Chapter 22

34.5K 707 3
                                    

"Akala ko ba investor lang yung Jenny McBride dito?" biglang tanong ko kay Liza.

"Ai hindi maam. Ang pagkakaalam ko po kasi jan e, matagal ng may balak may merge ang kompanya nung mga McBride dito sa Montegro Resort and Farm. Kaso hindi natuloy dahil iba ang napangasawa ni Sir Michael at ikaw yun Ma'm. Kaya, business allies na lamang sila."

So...ganun ba iyon?

Nasa kalagitnaan ako ng pag-oorganisa ng mga gawain, nang matanaw si Michael sa mga bukana ng restaurant. Naparito 'to? Mabilis kong itinahak ang pinto ng aking mini-office nang makitang papalapit ito saakin. I'm about to hold the knob nang naunahan nya ako at hinigit ako papasok.

"What now?" inis na tanong ko.

"Pati ba naman si Jenny pag-aawayan natin?" tanong pabalik saakin ni Michael.

"Nag-aaway ba tayo ha?"

"Ano satingin mo 'to? alam kong galit ka sakin ngayon."

"Then" walang ganang dugtong ko.

Hinawakan nya ang magkabilang pisngi ko at ginawaran ng mabilis na halik sa labi.

"Sweetheart?"

Nag-iwas ako ng tingin. "Dalawang beses ko na kayong nahuli ng babaeng yun. Ano satingin mong mararamdaman ko? Inaasahan mo bang kaibiganin ko yung babaeng iyon?" inis na tanong ko.

At mas lalo akong nainis nang tumawa pa siya.

"Ang cute talaga ng asawa ko kapag nagseselos" at kinurot kurot nya pa ang pisngi ko na agad ko namang hinawi.

"Leche! Seryoso nga kasi! Gago ka ha, naghalikan pa kayo nun sa harap ko tapos tawa-tawa ka ngayon? Lumayo ka nga sakin!"

Marahan ko syang itinulak at tinalikuran. Hinawakan nya naman ang braso ko para pigilang talikuran nya.

"Sweetheart?" nangungusap nyang taong. Mukha kami ditong teenagers na nagliligawan. Ipinuwesto nya pa ako sa unahan nya at niyakap mula sa likuran.

"Sorry na nga. Kahit wala naman akong kasalanan"

"Umalis kana lang kaya dito!" inis kong bulalas sakanya.

"Ito naman hindi mabiro. Pwede ba kasing eexplain ko muna sayo ang mga nangyayari?"

"Sige. Limang segundo."

"Grabe naman 'to."

"Bilis na!"

"Ok, Sya ang humalik saakin noon. Childhood friend ko si Jenny together with Howard. She's my first, in everything...first hug, kiss and even~, you know but definitely not in love. We've been fvck buddies way back high school life. Even when were in college. Tumigil lang kami nang nagka-boyfriend sya noon. Hindi naman sila nagtagal noon dahil nagmigrate sa Paris si Jenny. My grandma already choose Jenny to marry me noong hindi pa kita kilala then now. She was saying that she love me, nakakaramdam na daw sya ng ganoon. Ngunit nilinaw ko naman na kaibigan lang ang turing ko sakanya at nakababatang kapatid, yun lang. Kaya sana wag mo ng bigyan ng masamang kahulugan yung samin ha. Di ako nagpaliwanag noon dahil akala ko wala kang pake, akala ko ok lang sayo kahit may babae pa ako so what the use of explaining diba? Now, Sweetheart, don't be cold at me."

Imbes gumaan ang loob ko mas nainis pa ako, hindi dahil kay Michael at mas lalong hindi dahil sa Jenny na iyon. Naiisip ko lang ang mga pinagsamahan nila. Nakakainsecure. Kahit wala silang seryosong relasyon, once they shared same bed, hot nights. They've been good friends since then. Habang kami ni Michael? Nagkita lang sa isang bar. And with no formal courtship. Ni-wala ngang formal introduction. A simple 'marry me', naging mag-asawa kami without getting-to-know. Ni-hindi ko pa nga alam yung favorite song nya, food, color, movie, coffee flavor, music...ang alam ko lang He's Michael.

The next two days are less stress. No hassles in work, no war between me and Michael, no Jenny. Sana nga lang ganun na lang forever, ngunit kagaya nga nang sabi nila, 'walang forever' and this day came.

Sunday, may family dinner kami kina Madam Victoria. Family ngunit kami lamang tatlo nina Michael at Madam. Namomoblema ang Pilipinas dahil sa pagtaas ng populasyon habang dito naman samin nagkukulang. Labas pa lang ng mansion ni Madam Victoria, alam ko na agad na may ibang bisita ito dahil sa civic na nakapark sa parking area. Pinagbuksan ako ng pinto ni Michael nang nasa harap na kami ng main door.

"Ako na" sabay bawi saakin ni Michael nang favorite wine ni Madam Victoria bilang pasalubong namin. At inalalayan nya akong bumaba ng sasakyan. Tinahak namin ang daang papuntang loob ng bahay nang marinig namin ang pamilyar na boses.

"Yes Lola, he's doing well. You really trained him well." Sa arte pa lamang ng boses nya ay alam na alam ko na agad kong kaninong boses iyon. She's here?

Derederetso lamang si Michael habang ako bumabagal maglakad na nakasunod lamang sakanya. At hindi nga ako nagkakamali sa hinala, nandito si Jenny kakwentuhan ni Madam Victoria. Napatayo silang pareho nang makita kami ni Michael. Ikinagulat ko ang madatnan sya dito ngunit mas nagulat ako na halos pumutok na ang ulo ko sa inis nang binati nya ang asawa ko at hinagkan ito sa pisngi, or let me say, sa gilid na halos dikit na sa labi ni Michael. Fuck!

Binati naman kami ni Madam Victoria at nagpasalamat sa pasalubong namin sakanya. Nagpaalam naman ito para maayos na ang dinning area. Kaya ang naiwan sa sala ay kaming tatlo nina Michael at Jenny. Ako lang yata ang may mali dito, nilinaw na naman ni Michael na magkaibigan lang sila pero nag-iisip parin ako ng iba tungkol sa kanila. Nagkwentuhan pa sila sa harap ko, topic pa nila ay yung college friends nila. Pilitin ko man na sumali sa usapan ay hindi ko magawa, ano bang alam ko jan sa college friend nila gayong hindi ko naman sila kilala noon.

A Night Stand With Mr.CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon