Chapter 25

33K 704 12
                                    

Naayos ko na ang gamit ko para makapag-log-out na sa work.
It's Monday evening. Siguradong marami nanamang inaasikaso si Michael sa opisina nya. Napagpasyahan kong dalhan na lamang sya roon ng dinner. Inayos ko muna ang sarili ko nang nasa elevator pa ako. I know he's not alone there, kung hindi si Howard, baka si Jenny ang kasama nya. And I'm fine with them.

Tumunog ang elevator, tanda na nasa tamang palapag na ako. Pagkalabas ko ng elevator, tama nga ako, he's not alone, naroon si Jenny. At parang may ibang nangyayari. Mukha silang nagtatalo, halos di nila ako napansin. Bahagya kong binuksan ang glass door at malinaw kong naririnig ang pinag-tataluhan nila.

"I'm pregnant!"

"W-what?" dismayang tanong ni Michael.

"I said, I'm pregnant! At ikaw ang ama! Luis, panagutan mo ito hindi mo naman yata hahayaang lumaki ang anak natin na dalawa ang kinikilalang ina diba?" inis na bulalas ni Jenny.

Words repeating in my ears. "ikaw ang ama" in affair ba sila? Bigla kong nabitiwan ang mga tupperware na hawak ko, sapat para mabigla sila at mapansin ang presensya ko.

"S-serenity?"

Palagi na lang ba sa opisina nya? bakit dito sa opisinang ito laging may mga hindi kanais nais na bagay akong nakikita at naririnig?

Jenny just smirk at me. Who's immature who now?

Magsasalita pa sana si Michael nang itinaas ko ang isang kamay ko para pigilan syang magsalita.

"Narinig ko Michael. I want you to explain this. Jenny, could you please leave us?" mahinahon kong sabi sakanya.

"Sure" matigas nyang sagot.

At lumabas nga sya at dumeretso sa elevator. Better. Para pagkatapos nito ay hindi ko na sya kailangang iwasan.

"So explain everything, Michael" Kahit may bumabara parin sa lalamunan ko. I still manage to ask him. Itinukod nya lang ang kanyang kamay sa kanyang lamesa at yumuko.

"Wag kang manahimik Michael. Magsalita ka. Magpaliwanag ka. Wag mong hintayin na magkasakitan pa tayo dito" matigas na utos ko sakanya.

Umiling iling lang sya at hindi parin nagsalita.

"Michael, look at me." Lumapit na ako sakanya. Tanging lamesa lang ang namagitan saamin. Matigas ang ulo, ayaw humarap saakin.

"I said Look at me!" bahagyang umangat na ang tuno ng boses ko. Inuubos nya na ang pasensya ko. He's guilty!

"Fvck it! I SAID LOOK AT ME!" bahagya kong naigalaw ang lamesa nya sa sobrang inis. I want him to deny! I want him to say that I misunderstood everything.

"Nagkamali ako" maikling sagot nya habang nakayuko.

"W-what? explain please, honey. Tell me everything"

"I was drunk that time. That was last month. Jenny's birthday party"

Naaalala ko iyon. Naroon ako kina Coleen noon. May problema sina Coleen at Howard noon and I was the one who comfort her. Hindi ko inakalang pati si Michael may kinomfort ding iba.

"That's it, di ko maalala ang nangyari. I just woke up in bed with her. I don't know."

Mabibigat na singhap na lamang ang nasukli ko. My heart is shattering into pieces. Ngunit hindi ako nakararamdam ng galit. I'm just in pain. Napaupo na lamang ako sa upuan kaharap ng lamesa nya, ganun din sya sa kanyang swivel chair. Nang-iinit ang gilid ng mata ko ngunit parang tigang na ilog ang mata ko dahil walang luhang bumubuhos dito. I wish at least a drop.

"I-I don't know what to say" mahinang sagot ko sakanya.

"Sorry" tugon nya naman.

Mahabang katahimikan ang namagitan saamin.

"I used to be a home breaker. Wala akong ginagawa pero simpleng presensya ko lang ay nagkakasira sina Mommy and Tito Lorenzo, sina Daddy at Tita Bernadette. You know who I am in my family, ako yung anak sa labas. Masakit iyon. Purong pagkakamali ang mabuhay ako. Siguro hindi sapat ang pagkamatay ng anak natin para hiwalayan kita~"

Mabilis syang lumipat sa harap ko at nagsquat sa harapan ko at hinawakan ang magkabilang kamay ko.

"No, please, no" rinig kong bulong nya.

"Sana maging sapat na ang anak nyo para ikaw na mismo ang mang-iwan saakin. Michael please" at hinaplos ko ang pisngi nyang nakayuko parin.

"No Serenity, maaayos natin ito. Please don't be mad at me"

"Shhh. Hindi ako galit pero ito ang dapat, maghiwalay na tayo Michael."

Nawalan na ako ng pag-asa saamin. Hindi na talaga pwede. Kung si Jenny lang naman, kaya kong ikulong si Michael sa mga braso ko, ngunit kung yung bata ang magiging kalaban ko, it's my weakness. Hindi ko masisikmura na may batang makaranas ng naranasan ko nandahil saakin. Niyakap nya ako hanggang bewang. Bakit ba mas pinapahirap nya pa ang sitwasyon. He need to understand my point.

"Sweetheart, please. Stay."

"Believe me, I want to stay. Pero Michael, masakit e' mahal mo ako diba? I know, so please let me go. Hinding hindi na ako magiging masaya sayo. Hindi rin naman ako sasaya kapag wala ka pero alam kong mas gagaan ang loob ko kung papakawalan mo ako"

Mas lalong humigpit ang pagkakayakap saakin. Kumawala ako sa pagkakayakap nya pero masyadong mahigpit ang pagkakayakap nya.

"Let me go"

"NO WAY!"

"Ano ba Michael! Stop hurting me! Wag mo ng palalain 'to. You have your child. Then now, I'm setting you free!"~

"I DON'T WANT TO BE FREE, shit! Hold on please, I'm begging you to hold on!"

"Ilang beses na ba tayo pinaghihiwalay ha. Ito na Michael, we're not meant to be!" at tinulak tulak ko na sya ngunit para syang linta na hindi maalis alis saakin.

"I don't fvckin care!"

Tumayo na ako at buong lakas ko syang tinulak.

"I'm leaving~"

"Sere~"

"Pero babalikan pa kita."

"Thanks" agad nya sabat saakin.

"With the annulment papers."

Magsasalita pa sana sya ngunit nagmadali na akong umalis. Pagkapasok ko ng elevator saka pa tuloy tuloy na tumulo ang mga luha ko. Minahal ko na kasi sya. Sya na e', tapos biglang ganito?

"Coleen, nasa labas na ako ng bahay namin."

"Sige, siguro five minutes pa, I'm driving" sagot naman ni Coleen over the phone.

I'm leaving him for good.

A Night Stand With Mr.CEOWhere stories live. Discover now