Chapter 5

46.1K 918 2
                                    

PATAGO namang itinuro ni Kurt ang kanyang cellphone, problema nito? Naramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko nasa aking bulsa. Nang tiningnan ko, may isang unread message from Kurt. Ang kulit lang, magkaharap kami pero nagtetext parin.

"Hoy Kurt! Problema mo? Magkaharap lang tayo tapos ni-tetext mo pa ako?" Pinanlakihan nya naman ako ng mata. Problema nya? Binuksan ko na lang ang cellphone ko at binasa ang mensahe nya.

(SMSFR kurt: grabe naman 'tong fiance mo.. napaka-possesive.. wag na daw kitang kausapin.. 'imposible na ang babae lalaking kaibigan na walang malisya', yan yung sabi nya.. ayaw nya na daw malamang nakikipaglapit ako sayo... ')

Nang ibinaling ko ang tingin ko kay Michael. Ang talim na ng tingin nya kay Kurt. Para maputol yung electrifying gaze nya, binato ko ng orange na nasa drinks ko. Lokong 'to, nanakot pa talaga.

Nakanguso at nakakunot noo namang napabaling sakin si Michael. Akala naman cute sya nya.

"Gago"

Napaka-control freak talaga ng g*gong 'to. Ni-hindi ako pinayagang sumayaw. Ni-hindi ako pinayagan kahit one shot ng whiskey. Si Richard never akong kinontrol ng ganito noon. (iba nga kasi sya)

Almost 1am naman namin napagpasyahang umuwi na. Hinatid rin naman ako ni Michael sa condo ko. Buti at hindi nangulit na makitulog. (wala akong pake kung sobrang late na, basta hindi sya matutulog sa dito).

SAKTONG 8am, sinundo na agad ako ni Michael. mabuti na lang at nagising ako ng 7 kaya tamang tama lang para makapag-ayos. Pupunta kami ngayon sa bahay nina Mommy.

Kinakabahan din naman ako sa mangyayari at natatakot, na baka iparamdam naman ni Mommy na wala syang pakealam kung ano man ang mangyare saakin.

25minutes lang ang byahe at nakarating na kami. Binati kami ng gwardya at mga katulong, at least sila winewelcome ako.

"Asan sina Mommy?" tanong ko kay Manang Nena.

"Nasa dinning area hija".

Tinanguan ko na lamang sya at dumeretso sa dinning area. Nakasunod lang sa akin si Michael.

Pagkarating namin. "Richard, ano ka ba. Si Serenity ang may hilig sa chicken! Alergic ako jan!" rinig kong inis na sabi ni Danica.

"Ah ganun ba."

Napatigil ako sa paglalakad ng narinig ko ulit ang kanyang boses.

I really missed it. I missed him. Naramdaman naman ni mommy ang presensya ko kaya~~

"S-sery? anong ginagawa mo dito?"
Sa simpleng tanong lang ni Mommy, nadurog na agad ako. Sa simpleng pagtanong nya kung bakit ako nandito, libo libo ng mensahe ang naiisip ko. Bakit ako nandito? Dahil ba hindi dapat ako dito? Dahil ba ayaw nya akong makita?

"Good morning Ma" pinilit kong ilakad ang mga paa ko at pinuntahan si Mommy para halikan sa pisngi.

"Good morning Tito" at tinanguan rin si Tito Lorenzo.

"Sino sya?" tanong ni Mommy sabay turo kay Michael.

Napabaling rin ako kay Michael na nakatayo lang sa may dulo ng mesa. Sasabihin ko bang fiance ko ang taong ito sa harap ni Richard?

Lumingon rin ako kay Richard na hindi makatingin sa akin. Sakanyang pinggan lang sya nakabaling. Natahimik pa kami ng ilang segundo at si Michael na ang nagsalita.

"I'm her fiance, Ma'am. Michael Luis Santiago"

Napabaling kami kay Richard ng padarag nyang ibinagsak ang kanyang kobyertos. Is he affected?

"Are you related to Madam Victoria Montenegro Santiago of Montenegro's farm and resort?" tanong ni Tito Lorenzo kay Michael.

"Yes Sir, she's my grandmother."

"Ohh. Nice catch to you Serenity" saad saakin ni Tito.

Nakatingin lang ako kay Richard, hinihintay na magsalita sya. Na sabihin nya ang saloobin nya tungkol sa pagiging engage ko, pero wala. Wala syang sinabi. Walang pakealam sa nangyayari. Ni-hindi ako ginagawaran ng kanyang paningin.

"No Sir, I'm the one who catched her" Napabaling ako kay Michael na nakakunot noo'ng nakatingin kay Richard.

"Wow! that's great. Doble wedding pala ang mangyayari. This year din ba?" masayang tanong ni mommy.

Masaya yan kasi alam nyang wala ng kahati yung isa nya pang anak. Sabihin ng nag-oover think lang ako, pero yun ang nararamdaman ko e. Noon pa man gustong gusto nya na si Richard para kay Danica.

"Yes, Ma'am. actually this month na" sagot naman ni Michael.

This month talaga? Ba't di ko yata alam?

"That fast? Oh well, disisyon nyo yan. Wag mo na pala akong i-ma'am, Tita na lang. Anyway, join us" at inilahad nya ang kamay sa dalawang upuang nasa tabi nya.

Nasa kanan ko si mommy. Kaharap ni mommy si Danica, katabi ni Danica si Richard, kaharap naman ako ni Richard at nasa kaliwa ko naman si Michael. Kaya unfortunately, wrong choice ang inupuan ko.

"Grabe ka Serenity. Ganyan ka kadesperadang palitan si Richard", natatawang tanong saakin ni Danica.

Nagtama ang mata namin ni Richard ng bumaling sya sakin, yung titig nyang alam na alam ko ang ibig sabihin.

Malungkot ang kanyang mga mata. Bakit sya malungkot? nasasaktan ba sya? Mahal nya parin ba ako? Hindi nya ba ginusto yung paghihiwalay namin?

Naramdaman ko namang hinawakan ni Michael ang kamay ko na nasa lamesa kaya kitang kita ko ang paglipat ng tingin ni Richard sa mga kamay namin.

"Dalawa lang yan, madali syang nahulog saakin o sadyang hindi naman talaga ganoon katatatag ang relasyon nila noon" si Michael na ang sumagot ng tanong ni Danica. Natawa naman ng mapakla ang half sister ko.

"Hndi lang pala fiance, speaker narin. Totoo ba yun dear sis? o sadyang hindi mo naman talaga minahal si Richard?" madrama nya pang hinaplos ang balikat ni Richard.

"Danica, that's enough! ano ba yang pinagsasabi mo?" bulyaw ni Tito Lorenzo.

"Dad, i'm just asking~" naputol ang sinasabi ni Danica ng biglang tumayo si Richard.

"Excuse me, naalala kong may early meeting nga pala ako kay Mr.Salazar. Aalis na po ako Mr.Chua" tinanguan nya narin si Mommy para magpaalam.

Nakikita ko nanaman syang naglalakad palayo saakin. Nostalgic, parang no'ng umalis sya matapos nyang makipaghiwalay saakin sa park naiyon. Pagkaalis ni Richard sa Dinning area.

"Excuse me Mom, CR muna ako" sabi ko kay Mommy atsaka tumayo na. Hindi nga lang ako nakaalis agad dahil hinigpitan ni Michael ang pagkakahawak nya sa kamay ko. "Sasamahan kita"

"Please Michael, just now" pagsusumamo ko. Alam kong mayroon na syang alam sa mga nangyayari dito, base na lang sa inasta naming lahat. Naging malambot ang ekspresyon nya ng nakita ang lungkot sa mukha ko at binitiwan rin ang kamay ko. Pagkabitaw na pagkabitaw nya, tumakbo na ako palabas para maabutan si Richard.

A Night Stand With Mr.CEOWhere stories live. Discover now