Chapter 20

33.8K 719 3
                                    

MICHAEL POV

Nang ikinasal kami ni Serenity, halu-halo ang naramdaman ko. Masaya dahil pang-habang buhay na kami, ngunit malungkot rin dahil ang babaeng ito ay hindi magiging masaya sa piling ko. Nanaig parin ang pansariling kagustuhan ko, hindi ko inurong ang kasal para sakanya. Lalo ako naging masaya nang malamang buntis sya. Ganito pala ang pakiramdam ng magiging ama. Ang magkaroon ng junior, o kaya prinsesa. Sila na ng magiging anak namin ang buhay ko, sakanila na nakadepende ang bawat pagtibok ng puso ko at paghinga ko.

Nang naaksidente ako, dalawang tao lang ang naisip ko para lumaban, ang asawa ko at magiging anak namin. Alam kong hindi naman masyadong masasaktan si Serenity kung mawala man ako, sino nga ba ako diba? Yung lalaking blinackmail sya para lang pakasalan, pero lumaban parin ako dahil hindi ko kayang mawalay sakanila. Gusto kong maranasan maging ama sa anak namin. Ngunit parang hindi ko na mararanasan iyon, nang makita ko si Serenity na walang bakas ng pagiging buntis. Iyak sya ng iyak noon, wala akong nagawa kundi umiyak rin. Masakit malaman na isang linggo akong natulog...isang linggo lang, nawala ang anak namin. Sya ang ina kaya alam kong saaming dalawa, sya ang mas nasasaktan. Ni-hindi ko nagawang aluhin sya, dahil kahit ako, sobrang nasasaktan rin. I can't stand for us, dahil nanghihina rin ako. Sising-sisi ako. Dapat hindi ako naaksidente, edi sana naalagaan ko pa sila.

Nang bumalik na sya bilang manager, kunti o halos wala nang kaming oras para sa isa't isa. Iginugol ko ang aking sarili sa pagtatrabaho para lang kahit papaano ay makalimutan ko ang nangyari sa anak namin. Siguro nagiging mababaw na ako, masisisi ba ako? Sabik ako sa batang iyon, iyon na sana ang unang anak ko.

Kapag umuuwi ako, tulog na sya. Laging may bakas ng luha sa pisngi nya. Halos gabi gabi kong binubulong sakanya ang paghingi ko ng tawad. Nahihirapan parin sya dahil sa pagkawala ng anak namin. Hindi ko kinakayang makita syang ganito, at anghina ko dahil hindi ko maalis ang lungkot sa mga mata nya.

Yung gabing nahuli ako ni Serenity na may kahalikan. I want to explain, I want to bend my knees infront of her 'Serenity, it's not what you think...she's a b*tch who initiate the kiss. Hindi ko ginusto iyon' I want to say that words to her. Pero hindi ko nagawa. Bakit ko naman gagawin pa diba? Noong may ganito syang eksenang nadatnan sa opisina ko rin mismo, she didn't care. Ano nga bang pake nya diba? lalo na ngayong wala na naman kaming anak na umuugnay saamin. Umigting ang panga ko ng maalala ang mga araw naiyon.

Binati nya pa noon yung malanding investor namin. Kagaya ng inaasahan ko, wala nga talaga syang pakealam, pinaalis nya lang si Jenny.

'mamaya nyo na ituloy iyan'

Masakit isipin na wala syang pakealam kong may babae man ako.

Hiningi nya ang sexvideo namin. At nang wala akong naibigay "It's time for us. I'll contact our family lawyer. I will file an annulment case"

Nanigas ako nang marinig ang mga sinabi nya. Ni-hindi ko sya nagawang sundan. Napasabunot na lamang ako sa sarili ko at binalibag ang mga bagay na nahahawakan ko. She'll going to leave me! Walang sexvideo, hindi na sya buntis. Wala na bang ibang paraan para pumirme sya saakin?

Hindi muna ako umuwi ng bahay, dumeretso ako sa club na lagi naming pinupuntahan ni Howard. Nagpakalunod ako sa alak. Isang pagkakamali ang pakawalan sya. Kung pwede nga lang na ikulong ko sya sa kwarto namin ay gagawin ko para lang wag nya akong iwan. Yea~I'm insane. Takot lang akong mawala sya. Sya na lamang ang meron ako.

Kahit lasing na lasing ako, pinilit ko paring magmaneho nang kotse. Natawa na lang ako sa sarili ko nang hindi ko maipasok ang susi. Wala nga talaga ako sa wisyo. Inilakad ko na lamang ang distansya ng bahay namin at ng club. Awa ng Diyos, nakauwi rin ako nang buhay. Natumba pa ako sa may hagdan. Imbes na mainis, tinawanan ko pa ang katangahan ko.

"SERENITY! OPEN THIS DAMN DOOR!" mukha ako ditong sigang asawa pero ang totoo, takot iwan nito.

A Night Stand With Mr.CEOWhere stories live. Discover now