Chapter 21

34.6K 736 5
                                    

SERENITY POV

Nagising na lamang ako dahil mararahang haplos sa pisngi ko. Mukha agad ni Michael ang bumungad saakin.

"Don't leave me" imbes na 'good morning', ay iyan agad ang ibinungad nya saakin.

Niyakap nya pa ako at ibinaon ang kanyang ulo sa may pisngi ko.

"Please. I'm begging you, don't leave me. Stay with me please" pabulong nyang pagsusumamo. Naramdaman ko naman ang likidong dumaloy sa pisngi ko, galing sakanya. Umiiyak sya?

"I love you, Sweetheart. You're the meaning of me. So please, don't leave me."

Napakagat na lamang ako ng labi. He's inlove with me? ito na ba iyon?

"Di ko kayang maiwan pa ulit. Wag ngayon, wag ikaw. Please. I'll be good."

"Napabayaan ko yung anak natin~"

"No no. Wag mo ng sisihin ang sarili mo. Wala kang pagkukulang. Ako, ako ang may pagkukulang napabayaan kita. Give me a chance to be a good husband and be the mother of my child. Sweetheart, stay with me."

Halos maiyak narin ako sa tuwa. I pull him closer at sinuklian ay mga yakap nya. "I won't leave you, you're my life and I love you, why would I leave you?" nanunuyang tanong ko.

"You what?"

"What?"

"You said what?"

"That I won't leave you?"

"No, the other one."

"Hmf... that you're my life?" natatawang tanong ko.

"Then? after that?"

"And I love you?"

"Ulitin mo nga."

"Alin?"

"Yung sinabi mo."

"I love you."

"Ulitin mo pa."

"I love you?"

"Jesus! I love you too, sweetheart" at madiin nya akong hinalikan, agad naman nyang ipinutol at ipinagdikit ang noo namin.

"Akala ko hanggang panaginip lang ito. You love me."

"Yea~ I love you, kelangan talaga paulit ulit?"

Love, yan na ang naging strong bond namin to stay together. Hindi na dahil sa anuman na video at hindi dahil sa pananagutan nya saakin. Malaking improvement ang pagbabati namin. Naramdaman ko ulit ang pagkakaron ng partner, kasa-kasama at tao naryan palagi para saakin.

Nagluluto ako ng breakfast namin nang maramdaman ko ang pagyakap ni Michael mula sa likuran ko.

"Nakapusod ang asawa ko ha...inaakit mo ako nuh."

"Gago"

"Namiss ko talaga yang pagtataray mo" at naramdaman ko ang pagdampi ng labi nya sa batok ko.

"Michael!"

"What?"

"Lumayo ka nga dito, istorbo."

"Istorbo na pala ako ngayon ha" at ang gago kiniliti pa ako.

"Bwisit talaga~"

Natigilan kami nang may nagdoorbell.

"Ako na" agad na sabi ko kay Michael nang tangkang aalis sya. Tinahak ko ang daang papuntang gate just to welcome this girl. Actually she's not welcome. Pinagbuksan ko sya.

"Where's Michael?" agad na bungad nya saakin.

"Anong kelangan mo sakanya?" walang emosyong tanong ko pabalik. Ito ang dalawang beses kong nahuli na nilalandi si Michael. At ang gagong yun, nagpapalandi naman.

"E' kung tawagin mo kaya ang asawa mo. As if naman sayo ako may kelangan ha."

Nagawa pa talaga akong sagot-sagutin ng isang ito. Napangiti naman ako sa bagay na pumasok sa utak ko.

"Hmff. tulog pa e', napagod kagabi. Halos naka-limang round kami e"

Napangiwi naman sya sinabi ko. Ano ka ngayon? Asawa ko na yung nilalandi mo.

"Wala naman akong pake. Just call him or if you don't mind, papasukin mo naman ako, bisita ako ng asawa mo."

"But you're not welcome, dear. Bahay ko rin 'to e at hindi naman kita bisita."

Napangisi naman sya at bumulong-bulong pa. "Immature" rinig kong bulong nya.

"Huh? What did you say?" inis na tanong ko sakanya.

"Just call your husband, we will talk about businesses you wouldn't understand."

Napatirik na lamang ako ng mata, she has the guts to talk to me that way, huh?

Magsasalita pa sana ako nang sumulpot sa tabi ko si Michael "Jenny?" rinig kong tawag nya sa babae.

"Haay! Thank God, lumabas karin. We need to talk. We have a problem" anas ng babae, with pa-hawak hawak pa sa kanyang ulo.

"Kailangan talaga idala pa dito yang probema nyo?" I can't help it, kating kati na ang dila ko dito. Di ko nagugustuhan na pumupunta ang taong ito sa bahay namin.

"Sweetheart, pumasok ka muna" bulong saakin ni Michael.

"What Michael?" inis na bulalas ko.

"Shhh. We'll talk later. May kelangan lang kaming pag-usapan"

Pinapaalis ba ako dito ng asawa ko? Wala na akong nagawa. I give it up now. Binalingan ko muna yung Jenny na nakataas ang kilay tsaka bumaling kay Michael na parang nakikiusap ang mga mata. I can't believe it!

"Ok, fine!" at padabog akong pumasok ng bahay.

Pinapasok naman ni Michael si Jenny sa bahay. Nasa sala lang sila at may pinapakitang papel si Jenny kay Michael. At oo, nakikita ko sila, naka-cross arms lang akong nakatanaw sakanila mula sa may edge ng hagdan. Habang nakikita ko sila, di ko maiwasan maalala ang natagpuan ko noon. Naalala ko pa kung paano nya ako tiningnan noon. Ni-hindi nya pa naisipang magpaliwanag. Hindi pa pala namin ito nasusolusyunan. Alam kong ako lang ang may problema dito but for Pete's sake, corny na kung corny pero relasyon namin ito. Selos at pangangaliwa, dapat namin yan problemahin. Hindi man ikakabusog ng mahihirap o hindi man ikakayaman ng bansa, kami 'to e. Solusyunan muna namin ang saamin. Mababaw na problema, at ako ang nagpapalaki pero ano nga bang magagawa ko? Nahuli ko sila at asawa ako. Ano bang reaksyon ang inaasahan nila?

Nagkulong lang ako ng kwarto nang mga oras na nag-uusap ang dalawa. Bahala sila kung anong gawin nila dun sa bababa. Naiinis ako, oo. At hindi ko man alam ang side ni Michael, di ko maiwasang mainis sakanya. Nahuli ko sila noon, sana naman gumawa sya ng paraan para mawala sa landas namin ang babaeng yan.

Ilang oras pa ang nakalipas nang may narinig akong mga katok sa pinto.

"Sweetheart, bakit naka-lock ang pinto?" malambing na tanong nya.

Lumabas na lamang ako ng nakapang-alis na damit.

Namutla si Michael "S-saan ka?"

Sinimangutan sya. "Papasok yata? dahil Saturday pa lang ngayon at hindi pa day-off?"

"Di ka sasabay saakin?"

"Wag na. Busy ka pa diba?" mataray kong tanong. Lalagpasan ko na sana sya ng nahapit nya ang braso ko.

"Is this about Jenny?" nakuha nya rin.

"And what's about her?"

"Are you jealous, Sweetheart?" panunukso pa saakin? Wow ha! Nagagawa pa nya. Galit na 'to, hindi na selos.

"No. Why would I? Bitawan mo nga ako, I have to go" at padarag kong binawi ang kamay ko at iniwan sya sa kanyang pwesto. Tinawag nya pa ako ng ilang beses ngunit hindi ko na pinansin.

A Night Stand With Mr.CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon