalis sa lugar naiyon. Nakasabay pa namin sa may exit sina Michael, Menard at Jenny. Ibang iba narin si Jenny. Hindi na sya yung dating b*tchy girl na kinaiinisan ko noon. May kaaya aya syang tingnan ngayon. Plain purple knee high dress ang suot nya at isang flat shoes. May kagalang-galang.

A Night Stand With Mr.CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon