Chapter 26

32K 673 5
                                    

Napatayo ako mula sa pagkakaupo sa malamig na pavement sa labas ng bahay nang may natanaw akong sasakyan na palapit. Inayos ko ang mga bag at maleta sa tabi ko nang inakalang si Coleen na iyon. Ngunit mali, si Michael pala na nagmadaling lumabas ng kanyang kotse at lumapit saakin. Hinawakan nya rin ang maleta ko at hinigit papasok ng gate.

"Michael! Napag-usapan na natin ito, itindihin mo naman ako."

"Dapat ikaw ang umintindi saakin. Inaamin ko, nagkamali ako. Pero, isa lang iyon. Isang beses lang. Unconciuos ako nun. Can't you accept my imperfection? Akala ko ba mahal mo ako. You won't leave me if you truely love me" paghihimutok nya.

"Ano ba, Michael! This world is not just about You and Me! Mas matanda ka sakin kaya dapat naiintindihan mo ako! May anak ka! Your own blood and flesh. Maging responsible ka naman, don't be too immature! ayokong maging selfish dito. Ayokong pagkaitan ang batang iyon ng pamilya. Kaya for the last time, hinihiling kong pakawalan mo na ako. Don't make it hard."

Buti at biglang dumating si Coleen.

"I have to go" at padarag kong binawi ang maleta ko. Tinalikuran ko na sya ngunit hindi pa isang hakbang ang nagagawa ko ay niyakap nya na ako mula sa likuran. Hindi pa nakisama ang langit at biglang bumuhos ang ulan. Shit! Yung gamit ko!

"Please, Serenity for the last time, hinihiling ko rin na wag mo 'kong iwan."

Pigil na pigil ang paghinga dahil alam kong kahit anong oras, ngangawa narin ako dito. Baka bumigay rin ako. Baka hindi ko na sya maiwan na alam kong mali. Mas masakit nga talagang maghiwalay kung mahal nyo pa ang isa't isa. Break-up with Richard wasn't painful like this. Ayokong pagkaitan ang batang iyon ng pamilya, paulit-ulit kong paalala sa sarili ko.

"Bitiwan mo na ako. Wag mong hayaang sumibol ang galit saakin. Bitiwan mo ako kung ayaw mong pagsisihan kong minahal pa kita."

Siguro ay nanghina sya dahil sa sinabi ko kaya nabitawan nya ako. Nagmadali akong umalis sa kinatatayuan namin at binitbit ang mga gamit ko. Tinulungan narin ako ni Coleen sa pagbitbit ng mga gamit ko kaya pati sya ay nabasa ng ulan. Gabing gabi na ngunit napagpasyahan pa rin naman na umuwi ng City. Nagpahatid na lang ako sa bahay ni Daddy. Hindi ako pwede sa condo baka pumunta roon si Michael. Mabuti na lamang at wala sina Daddy at Tita Bernadette, nasa isang business trip daw sa Paris. Nagpaalam narin saakin si Coleen, magkikita raw sila nina Alysa at Kurt. Di nya na ako niyaya dahil alam nyang kailangan kong magpahinga.

"Sery" rinig kong tawag saakin ni Kuya Josiah mula sa may pintuan ng guest room habang inaayos ko ang mga gamit sa gilid ng kama. Hindi naman ako magtatagal dito. I have plans.

"Yes Kuya? tuloy ka."

"May problema ba?" agad nyang tanong at naupo saking tabi.

"N-nothing Kuya."

"Alam kong meron. I can be your shoulder to cry on, Sery. Anong problema nyo ni Michael?"

Natahimik na lamang ako. Hindi ko alam kong dapat ko bang sabihin kay Kuya Josiah ang problema namin.

"Sery" tawag ulit saakin ni Kuya Josiah para mabawi ang atensyon nya.

"Tell me."

"I can't give him a child. 1% lang ang possibility namin na magkaanak pa."

"That's not a problem if the two of you are really inlove with each other."

"And, he has a child with other woman~"

"WHAT?! nabigla kami ni Kuya Josiah sa biglaang pagsalita ni Kuya Jasper na nasa may pintuan narin.

"Sinong may anak sa iba?" madiing tanong ni Kuya Jasper. I know him, willing yan makipagpatayan kapag may nanloko saakin kaya nga hindi ko sinabi sakanya dati ang pakikipaghiwalay saakin ni Richard.

"Asawa nito" sagot ni Kuya Josiah.

"Dvmn, who he think he is to dump you? That son of the b*tch! Patayin ko na ba sya?"

Alam kong hindi yan nagbibiro kaya agad na akong napailing.
"No! Jasper! Asawa ko parin yun!"

Jasper ang tawag ko sakanya kapag naiinis ako o kaya naman kung seryoso ako.

"Talagang pinagtatanggol mo pa ha. Matalino ka, alam mong ginagawa ka ng tanga nyang asawa mo~"

"Kaya nga makikipaghiwalay na ako" biglang putol ko sa sasabihin nya.

A Night Stand With Mr.CEOWhere stories live. Discover now